CHAPTER FORTY-NINE
Fusion of the Two Souls
***
Sam
Weak. I thought that I could kill him. I thought that the power, Sovran gave to me was enough. Or maybe it's not the power who was weak. Maybe it was me? Dumb. Fighting the Demon Lord was a huge mistake. Who will thought that even the girl who was prophesied to kill him failed to kill him at all. Useless.
‘Yan ang tatlong salita na laging sambit ng mga boses na nasa utak ko. Hindi ko na nga maintindihan ito dahil sabay-sabay nila itong sinasabi. I just ignored them. They could call me weak. They could call me dumb. And of course, useless. I just didn't care. After all, totoo naman talaga ang pinagsasabi nila. I'm weak, dumb, and useless. Ewan ko nga ba ba't ako ipinanganak nang ganito. Sana hindi nalang ako nabuhay kung ganito lang din naman pala ang magiging kahihinatnan ko.
Nandito ako sa isang madilim na kawalan. No sounds could be heard and no lights could be seen. Just pure darkness. I couldn't even see my own body, pero alam kong nakalutang ako. Floating in a vast and dark unknown.
I'm sure I'm dead. Sino ba kasi ang mabubuhay kung butas ang sikmura mo. Idagdag mo pa ang nawalang dugo sa katawan ko na tatansyahin nating nasa dalawang litro. Kaya malamang patay na ako. At tanggap ko ‘yon. Mas mabuti na nga ito kesa mabuhay pa ako tapos puro kapalpakan lang naman ang ginagawa ko.
“Stop it, Sam,” biglang disturbo ng isang boses babae. Hindi na ako nagulat kasi alam kong si Margaux ‘yon. Wala nang ibang nakakarinig sa akin kundi si Margaux. “Don't look down on yourself, Sam. You are better than what you think you are.” Sus. Asa pa ako. Better talaga. Better maging mahina. Better maging bobo. At better maging walang kwenta. Kung tutuusin best ako diyan eh, ‘di lang better.
Isang nakaskasilaw na liwanag ang biglang lumitaw sa harap ko kaya napapikit ako at napatakip ng mata. Kalaunan ay humina ito hanggang sa makaya na ito ng mga mata ko. Dahan-dahan kong tiningnan ang pinanggalingan ng liwanag at nagulat ako sa nakita ko.
Just a few meters away from me, was Margaux, standing and staring directly at me with her deadly eyes and stern face. She was wearing a dress made of light but the end of her dress was burning in black flames. She also had this headdress made also from light. But in her forehead was a flame of black, burning endlessly.
Walang ipinagbago ang mukha niya maliban lang sa ekspresyon niya ngayon na ikinatakot ko. It's my first time seeing her, wearing this kind of look and it's kinda scary. ‘Yong parang titig pa lang niya ay tatakbo ka na. Ramdam ko rin ang galit niya. But why?
Pero kahit ganoon ang itsura niya, masaya pa rin ako, dahil muli ko siyang nakita. Sa ganitong sitwasiyon nga lang. Pero kahit na, masaya pa rin ako.
Naglakad siya papalapit sa akin habang ako ay nakahanda nang yakapin siya. Nang makalapit siya ay agad ko siyang nilapitan pero nagulat ako nang bigla niya akong sampalin. Sa sobrang lakas nito ay sapilitang napalingon ako. Agad na sumakit at uminit ang pisngi ko kaya hinawakan ko ito. I looked at Margaux, suot ang nagtataka kong mukha. Akala ko nga makikita ko sa mukha niya ang awa at pagsisisi pero wala. Tanging seryosong mukha lang niya ang nakaguhit dito.
I wanted to know the reason behind that slap. I wanted to know and I must know.
"You already know it, Sam," seryosong bulalas niya na tila sinagot ang tanong ko. I already know it? Excuse me lang ha pero ikaw ‘yong nangsampal. "How pathetic of you, Sam. I didn't teach you to be like that,” dagdah niya. Ano na naman pinagsasabi niya? "I've heard everything, Sam. All your thoughts: how you look down on yourself and how you pray for your own death. Ganoon nalang ba kadali para sayo ang mamatay?"
BINABASA MO ANG
DELIVERANCE BOOK 3: Siege from the Ethereal [Revamped]
Fiksi IlmiahBOOK 3 of the DELIVERANCE SERIES About the book [Siege from the Ethereal, 3rd Edition] Earth was threatened once again for the third time. And it's up to Sam to stop it. Kahit masakit pa rin para sa kanya ang pagkawala ni Margaux, kailangan niyang m...