CHAPTER THIRTY-NINE: ZACHAR, THE TRADER

33 2 0
                                    

CHAPTER THIRTY-NINE

Zachar, The Trader

***

Macy

Nasa hyperspeed pa rin kami ngayon at tinutungo ang Black Planet. According to Felerick's database, this planet was the lowest ranked planet in the universe. And also, this planet was protected by the Treaty of Beings in which stated that this Planet was free to all and shall no captivating of criminals. Kaya nga tinawag itong Black Market kasi nandito lahat ng mga space criminals ng iba't-ibang planeta.

Dito rin binebenta o kinakalakal ang iilan sa mga ipinagbabawal na mga kagamitan. On the other hand, mahal nga lang ang presyo kasi bihira itong mga gamit dito. Kaya napagisip-isip ko kung paano namin makukuha ang disc. We didn't have any money. At saka kung makikipag-trade kami, ano naman ‘yong ipangte-trade namin? Well, si Sam na ang bahala since siya naman ang palaging nasusunod. And I didn't oppose to that. Mas magaling kasi siyang mamuno and in the first place, siya ang nagtatag ng team nato kaya dapat lang na siya ang leader.

Speaking of our leader, napapansin kong parang may nagbago sa kanya. Minsan nalang siyang nagsasalita. ‘Yong mukha niya, parang blankong papel na maliban sa walang nakasulat ay wala ring kulay. Something might happened to him na hindi naman nalalaman. At kung ano man ‘yon, na-trigger nito ang ganitong side ni Sam.

Napahinto ako sa pag-iisip nang lumabas na kami sa hyperspeed. In front of us was a dark, gloomy, and busy planet. Maraming mga spaceships na bagong dating katulad namin at may iba din na papaalis na. Hindi ako makapaniwala na nag-eexist ang planet na ‘to. Akala ko sa mga pelikula ko lang ito makikita. I'm not a fan of Star Wars pero dahil dito, gusto kong panoorin ang buong storya nito. Mukhang kami pa ata ang unang tao na nakakita sa mga planetang ito.

This mission was more than just a mission. It's an expedition! Unti-unti kaming pumasok sa atmosphere ng planeta at bakas pa rin sa mukha ko ang pagkamangha. Hindi ko mapigilan na hindi tingnan ang kalapit naming mga spaceship. This was so cool. Hindi ko aakalain na hindi kami nag-iisa sa universe.

"Okay guys, listen. Since this planet is one of the homes of the criminals, we should disguise ourselves. In a low profile,” pagpapaliwanag ni Felerick na sinang-ayunan namin. How can we disguise ourselves?

"Wear this,” sabay tapon samin ni Sam ng isang cloak. Para itong sa mga witches na may hood. Ito ba ang sinasabi niyang low profile? Baka mapagkamalan pa kami nito na miyembro ng isang kulto.

"The people in Black Planet are illiterate. That means, they don't know how to talk in English. Kaya let me do the talking,” mungkahi ni Felerick na ikinataka namin. So tinuturo din pala sa kanila ang English? So that means, English is not just an International Language but a Universal Language?! Ang dami kong natututunan sa misyong to!

Agad tinungo ni Felerick ang "parking lot" ng mga spaceships na mas malaki pa sa isang syudad. Well, hindi ko naman sila masisisi dahil marami naman ang pumupunta dito kaya okay na din na in-expand nila ang parking lot. I never knew na may pagka-businessman din pala ang mga alien na ‘to. Well, they’re just like us.

Nang makahanap kami ng mapaparadahan ay agad na kaming lumabas. Sabi ni Felerick na ilang milya pa daw mula rito ang Market Center kaya sasakay daw kami sa isang transportation thingy, na magdadala sa amin sa market place. Dala rin namin ang mga kakailanganin naming mga sandata, sakaling mapasubok kami sa labanan. Just in case lang.  Pero kung mangyari man, it's bye-bye to us. Sino ba ang makakaligtas sa planetang puno ng kriminal?

Speaking of criminal, may nakikita kaming mga grupo nito na pinaliligiran ang isang walang laban na alien. Aktong lalapitan ko na sana sila nang pigilan ako ni Sam. Napatingin ako sa kanya ang he just gave me a nod in disagreement, telling me that I should stop whatever I'm planning to do dahil isang malaking pagkakamali ‘yon. I couldn't help myself, but to pity the alien na ngayon ay wala nang bitbit na pinamili niya dahil nakuha na ito ng mga kriminal.

DELIVERANCE BOOK 3: Siege from the Ethereal [Revamped]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon