CHAPTER SEVEN
The Retrieval of the Fallen
***
Sam
Nasa bahay ako ngayon, naghahanda para sa gagawing rescue mission. Oo, napagdesisiyon ko nang iligtas ang kung ano man ang sakay nun, dahil ayaw kong pira-pirasuhin siya ng mga scientist. Nagpapasalamat din kami kasi wala pang nababalita tungkol sa bumagsak na escape pod kaya ibig sabihin, hindi pa ito nadidiskobre.
Balak ko sanang umalis kaninang umaga but since may klase kami gaya nang sabi ni Prof. Riley kahapon sa evaluation, naisipan kong pumasok muna saka isagawa ang rescue mission.
Nilalagay ko ngayon sa mini jet namin ni Lumi ang mga kailangang dalhin, especially ang first aid kit. Baka kasi sugatan ang kung sino man ang sakay ng escape pod na yun, dahil sa pagbagsak. Speaking of mini jet, yes, kami ang gumawa ni Lumi. It may sounded impossible, pero nagawa namin. Plus, gamit ang telekinesis ko mas naging efficient ang trabaho namin.Natapos namin siya 2 months ago and we were very excited to give him a try. Actually, nandito pa naman yung mini van ni Chris pero ayokong gamitin, baka pagalitan ako..
"This box is sure heavy!" reklamo ni Lumi. Agad naman akong napatingin sa kanya at nagulat nalang ako nang tatlong medium sized box ang bitbit niya. Dali-dali ko siyang tinulungan at saka kinuha ang dalawang kahon.
"Sino ba kasi ang nagsabi na bubuhatin mo nang sabay ang mga kahon na 'to?"
"Don't be silly, Sam,” mataray niyang tugon. “Sabi mo kanina ilipat ko ang tatlong kahong na ‘to papasok sa mini jet’.” Depensa niya.
"Sinabi ko nga yun, pero hindi ko sinabing pagsabayin mo silang tatlo." Natatawa kong sabi.
"Sa susunod kasi maging specific ka na." Protesta niya.
Naparolyo nalang ako ng mata at saka nilagay ang kahon sa dapat na kalalagyan ng mga ito. Nang matapos na namin ang paglilipat na mga kakailanganin namin sa biyahe, sarili naman namin ang hinanda namin. We were wearing the suit we made, made from a very special fiber na, siyempre, gawa ko. Para siyang pang-secret agent na suit pero mas astig pa doon. It had a built-in thermal amplification system para sa mga malalamig at maiinit na sitwasyon, and it's bulletproof.
Nang makabihis, ay agad na kaming pumasok sa jet. I let Lumi drive dahil may gagawin ako. Siyempre, kinakabahan ako, dahil ito ang unang beses na magmamaneho ng isang sasakyan. Totoo! Kahit kotse hindi pa siya nakakapagmaneho, kaya hindi niyo ako masisisi kung kinakabahan ako. Pero may tiwala ako kay Lumi. Alam niya ang ginagawa niya, lalo na pagdating sa mga navigation and control.
Lumi started the engine na mas nagpakaba sa akin. Sunod, in-activate niya ang invisibility cloak para hindi kami makita at ma-detect sa lahat ng radar. Soundless din ang mga thruster para hindi marinig ng mga tao. Di ba? Ang talino namin.
The hatch above the jet started to open at nang tuluyan na itong bumukas, agad pinalutang ni Lumi ang jet palabas. Nang makalabas, at masarado ang hatch, agad niyang tinulak ang power lever dahilan para lumipad ang jet papuntang langit.
Tinungo ko ang desk na gawa sa isang touch screen, at binuksan ito. Pinindot ko ang "News" software, kasunod ang paglitaw ng isang holographic footage ng isang News Report. Nang basahin ko ang headlines, napamura ako.
"Noong nakaraang Miyerkules, isang di-kilalang bagay ang bumagsak sa Babuyan Island. Noon, inakala ng mga eksperto na isa lamang itong comet pero nang magsagawa sila nang masusing pag-aaral dito, nalaman nilang isang unknown aircraft pala ito. Para makasiguro, umalis kani-kanina lang ang mga nasabing eksperto para kompirmahin ang kanilang pahayag,"
BINABASA MO ANG
DELIVERANCE BOOK 3: Siege from the Ethereal [Revamped]
Science FictionBOOK 3 of the DELIVERANCE SERIES About the book [Siege from the Ethereal, 3rd Edition] Earth was threatened once again for the third time. And it's up to Sam to stop it. Kahit masakit pa rin para sa kanya ang pagkawala ni Margaux, kailangan niyang m...