CHAPTER FORTY-TWO: FAMILY ENCOUNTER

34 2 0
                                    

CHAPTER FORTY-TWO

Family Encounter

***

Macy

Sinusundan namin ngayon sina Sam, and I couldn't believe na malamig pala ang hangin dito sa city. Felerick was right about this planet being the highly-advanced planet kasi kitang-kita namin ni Lumi ang mga technology na hindi pa namin nakikita noon.

Pero kung namangha ako, mas namangha si Lumi. As an inventor like her, you could really tell that she's amazed. I could see in her eyes the eagerness to learn and know everything that existed here. "Magpapa-enroll talaga ako dito." See? Mabuti sana ‘yon kung hindi lang demonyo ang namumuno dito.

Speaking of the demon, nararamdaman ko na na malapit na kami sa kanya. By the look of the large and huge building in front of us, sigurado akong kay Zhircon ito.

Sinundan namin sina Sam at napunta kami sa likurang bahagi ng bahay ni Zhircon. Pumasok kami sa parehong pintuan na pinasukan nila pero hindi na namin sila sinundan. Alam naming prisinto ang pupuntahan nila at hindi doon ang destinasiyon namin.

Nakita namin itong pintuan na nasa harap lang ng pintuan na pinasukan namin kanina. Tumingin muna kami sa gilid namin at likod kung may arkas ba, pero wala kaming nakita. It meant, were safe to go. Using the I.D. that we secretly stole from one of the arkas na nakapalibot kina Sam kanina, binuksan ko ang pinto. From red, ay naging berde ito. Tinulak namin ang pinto at napunta kami sa isa na namang hallway. Madilim at tahimik. Tatlo ang hallway dito. Sa kanan, sa kaliwa, at sa harapan namin na may hagdan na paikot patungong itaas.

Base sa sinabi ni Felerick, the disc should be on the Stash Room kung saan tinatago ni Zhircon ang kanyang nakokolektang mga bagay, kahit hindi niya alam kung para saan ito at kung bakit ito nilikha. Kaya nga hindi niya alam kung para saan ang disc, which was fortunate for us.

The stash room should be next to his office or bedroom, that meant na nasa itaas ito. So we picked the path before us where a spiral staircase awaited. Tinago namin ang hoverboard sa ilalim ng hagdan at saka kami umakyat, still, inside the invisible barrier. Mas mabuti na ‘yong sigurado. After a few minutes ay narating namin itong pinto. Parehas ito sa pinto na pinasukan namin kanina. We used again the ID, which opened the door afterwards.

Tinulak ko ito nang kunti at saka sumilip. "We're clear,” ulat ko sa kasama ko, at saka naunang lumabas. We were stuck again in between of this two hallways.

Lumi suggested. "Left, first, then right." Sumang-ayon ako at saka namin tinungo ang kaliwang hallway. Napansin ko ang mga pader at kisame na pininturahan ng puti. May red carpet, at mga iilang holographic image na nakasabit sa pader. Kung hindi ako nagkakamali, pamilya ito ni Zhircon.

Ano kaya ang nararamdaman ng pamilya niya, na sinasakop at pinapatay nila ang ibang planeta? Did they agree on his plan?

Narating namin ang dulo nito at tumambad sa amin ang dalawang pinto. Para na akong mabaliw sa walang tigil naming pagpili kung ano ang uunahin. We opened the right, first, at nalaman naming kwarto ito, with three tiny beds, a chest full of alien toys and a portrait of three tiny cute arkas aliens. Mukhang anak ata ‘to ni Zhircon.

"Come on. We don't have much time!" pabulong na sigaw ni Lumi. Sunod naming binuksan ang kaliwang pinto at mukhang sumanib sa amin ang swerte nang makita namin ang laman nito. The Stash Room. Bakit nila nilagay ang Stash Room malapit sa kwarto ng mga bata? "Let's find that disc and get out of here." Tumango ako sa kanya at saka na naghanap.

I disabled the barrier at saka nagsimula nang hanapin ang disc. We just had to look at each items here, enclosed in a tiny sheet of force field. Meron ding nakasabit sa mga pader at nakatali sa kisame. But one thing caught my curious eyes. At the end of the room, nakita ko ang isang scroll na nakalutang. But what surprised me the most, is the disc above it.

DELIVERANCE BOOK 3: Siege from the Ethereal [Revamped]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon