CHAPTER FORTY-FIVE: THE WISH NOT WISHED

33 2 0
                                    

CHAPTER FORTY-FIVE

The Wish not Wished

***

Sam

Nakatipon na naman kami ngayon sa loob ng tent ni Madame Blair but this time, kasama na namin ngayon ang head ng Trooper at si Tamer. Hindi ko pa rin makalimutan ‘yong labanan namin ni Tamer. ‘Yong muntik na akong sunugin ng mga phantoms niya. Pero mas hindi ko makalimutan si Mindfreak. He almost killed Zack and Madame Blair. Mabuti nalang at dumating n’on si Chris.

Speaking of Chris, bakit wala siya? Akala ko pa naman kumpleto kami ngayon. Wala na akong oras para isipin kung nasaan siya dahil ilang minuto nalang at magsisimula na muli ang totoong labanan. Matutunghayan ni Zhircon kung paano kami lumaban. He'll gonna regret invading Earth.

"Sam! Stay here and perform the wish. Zack, Macy, and Lumi will protect you. The rest, kick some asses!" Tumango kaming lahat. Naiwan kaming lima at si Madame Blair sa loob, habang tinungo ng iba ang labas ng tent. Tiningnan niya ako at saka ako sinenyasan, notifying me that I should start the ritual.

Inilagay ni Felerick ang tatlong magnetic tube sa mesa na may mga amulets na nakalutang sa loob, saka ang disc. Nang ilapit niya ito, I felt the strong surge of energy coming from them. Mukhang excited silang magkita-kita ulit. Using my telekinesis ay sabay kong binuksan ang tatlong tube. Nilabas ko ang mga amulets at saka pinalutang sa ibabaw ng disc. Para silang magnet na na-attract ng metal disc.

"Hold the disc, Sam,” utos ni Felerick. Gaya ng sabi niya, kinuha ko ang disc.  "Now place the amulets." Dahan-dahan kong binaba ang mga amulet sa mga slot nila. Nagulat nalang kami nang biglang mawala ang chains nito at tanging naiwan lang ay ang pendant. Pagkalapat nila sa disc ay agad silang naglabas ng isang nakasisilaw na liwanag. Lights in different colors. I covered my eyes with my hands, pero napapikit pa ako nang mas lumiwanag pa ito, covering the whole tent with bright light.

***
Zack

Napatakip kami ng mata nang biglang kumalat sa buong tent ang nakakasilaw na liwanag na nagmula sa mga amulets. Sa sobrang liwanag nito ay, kahit nakapikit ako ay sobrang liwanag pa rin nito. Ilang segundo ang lumipas, at unti-unti itong nanghina. At hindi nga nagtagal ay nawala ito. Agad akong napatingin sa kinatatayuan ni Sam and I was amazed nang makita ko siya.

Nakalutang siya nang walang malay. Parang siya n’ong nasa mga horror movies na sinasapian ng demonyo. The disc was above him, floating, as well. The amulets were still glowing pero hindi na ganoon ka liwanag gaya kanina.

"Where is Sam?" tanong ni Macy sa scroll na nakalutang sa harap niya.

Lumapit si Felerick para basahin ito at nagsalita siya. "He's inside the disc. About to meet the Sovran, the wish granting spirit,” deklara ni Felerick. Nakahinga ako nang maluwag nang malaman kong safe si Sam. Akala ko kasi kung ano nang nangyari sa kanya dahil sa position niya ngayon.

Isang pagsabog ang nakakuha sa atensiyon naming lima. Tinungo ko ang pinto at nagulat ako sa nakita ko. Isang ship na pagkalaki-laki ang nasa ibabaw ng city ngayon. Sa sobrang laki nito, ay halos matakpan ang buong siyudad. Mas malaki pa ito sa mga mothership na umatake kanina. Kahit madalim, ay kitang-kita ko ito dahil sa mga liwanag na nagmumula dito.  It masked the skies, blocking the stars and the moon. Napansin ko ang ilang ilaw na pabagsak sa lupa. Kung hindi ako nagkakamali, mga bagong hukbo ito ni Zhircon.

"Felerick, puntahan mo ‘yong mag-ina,” utos ni Madame Blair na agad sinunod ng android.  "You, three,” turo niya sa aming tatlo. “protect him." Tumango kaming tatlo at saka siya lumabas sa tent.

DELIVERANCE BOOK 3: Siege from the Ethereal [Revamped]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon