CHAPTER FORTY-SEVEN
Wish Granted
***
Ella
Kakagising lang namin nina Zack matapos kaming patulugin ni Zhircon. Dahil napansin kong wala si Lumi, ay agad ko siyang hinanap. Napalingon ako kay Zack na tulalang nakatingin sa likurang bahagi ko. Nilingon ko ito and I was shocked about what I saw. Lumi was lying on the ground, and beside her was Sam. Napansin ko ang isang sugat ni Lumi at ang unti-unting paglalabo ng mga paa niya. Napatakip ako ng bibig nang ma-gsink in sa utak ko ang nangyayari.
Pansin ko ang pag-iyak ni Sam, kaya hindi ko na ring naiwasan maiyak. Pero natigilan kaming lahat nang makita namin si Zhircon na nakatayo, ilang metro mula kina Sam. He was staring at the two na tila nasisiyahan sa ginawa niya.
Isang tunog ng kuryente ang kumuha sa atensiyon ko, dahilan para mapatingin ako kay Zack. Nakayuko lang ito habang naglalabas ang katawan niya ng mga kuryente. Maya-maya lang ay bigla nalang siyang nawala sa tabi namin at nalaman naming kinakalaban na pala niya si Zhircon.
"Let's help him,” suhestiyon ni Chris kaya sumang-ayon kami. Tumakbo kami sa kinaroroonan nina Zack at saka sumali sa laban nila. Using my Ice Fist ay tumilapon si Zhircon ng ilang metro, pero agad naman namin itong sinundan. Palaging unang umaatake si Zack dahil sa bilis niya na parang kuryente. Aktong patatamaan na sana ni Chris ang kalaban ng magic niya nang biglang lumipad si Zhircon, gamit ang thruster sa mga paa niya.
Pero nagulat nalang kami nang bigla siyang tangayin ni Aurie at saka mas dinala pa paitaas. Binitawan niya ito at bigla nalang may lumutang na portal sa ibabaw niya at saka lumabas mula rito si Drey na anyong-tao. Using his massive strength ay malakas niyang sinipa si Zhircon pabagsak sa lupa. Sumunod naman si Veana na pinatamaan siya ng tatlong magkakasunod-sunod na palaso na agad namang sumabog pagkatama nito kay Zhircon.
After Veana was Torin, na nasa anyong lobo. Pinatamaan niya ito ng mala-laser na beam habang nasa ere pa ito. Next was Leo, na binigyan siya ng ilang nakamamatay na kalmot mula sa mga naglalakihan niyang mga kuko. And so, Chris do his magic. Using his Laser Lacerate chant ay walang awa niyang pinatamaan si Zhircon. Deros was about to attack Zhircon na kakabagsak lang, pero napatigil siya nang biglang may lumitaw na magic circle sa paanan nito. I know this chant.
"Hellfire!" sigaw ni Toby na ilang metro ang layo samin. A pillar of fire fresh from hell engulfed Zhircon na tila isang papel. At doon ko napansin ang kunting bitak sa helmet niya. It meant na tumatalab na ‘yong mga atake namin.
"Deros, ang helmet!" sigaw ko, habang nakaturo sa helmet ni Zhircon. Napatingin sila dito.
"We're doing it," nasasabik na sabi ni Madame Blair.
Agad na sumunod si Deros, gamit ang sword magic niya at saka pinatamaan ang helmet ni Zhircon na may crack. Luckily, mas lumaki ito dahil sa pag-atake niya. Sumunod si Zack na nagpalabas ng isang magic circle sa ibabaw ng kalaban. In just a blink of an eye, ay naglabas ito ng malakidlat na kuryente. At para kaming nabunutan ng tinik nang makita namin ang biglang pagkasira ng helmet. It was ripped into two pieces, saka bumagsak.
Bakas sa mukha ni Zhircon ang inis at galit dahil sa sunod-sunod naming pag-atake. Pero mas nabigla kami nang bigla nalang siyang mapaluhod. Pilit niyang tumayo pero hindi niya magawa.
"You'd cause enough damage demon." Napatingin kami sa pinanggagalingan ng boses at nagulat kami sa naging itsura ni Sam. His eyes were glowing white na katulad n’ong kay Margaux noong kinalaban niya si Lucifer. Ramdam ko din ang malakas na enerhiya na nilalabas niya. Bakas sa mga mukha namin ang pagtataka nang makita namin ang hitsura ni Sam. "And now, it's time for you to pay the judgement."
BINABASA MO ANG
DELIVERANCE BOOK 3: Siege from the Ethereal [Revamped]
Science FictionBOOK 3 of the DELIVERANCE SERIES About the book [Siege from the Ethereal, 3rd Edition] Earth was threatened once again for the third time. And it's up to Sam to stop it. Kahit masakit pa rin para sa kanya ang pagkawala ni Margaux, kailangan niyang m...