CHAPTER THIRTY-SEVEN
The Last Amulet
***
Lumi
We were on our way towards the third and last planet, ang Morhal. Where once lived by one of the supreme being, Morhal who owned the Gravity Amulet. Binabasa ko ngayon ang scroll na nakuha namin sa Staryash para naman may alam ako kung ano ang nandoon, upang hindi na maulit ‘yong nangyari sa Okamere. Translated na ito, fresh from Felerick's database at naka-save ito sa codex ko. Ang original? Nakatago na.
Base sa nakasulat dito, Morhal was called the Ruined Planet dahil sa sira na ito. As in literal na sira. Na nagkandahiwa-hiwalay ang mga parte nito dahil sa biglaang pagkawala ng gravity. Kaya dito napili ni Morhal na tumira para pigilan ang pagkakahiwalay ng mga lupa. Gamit ang Gravity Amulet na pagmamay-ari niya, ay napanatili niya ang pagkakalapit ng mga ito.
Wala rin itong pinagbago nang mamatay si Morhal. Also, this planet was where the supreme beings gathered and met, specifically inside the temple. Kung hindi ako nagkakamali, the amulet was hidden inside that temple, at hindi na ako magugulat kung may nakabantay dito.
At meron nga, they were the Lorhs. Luckily, dalawa lang sila dito. But we should not underestimate them. The scroll said that Lorhs are supposedly supreme beings' guardians, kaya expected na malakas sila. Na-mention din dito na naglalabas sila ng concentrated light beam or laser sa mga crystal na nasa noo nila. They didn't have a face but they could feel.
Pero nagtaka ako. How come si Morhal lang ang may Lorhs? Bakit wala kaming nakitang Lorhs sa Staryash at Okamere? Hm~ Strange. Wala ring nabanggit ang scroll tungkol dito.
"We're here." sambit ni Sam. Speaking of him, bihira ko nalang siyang naririnig na magsalita. Nagsasalita lang siya kapag tinatanong siya, or may iniuutos siya. Aside from that, wala na. Para siyang TV na naka-silent.
Muli kong itinuon ang sarili ko sa planetang nasa harap ko. Mukhang tama nga ang scroll. Sira na talaga ito. As in ‘yong parang holen na nabiak. Dahil sa mga sirang parte nito ay nahirapan kaming pumasok. Iniiwasan ni Felerick ang mga parte ng planeta na hindi tumama sa jet. After a few minutes of steering ay nakita namin ang temple na tinutukoy sa scroll. Luckily, malaking parte ang tinayuan ito kaya makakalapag ang jet.
Nang makalapag kami dito ay agad na kaming naghanda. Isinuot ko ang helmet ko at saka naglagay ng importanteng bagay sa bag ko, especially the tube. Napansin kong naghahanda din si Sam kaya medyo sumaya ako. Pero hindi parin nawawala ‘yong pagkatahimik niya. Pati si Macy ay nag-aalala na sa kanya.
Nagdesisiyon si Felerick na magpaiwan, kaya si Zack ang pumalit sa kanya. Nang maging handa na kaming lahat ay agad nang binuksan ni Felerick ang pinto. Naunang lumabas si Sam at sumunod kami nina Zack. Ilang metro mula sa kinatatayuan namin ang sinasabing templo. Ang tahanan ni Morhal.
"Let's go,” paanyaya ni Sam at saka kami nagsimulang maglakad. Dahil malapit lang naman ang templo ay narating agad namin ito. Nasa pintuan na kami ngayon na nakasarado. Sam tried to push it pero hindi ito bumukas. Mukhang naka-lock ata.
Nagulat nalang kami nang biglang tumilapon ang dalawang bakal na pintuan na tila tinulak ito nang pagkalakas-lakas. Isa lang ang alam ko kung sino ang may kayang gumawa nang ganito. Napatingin ako kay Sam na nakatutok pa rin ang kanang kamay nito sa pintuan na ngayon ay wasak na. Parang lumakas ata si Sam.
Madilim ang loob ng templo kaya binuksan na nila ang mga flashlight nila habang ako nag-summon ng light orb. Who knew na ganito pala ka-useful ang bagong abilities ko. Speaking of powers, nalaman kong hindi ko lang pala kayang mag-absorb ng light energy, kundi kaya ko rin itong ilabas. It will make my next attack to have more damage. Amazing, isn’t it?
BINABASA MO ANG
DELIVERANCE BOOK 3: Siege from the Ethereal [Revamped]
Science FictionBOOK 3 of the DELIVERANCE SERIES About the book [Siege from the Ethereal, 3rd Edition] Earth was threatened once again for the third time. And it's up to Sam to stop it. Kahit masakit pa rin para sa kanya ang pagkawala ni Margaux, kailangan niyang m...