CHAPTER ONE
The Trooper High
***
Sam
Kakalabas ko lang ng bahay at naglalakad ako ngayon papuntang bus stop. Ngayon ang pasukan ng Trooper High, kaya hindi ko mapigilang ma-excite. Maniwala man kayo’t sa hindi, ito ang unang beses ko na maging isang opisiyal na estudyante. I never got the chance to study before, dahil ako ang breadwinner ng pamilya namin. Ako palagi ang nagtatrabaho, kaya wala akong pagkakataon na makapag-aral. Pero kahit na ganoon, masuwerte pa rin ako na biniyayaan ako ng ganitong utak.
As for Lumi, nasa bahay lang siya, naiwan, dahil hindi naman siya pwedeng sumama sa school. Pero alam ko naman na hindi siya mababagot doon. Maliban kasi sa pinapanood niyang anime, abala din siya sa mga imbento niya. Tinuruan ko kasi siya kung paano gumawa at magkumpuni ng mga sirang mga gadgets. Tinuruan ko din siyang mag-program ng isang system, at kung paano I-hack ang ibang system o server.
"How are you feeling, Sam?" tanong ni Lumi mula sa earbuds na suot ko.
"Pangalawang beses mo na yang tinanong sa akin niyan." Natatawa kong tugon, na nagpatawa din sa kanya.
“Hindi kasi ako mapakali.”
“Ikaw ba ang papasok, o ako?” Pang-aasar ko, na tinawanan niya.
"Ewan ko sayo!” tugon niya. “By the way, school bus approaching in 20 seconds." Pagbibigay-alam niya.
"Thanks." Pasalamat ko, at saka isinuot ang Smartglass ko. It’s one of my invention. Ito yung klase ng salamin na karaniwang suot ng mga CIA Agents. Kaya nagmumukha akong agent kapag suot ko ito.
‘Di nagtagal at narating ko ang bus stop, na sakto namang huminto dito ang bus. Unlike other school buses, it was painted in white along with the logo of Trooper High. Kapansin-pansin ang pagkamoderno at pagka-high tech nito. This bus was made from Pentagram, and designed by the Director herself.
Agad bumukas ang pinto nito, kasabay ang tunog ng isang steam. Umakyat ako dito, kung saan binati ako ng driver. I smiled back, at napatingin sa kabuuan nito. Noon, pangarap ko ang makasakay sa isang school bus, pero ngayon abot ko na. Dahil dito, hindi napigilan ng puso ko na tumibok ng pagbilis-bilis. I felt happy, and my body was resonating with it.
Nagpatuloy ako sa paglalakad para makaupo. Kitang-kita ko ang ibang estudyanteng katulad ko, na abala sa kani-kanilang gawain. Lahat sila nakasuot ng parehong uniporme na suot ko. The uniform’s design was a combination of Korean and Japanese styles, with a color scheme of black and white.
I continued, and noticed a raised and waving hand. Nang makita ko nang maayos ang mukha niya, natuwa ako nang makita si Macy.
Agad akong lumapit sa kanya. "Pwede ba akong makiupo?" tanong ko.
"Oo naman!" masigla niyang tugon at saka tinapik ang bakanteng upuan, na tila inaalok ito sa akin.
Mabilis akong umupo, at saka dinamdam ang lambot ng upuan. "Nag-enroll ka din pala? Bakit?" tanong ko sa kanya.
"Gusto ko kasing makontrol nang maayos yung ability ko," sagot ni Macy. “Ikaw?” bawing tanong niya.
"Same lang."
Ilang minuto rin kaming nagkwentuhan ni Macy, hanggang sa mapahinto kami nang marinig namin ang bulungan ng mga ilang estudyante. Napansin naming nakatingin sila sa bintana, kaya nagtaka kami at tumingin narin. Mula sa ‘di kalayuan, ay isang gate na may nakalagay na "TROOPER HIGH" sa ibabaw nito na gawa sa metal na pininturahan ng ginto. Lahat kami manghang-mangha sa nakita namin at mas naging excited pa kesa kanina.
BINABASA MO ANG
DELIVERANCE BOOK 3: Siege from the Ethereal [Revamped]
Science FictionBOOK 3 of the DELIVERANCE SERIES About the book [Siege from the Ethereal, 3rd Edition] Earth was threatened once again for the third time. And it's up to Sam to stop it. Kahit masakit pa rin para sa kanya ang pagkawala ni Margaux, kailangan niyang m...