CHAPTER FOURTEEN: THE TOURNAMENT CHAMPIONSHIP

61 5 0
                                    

CHAPTER FOURTEEN

The Tournament Championship

***

Sam

"Thanks again, guys." Pasalamat ko sa dalawa matapos nila akong ihatid sa bus stop na malapit sa bahay. Kakalabas ko lang sa infirmary para umuwi matapos akong payagan. Nalaman namin ni Zack kay Macy na bukas na lang daw gaganapin ang championship dahil sa mga natamong pinsala ng mga other players. Sino ba kasi ang hindi mapipinsala, eh halos patayin na ako ng mga gurang na bakal na yun.

"You're always welcome, Sam." tugon ni Zack while giving me his sweetest smile. Kunting-kunti nalang talaga at kikilabutan na ako sa mga ginagawa niya.

"Sus, para yun lang,” nakangisi namang tugon ni Macy. “By the way, ‘wag mong kalimutan yung pinagawa ko ha?" bilin niya at saka napakindat.

“Ano ba iyon?” tanong naman ni Zack, pero napatawa nalang kami ni Macy.

“O siya, alis na ako! Mag-ingat kayo!” Bilin ko sa kanila, habang kumakaway. Kumaway din sila bilang ganti, at saka umalis na.

***

Nasa lab kami ngayon ni Lumi, abala sa mga ginagawa namin. I was doing a background check about our possible opponents tomorrow, like understanding their abilities para alam namin kung paano sila malalaban at maiisahan. Ito yung pinagawa sa akin ni Macy, dahil alam niya na kaya ko daw na I-hack ang database ng school.

"Kumusta naman ang pag-hack mo sa Pentagram, Sam?" tanong ni Lumi habang masusing pinag-aaralan ang bagong imbensiyon niya.

"A piece of cake. Hindi pa kasi nila hinihigpitan ang security ng mga servers nila,” paliwanag ko. “How about you?"

"I’m modifying Hawky para capable na siya sa anumang panahon." Tugon niya, pero nakatingin pa rin sa ginagawa niya.

"Mabuti naman. How about the CCA? Wala pa bang update?"

"So far, wala pa naman. He's still sleeping."

"Ganun ba,” sakto namang natapos ang pag-transfer ng mga data ng kalaban namin sa codex ko. “O siya, matutulog na ako. Ikaw na bahala dito."

"Okay, goodnight!"

"Goodnight!"

***

"Good morning, Trooper High! It is me, again, your host for today’s tournament! Are you all ready for the Championship?!" sigaw nito at saka umalingawngaw sa buong Arena ang sigaw at hiyaw ng mga manonood. Nasa parehong puwesto pa rin kami katulad kahapon but today, apat nalang kami. Us, Royale, Raven and Shark.

"Now for today’s game... Flag Defense!” anunsiyo niya. “Players, here's your mechanics! Two teams will be given a flag to be protected in a duration of 30 minutes. One member to guard the flag while the other two will capture the opponent's flag.

“The offensive members will only allow to use one ability only. Those who will be caught cheating, the whole team will be disqualified and will be kicked out of the game.

“The defensive members were allow to use all of his/her abilities to protect the flag. The team who can successfully acquire the opponent’s flag before the time runs out, will be rewarded 5,000 points and be considered as winner of the game. Now, here's the teams you will be against with, " lumabas sa screen ang apat na insignia ng apat na teams, habang pinapares sa isa’t-isa. "For Game 1, we have Raven versus Royale! Players, press your buttons!

DELIVERANCE BOOK 3: Siege from the Ethereal [Revamped]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon