CHAPTER TEN
A Barrier that Kills
***
Lumi
Kaharap ko ngayon ang mga sandamakmak na mga monitors nang utusan ako ni Sam na bantayan si Macy sa pag-uwi. I'm using right now the streets CCTV, para ma-monitor siya. At first gusto ko talagang gamitin ang drone na gawa ko na pinangalanan kong Hawky, but the weather is not good, kaya hindi ko nalang siya ginamit. Baka mabasa pa at masira. Sayang yung pinaghirapan ko, kung masisira agad. Pero imo-modify ko pa naman siya para capable na siya sa ano mang panahon.
Speaking of weather, umulan na nga. Macy had already took the bus at saka ako napatingin sa isang monitor. It's a tracking map at nakita ko kung paano gumalaw ang pulang bilog, palatandaan ng kinroroonan ni Macy. Matapos ang ilang minuto ay huminto ito, kaya muli kong tiningnan ang monitor na may CCTV footage at pinindot ang arrow na tumuturo sa kanan, para ilipat ang feed.
Saktong lumabas si Macy sa bus at saka pumasok sa isang restaurant. After a few minutes, lumabas siya rito pero napaupo ako ng maayos nang makita kong hinablot ng dalawang bata ang bitbit niyang supot.
"Those kids." Puna ko habang pinanood si Macy na hinabol ang mga ito. "Come on, Macy!" cheer ko sa kanya. Para akong nanonood ng racing dahil sa excitement.
After a couple of minutes of chasing, the two kid took a right turn at the corner, pero hindi ito napansin ni Macy. Kaya napahinto siya, at hinanap ang mga ito.
“Sa kanan mo!” nanggigil kong sabi. Bakit ba hindi ko siya binigyan ng earbuds.
Kalaunan, lumapit si Macy sa isang lalaki na may suot na apron, at kinausap ito. Mukhang butcher siya ng meat shop na nasa gilid nila. Matapos ang ilang minutong pag-uusap, ay nagpatuloy si Macy at lumiko sa parehong kanto na tinahak ng mga bata.
Sinundan ko siya by switching from CCTVS to CCTVs, hanggang sa makita ko siyang nakatayo sa isang abandonadong gusali. Tinitingnan niya ito na tila inaalam o pinag-aaralan ang estruktura nito. With my curiousity, I checked and researched about this building and found out that it was a famous pastry shop before. Pero napilitan ang may-ari na isarado ito dahil sa mga insekto na bigla nalang daw lumitaw. Hula ng may-ari phantom raw ang mga ito dahil sa binubuga nitong nakakatunaw na laway.
“This is bad.” Bulalas ko, at saka muling napatingin sa feed. Pero gulat nalang ako nang hindi ko na siya makita. Nagpalipat-lipat ako ng CCTV na malapit lang sa kinaroroonan niya kanina pero hindi ko nakita. Pero ayon sa tracker, nasa gilid lang siya ng gusali.
Agad akong tumayo at saka tumakbo palabas ng lab. Umakyat ako at saka pumasok sa kwarto ni Sam na siyang ikinagulat naman niya.
"Geez, Lumi! Marunong ka naman sigurong kumatok, ‘di ba?" tanong niya
"Macy is in trouble." Diretso kong sabi.
***
Macy
I was in total shock nang atakehin niya ako. Buti nalang nakailag ako at napunta sa likurang bahagi ng bahay nila. Pero alam kong susundan niya ako, kaya napatakbo ako. Pero bumulaga sa harap ko ang isang mataas na pader. Masyado itong mataas para akyatin, but luckily, may pinto sa gilid. But this door will lead me into the abandoned building, na ayaw na ayaw kong pasukin. Pero dahil wala nang ibang paraan para makatakas, wala na rin akong choice.
As I open the door, isang malamig na hangin ang sumalubong sa akin na siyang nagpakilabot sa akin. Pero gaya nga ng sinabi, wala akong choice kaya kahit na natatakot, kinuha ko ang emergency penlight ko at saka pumasok. Nang makapasok, bumulaga sa akin ang ilang bakanteng mga kahon at shelves, kaya hinala ko nasa storage room ako.
BINABASA MO ANG
DELIVERANCE BOOK 3: Siege from the Ethereal [Revamped]
Science FictionBOOK 3 of the DELIVERANCE SERIES About the book [Siege from the Ethereal, 3rd Edition] Earth was threatened once again for the third time. And it's up to Sam to stop it. Kahit masakit pa rin para sa kanya ang pagkawala ni Margaux, kailangan niyang m...