CHAPTER THIRTY-FOUR: UNSCATHED WOUND

38 2 0
                                    

CHAPTER THIRTY-FOUR

Unscathed Wounds

***

Sam

Kakababa lang namin sa jet suot-suot ang mga suit namin. We also wore our helmets na fini-filter ang nakakalason na hangin ng planeta. Nalaman kasi namin na puno ng toxic gas ang planeta dahil sa nilalabas nitong usok. Samahan mo pa ng mga abo at mainit na mga magma na nagmistulang ilog.

I couldn't imagine myself living in this planet, kaya napa-isip ako kung bakit dito nakatira ang isa sa mga supreme aliens. Sabi ni Felerick, si Staryash ang may hawak sa Destructive Amulet. May kakayahan daw ang amulet na ito na sirain ang nais ng wielder, pero hindi nito kayang kumitil ng buhay. So, in other words, it's main attribute was to destroy.

"Did you know na hindi pa ganito ang Staryash?" Napatingin kami kay Felerick nang magsalita siya.

"Hindi," diretsong sagot ni Lumi habang patuloy na naglakad papunta sa malaking bulkan, ilang metro lang ang layo mula sa kasalukuyan naming puwesto.

"This planet was covered in water and that volcano over there," turo niya sa bulkang pupuntahan namin. "was the only volcano in this planet, kaya dyan tumira si Staryash. Pero n’ong namatay siya at naiwan ang amulet, tila in-absorb ng planeta ang kapangyarihan ng amulet at saka naging ganito. The water dried up and volcanoes started to emerge from the ground leaving the planet like this."

"How about the gashers?" tanong ni Macy.

"They became the lava monster to survive the new environment. They were just water mammals that once lived underwater." Nagpatuloy si Felerick sa pagbibigay sa amin ng mga facts and trivias tungkol sa planeta at kay Staryash. Ilang metro na din ang layo namin sa jet kung saan naiwan si Zack. Nagpaiwan siya sakaling may umatake daw sa jet.

Mas lumaki ang bulkan na nasa harapan namin ngayon at kitang-kita ko na ang paanan nito. Isang palatandaaan na lumalapit na kami. Pero napahinto kami nang makita namin ang isang malawak na ilog na gawa sa nagbabaga at kumukulong natunaw na mga bato at lupa. Masyado itong malawak, so jumping across was not the list. We needed to find something na magagamit namin para makatawid.

"We better cross guys,” sambit ni Lumi na may pag-aalala sa boses nito. Nakuha nito ang atensiyon namin, kasabay ang isang hindi pamilyar na ingay. Ingay ng hayop na hindi pa namin naririnig. Nilingon namin ito at nagulat sa nakitang mga gashers na dahan-dahang naglakad sa direksiyon namin.

"They're vegetarian, right?” pagbibirong tanong ni Macy habang napapaatras nang kunti.

"I hope so, but they’re not," tugon ni Felerick na ikinadismaya ni Macy.

I quickly summoned my guns at saka ito itinutok sa kanila. Aabot ata sila sa dalawang dosena, at hindi ko inakala na malalaki pala sila. Mas malaki sila ng kunti sa mga aso. Balot ang katawan nila ng mga nanigas na magma, pero mas kitang-kita namin na gawa nga sila sa magma. Their eyes glowed sa tuwing umuungol sila. May lumalabas din ng mga sparks sa bibig nila sa tuwing humihinga sila ng pabigla. Kumuha din sa atensiyon namin ang magma na tumulo mula sa bibig nila na imbis na laway.

Nagpatuloy sila sa paghakbang papunta sa amin habang kami ay patuloy din na umaatras. Kunti nalang ‘yong espasyo na nasa likod namin at mahuhulog na kami. Second option namin ang lumaban kapag hindi kami nakaisip ng paraan para makatawid, at mukhang magagamit namin ang second option dahil wala naman talagang paraan na pwede naming maisip para makatawid.

"Should we fight?" nag-aaalang tanong ni Macy na panay ang tingin sa likod namin.

"Wala namang tayong choice eh," sagot ko. Bumulong ako ng isang chant na agad naglabas ng magic circle sa bunganga ng baril ko. Isa-isa kong pinaputukan ang mga gashers. Nagsimula na ring umatake si Lumi gamit ang mga orb niya. Si Macy naman panay ang pagtapon sa mga gashers gamit ang mga barrier niya. Si Felerick ay nakatago lang sa likod namin. Sana naman nag-iisip siya ngayon ng paraan para makatawid na kami.

DELIVERANCE BOOK 3: Siege from the Ethereal [Revamped]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon