CHAPTER THIRTY-THREE
Hidden Power
***
Lumi
Nasa engineering department kami ngayon at nagsasagawa ng diagnostics sa jet. Since first time nitong lumipad sa space, minabuti na naming inspeksiyonin ito ng mga sira or anything na problema. Kasama ko si Macy at ibang engineers, lalo na ang head nila. Sila Sam, Zack, and Felerick ay nasa office ni Madame Blair. Si Deros naman, nagpaalam na babalik raw muna siya sa Chimera para humingi ng tulong. Tulong para kalabanin ang paparating na banta.
Hindi pa rin ako makapaniwala nang malaman kong aatake na ang mga hukbo ni Zhircon. At mas hindi ako makapaniwala na tatlong dambuhalang motherships ang papunta rito. Ewan ko sa mga tanginang Arkas na ‘yan kung bakit sa Pilipinas pa talaga gustong umatake.
Sabi ni Felerick na dito daw nila nasagap ang malakas na energy na pinagkakaguluhan ni Zhircon. I wonder kung ano ‘yong energy na nasagap nila five years ago? I didn't have time para problemahin pa ‘yan. We must focus on the incoming threat.
Speaking of threat, mukhang nakapasok na nga sila. Biglang umalingawngaw sa buong Pentagram ang isang sirena. Sirena na nagpapaalala na kailangan na naming maghanda para sa nalalapit na pag-atake. Nagkatinginan kami ni Macy na tila inaalam kung ano ang gagawin ng isa sa amin.
Lumabas kami ni Macy sa facility at hinanap ang sinasabing motherships. At nakita nga namin ito. Sa sobrang laki nito, kahit nasa city ito, ay kitang-kita namin ang pagbaba nito. They hovered in top of the city center na tila hinihintay kami na umatake.
Nagsisigawan na ang ilan sa mga troopers na naghahanda nang lumaban. Kami ni Macy ay nakatayo lang at hinihintay sila Sam. Hindi nagtagal ay may binagsak ang tatlong motherships. Malalaki ito, kasi malinaw namin itong nakikita na bumabagsak. Mga siyam ata ‘yong binagsak nila, pagkatapos ay wala na. ‘Yon lang?
"Incoming!" sigaw ng isang babaeng trooper na ikinataka namin ni Macy. Incoming? Wala naman akong nakikita ah, maliban sa mga sa swarm of...ano ba ito? Langaw? Bubuyog? Lamok?
"Macy! Take cover!" biglang sigaw ni Sam mula sa earbuds namin.
Agad nag-summon ng barrier si Macy para protektahan kami sa kung ano man ang paparating sa amin. Nang ilang metro nalang ang layo nito, agad silang nagpaputok ng mga munting bala. Pero nagulat ako nang makita ko ang pinsalang dinulot nila. Wasak ang lupa na tinamaan ng pag-atake. Papalapit nang papalapit ito sa amin ni Macy, habang walang tigil na nagpaputok. They're so fast na parang mga miniature fighter jets.
"They are aviators, Lumi. They are dangerous when they are in group," pagbibigay-alam sa amin ni Sam. Kung baga sa amin, airforce. Matalino nga si Zhircon.
Ilang sandali lang at tumama nga sa amin ang mga atake nila pero hindi kami napinsala, thanked to Macy's barrier. Napuno ang Pentagram ng ingay dahil sa putok ng mga baril. May nagsisigawan na at umiiyak.
Agad dinisable ni Macy ang barrier at saka kami pumunta sa kinaroonan nila Sam. After a few runs, ay narating nga namin siya.
"Are you okay?" nag-aalalang tanong ni Sam sa amin.
"We're fine, Sam."
"Where's Deros?" kunot-noong tanong ni Zack.
Si Macy ang sumagot. "Bumalik sa Chimera para humingi ng tulong."
"Sam!" tawag na sigaw ni Ella mula likuran namin. Naglakad siya papunta sa amin kasama si Toby, na bitbit si Tella, habang nakasunod naman sa likod nila ang kambal na sina Rennie at Ronnie. Hindi na sila bago sa akin, dahil kilala ko na sila noon pa.
BINABASA MO ANG
DELIVERANCE BOOK 3: Siege from the Ethereal [Revamped]
Science FictionBOOK 3 of the DELIVERANCE SERIES About the book [Siege from the Ethereal, 3rd Edition] Earth was threatened once again for the third time. And it's up to Sam to stop it. Kahit masakit pa rin para sa kanya ang pagkawala ni Margaux, kailangan niyang m...