CHAPTER THIRTY-FIVE: TOUCH OF LOVE

26 2 0
                                    

CHAPTER THIRTY-FIVE

Touch of Love

***

Sam

"Tama na po!" iyak na sigaw ng isang batang lalaki. Kung hindi ako nagkakamali ay nasa limang taong gulang palang siya. Nasa sulok siya ngayon ng kwarto habang umiiyak sa harap ng mag-asawa. Ang lalaki ay may bitbit na alak sa kaliwang kamay nito habang sigarilyo naman ang hawak ng babae. Hawak din ng lalaki ang isang pamalo, na kasinlaki ng bisig nito.

The boy continued to cry, enduring the pain he received from the two. Bruises and bloods were visible on his petite body. His clothes were tattered and dirty.

"Tama na?" galit na tanong ng lalaki at saka naglabas ng isang tawa. Tawa na tila nagugustuhan ang nangyayari sa bata. "Nakakatawa kang bata ka!"

"Ano bang ginawa kong mali, Ma, Pa?"

Isang sampal ang nakuha niya sa babaeng nasa harapan niya. Hinawakan ng babae ang pisngi nito at saka pinihit ng pagkalakas-lakas. "’Wag na ‘wag mo kaming tawaging Mama at Papa, dahil ni kailanman hindi ka namin tinuring na anak!” Itinulak niya ang bata dahilan para mabunggo ng likurang bahagi nito ang pader na nasa likod niya. “At saka, wala ka namang ginawang mali. Sadyang nasisiyahan lang kaming nakikita kang nagdurusa!" paliwanag ng babae at saka sila nagtawanan ng pagkalakas-lakas. Sabay na binugbog ng mag-asawa ang bata habang napapasigaw naman ito na tumigil. Tanging iyak at sigaw niya lang ang maririnig sa buong kwarto.

This was me, 13 years ago. Araw-araw ang scenario na ‘yan sa bahay. Gigisingin ako ng bugbog at matutulog mula sa pagkakabugbog. Noong una, naintindihan ko pa sila kasi alam kong resulta lang ‘yon ng kalasingan nila. Pero nang tumagal at nagka-isip ako, doon ko namalayan na hindi na ito normal. Walang oras na pinapagalitan at sinasaktan ako. Kada galaw at kilos ko ay may natatanggap akong sipa, sapak, at hampas. Naitanong ko na din sa kanila kung bakit nila ginagawa ‘yon sa akin pero iisa lang ang sagot nila: "Nasisiyahan kaming nakikita kang nagdurusa."

‘Yan palagi ang sagot nila. 13 years kong tiniis ang pananakit nila. Ang suntok ni papa. Ang sipa ni Mama. Halos siguro ng gamit sa bahay ay nagamit na nila para lang saktan ako. Pero may isang beses na hinding-hindi ko makakalimutan. Isang ala-alang gusto ko nang kalimutan pero bumabalik pa rin.

I was sleeping in my old and broken bed that time, when my parents entered my room drunk. Sabi nila maglalaro kami at alam ko kung anong tinutukoy nila. Nagulat ako noong mga oras na ‘yon nang makita ko ang mga kamay nila na may kutsilyo. Alam na alam ko kung anong plano nila kaya hindi ko maiwasan na matakot at maiyak.

I planned to escape, but my father grabbed my feet at saka ako marahas na ibinalik sa kama. Hawak ni Mama ang dalawa kong paa, habang hawak ng kaliwang kamay ni Papa ang dalawang kamay ko. Gamit ang hawak niyang kutsilyo, sinimulan niyang sugatan ang kamay ko. Kada sugat na ginagawa nila ay napapatawa sila na tila nasisiyahan sa ginagawa nila. Wala akong lakas sa mga oras na ‘yon dahil masakit pa din ang bugbog nila kaya wala akong magawa kundi ang tanggapin ang bawat sugat na binibigay nila. Sumigaw lang ako nang sumigaw hanggang sa tumigil sila. Akala ko nga patay na ako.

Hindi ako nakatulog n’on dahil sa hapdi at sakit ng mga sugat ko. I received 89 cuts from them. Mula ulo hanggang paa. Kaya nagdesisiyon ako na tapusin ito. With all my remaining strength, lumabas ako ng bahay at saka tinungo ang isang parte ng lugar namin na palaging pinupuntahan ng mga taong gusto nang tapusin ang buhay nila.

DELIVERANCE BOOK 3: Siege from the Ethereal [Revamped]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon