CHAPTER SEVENTEEN: UNMASKED AND FRAMED

58 2 0
                                    

CHAPTER SEVENTEEN

Unmasked and Framed

***

Sam

Nakasakay kami ngayon ni ng taxi. Hindi pa rin mawala-wala sa isipan ko ang sinabi niya kanina. ‘Yong tungkol kay Macy na nasa panganib. Hindi ko maisip kung bakit siya nasa panganib at kung ano ang mangyayari sa kanya, pero sigurado akong kinakabahan si Zack tungkol dito. Nag-aalala ako sa kanya, bilang kaibigan, dahil unang beses ko siyang makitang ganito ka-taranta.

"Pwede mo na bang sabihin sakin, Zack?" tanong ko, pero bigo niya itong marinig. He’s preoccupied, at nakikita ko iyon. Hindi mapakali ang kamay niya na walang tigil kakahampas sa hita niya, at yung paa niya ay walang ring tigil kakapadyak.

Sa hindi malaman na dahilan, hinawakan ko ang kamay niya, na siyang ikinagulat niya. Napahinto sa pagpadyak ang paa niya, kasabay ang paglingon niya sa akin.

Napabuntong-hininga siya. “I’m so sorry. Natataranta na ako.” Paumanhin niya.

“Ano ba kasi ang nangyari? Bakit mo nasabi iyon kanina?” tanong ko.

"I have the ability to sense danger." Deklara niya.

"And what about it?"

"Kaninang umaga, nung time na nagpakita si Troy, biglang nagparamdam ito,” napahinga muli siya. “I suspected that it was Troy dahil wala namang ibang tao doon, kaya sinundan ko siya. Narating namin ang likuran ng school, doon ko siya narinig na may kausap sa phone. Sabi niya, bigyan raw siya ng kunting panahon at matatapos na rin daw ang lahat." Kuwento niya.

Nang marinig ko ang kuwento niya, hindi ko na din mapigilang mangamba at mag-alala. Si Troy? Alam kong naging kaaway namin siya at muntik na nga akong patayin ng ibang kasama niya, pero sa laro lang naman iyon. Although in real life napaka-arogante at mayabang nila, pero nagbago na si Troy. At naramdaman ko iyon noong sumabay siya sa amin na mananghalian.

"Anong matatapos?" takang tanong ko.

"Hindi ko rin alam, Sam, pero kung ano man ‘yon, hinala kong parte ng plano to get close to you and Macy and gain your trusts." Suspetya niya na bahagya kong sinang-ayunan. "Wala akong pruweba na si Troy ba talaga ang dahilan ng pakiramdam ko kanina, pero sigurado akong may mangyayaring masama."

"Let's just go to my house at doon tayo magplano." Mungkahi ko, na tinanguan niya.

After a few minutes of travelling, narating nga namin ang bahay. Mabilis naming binayaran si Manong Driver, at saka bumaba na ng sasakyan. Kahit nandito si Zack, dali-dali kong tinungo ang entrance ng lab, habang nakasunod naman sa akin si Zack.

After uttering my passcode, bigla itong bumukas at saktong napadaan si Lumi sa may pinto. Agad siyang napalingon sa akin, habang bumababa ako sa hagdan. Pero kumuha sa akin ang itsura niya na tila may pinapanood sa itaas. Sinundan ko ang tingin niya at nalaman kong si Zack pala. At gaya ni Macy noong unang beses niyang makita ang secret bunker ko, ay tulala siya na tila nagulat at nabigla sa nakita niya.

"Just get in here! Ipapaliwanag ko sayo lahat." sigaw ko na nagpabalik sa kanya sa kasalukuyan. Alam kong nagtataka siya, pero kaligtasan ni Macy ang prayoridad namin ngayon.

Dahan-dahang bumaba si Zack at saka maingat na pumasok sa kwarto. Nilibot niya ang paningin niya, at gaya ng inaasahan namangha siya.

"What the hell is this place, Sam?" Manghang tanong niya na abala pa ring nililibot ang lugar.

"This was supposed my secret room,” tugon ko habang hinahanda ang screen table. “but since you and Macy already know it, hindi na siya sec—”

DELIVERANCE BOOK 3: Siege from the Ethereal [Revamped]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon