CHAPTER SIX
Guns and Time
***
Sam
Nasa labas kami ng isang kwarto, hinihintay na matawag ang pangalan namin. Ngayong araw ang Ability Assessment namin, pero sa iba na hindi pa nakukuha ang ability nila, tinawag nila itong Ability Acquisition. Sa pamamagitan nito, malalaman namin ang kakayahan ng mga abilities namin, at kung masuwerte ay mabuksan ang nakatago pang ibang ability. Ayon kay Madame Blair na malaki ang tsansa na maging bi-ability user ako, katulad nina Chris, kaya inaasahan niya, pati ako, na may makukuha pa akong bagong ability.
Tapos na si Macy at nagpaalam siya na pupunta raw siya ng infirmary dahil hindi raw mabuti ang pakiramdam niya. Sabi niya, effect daw yun ng assessment. Katulad din niya ang ilan sa mga estudyante, pero may iba naman na parang hindi naapektuhan ng nasabing proseso.
"Sam Clarkson Avedi!" Pasigaw na tawag ng isang babae, dahilan para agad akong mapatayo.
Pumasok ako sa kwarto na pinanggalingan ng huling estudyante bago ko, at bumungad sa akin ang isang upuan na parang sa dental clinic. Kita ko din ang isang tray sa gilid nito na katabi ng babae na tumawag sa akin, at sa ibabaw ng tray ay isang kulay asul na likido. Sa kabilang naman ng upuan ay isang monitor. Maliit ang kwarto at napakatahimik. Tanging ingay na nililikha lang ng babae ang siyang bumabalot dito.
"Hi, Sam,” bati ng babae, habang sinusuot ang latex gloves niya. “I'm Dr. Kelly, and I will be your assessment assisstant. Kinakabahan ka ba?" tanong niya, at saka tinuro ang upuan, senyales na pwede na akong maupo.
Pagkaupo ko, saka pa ako nakasagot, "Medyo." Dahil kinakabahan naman talaga ako. Naiisip ko kasi yung scenario sa mga pelikula kung saan makakatulog ka tapos paggising mo nasa isang nakakatakot na ospital ka na pala.
"You have nothing to worry about, kasi wala naman kaming itutusok sayo, instead," kinuha ni Dr. Kelly ang baso na may likido at inilahad sa akin. “I want you to drink this.” Utos niya na nag-aalangan kong tinanggap.
Napatitig ako sa likido, at parang sinasabi ng katawan ka na huwag itong inumin. "What is this exactly?" takang tanong ko. You can’t blame me. Natatakot ako, baka kung ano pala ‘tong likido na ‘to. Hindi ko rin magamit si Glassy para suriin ito dahil maliban sa may nakaharap sa akin na doctor ay, kailangan ko din ng sample ng substance.
"It’s the Gene Lifting Serum. Pinapabilis nito ang proseso sa pagkuha niyo sa ability niyo. May kunting side-effects nga lang like, dizziness and sometimes fever but it varies." Mahinahon at nakangiti niyang tugon, na parang isang tunay na doctor.
Napalunok muna ako ng laway, at saka dahan-dahan itong inilapit sa bibig. Nang lumapat ang edge ng baso sa ibabang labi ko, ay napapikit ako sabay na mabilis na ininom ang likido. The taste was not that bad, but it wasn’t good either.
Kinuha ni Dr. Kelly ang baso, bago ko pa man ito mabitawan, dahil ramdam ko ang pagkawala ng lakas ko. Para akong napagod. I can’t my move my hands, even my fingers. I felt sleepy, pero nagawa ko pa ring mapatingin kay Doctora.
Napangiti lang siya. "It's okay, Sam. Let it be." Iyan ang huling sinabi niya, bago matakpan ng kadiliman ang buong paningin ko.
***
Nagising ako dulot ng katahimikan. The moment I opened my eyes, nagtaka ako kung bakit sobrang dilim ng piligid. Tanging ang tinatayuan ko lang ang nagliliwanag pero hindi ganoon kalakas. Parang yung katawan ko mismo ang nagliliwanag. Napalibot ako ng tingin, pero bigo akong makakita ng kahit ni isang katiting ng liwanag. Para akong nakatayo sa kalawakan na walang mga bituin.
BINABASA MO ANG
DELIVERANCE BOOK 3: Siege from the Ethereal [Revamped]
Science FictionBOOK 3 of the DELIVERANCE SERIES About the book [Siege from the Ethereal, 3rd Edition] Earth was threatened once again for the third time. And it's up to Sam to stop it. Kahit masakit pa rin para sa kanya ang pagkawala ni Margaux, kailangan niyang m...