CHAPTER TWENTY-NINE
Doubtless
***
Sam
Lumipas ang limang oras pero hindi pa rin kami tapos sa pag-modify sa jet. Medyo marami kasing dapat i-install dito, like hyperspeed, weapons, shields at iba pang dapat magkaroon ang isang spaceship. Also, we were planning to fuse Jester into the jet para magamit naman siya. However, it will take time.
Luckily, natigil muna ang pagkakaroon ng mga fake disasters, kaya medyo naka-focus kami sa trabaho namin. Ang ibang troopers ay abalang tumulong sa mga nasiraang tao. Si Madame Blair naman ay nasa office niya at nagmo-monitor sa mga nangyayari sa mundo.
Bawat oras ay may dumadating na mga sugatang troopers kaya hindi ko maiwasang maisip si Zack. Kumusta na kaya siya? "Lumi? Aalis muna ako, bibisitahin ko lang si Zack."
Lumi let out a grin na tila inaasar na naman ako kay Zack. "Okay."
I just rolled my eyes at saka umalis na. Tinahak ko ang daan papuntang infirmary habang kasabay ang mga bagong dating na mga sugatang troopers. Some of them were shouting in pain habang yung iba ay balot na ng puting tela, signifying their lifeless body. I couldn't help but to pity the fallen. Ito yung pinupunto ko sa mga taong ayaw sa amin, — risking our lives for the sake of others.
Sa tagal ng kakanood ko sa mga nagdadatingang troopers ay hindi ko na napansin na malapit na pala ako sa Infirmary. Buti nalang tinawag ako ni Deros. "Paying a visit?" tanong nito.
"Ano pa ba?” birong tugon ko. “By the way, okay na ba siya?"
"See for yourself,” tugon niya sabay tingin sa pintuan ng infirmary. Nagsimula na akong maglakad habang siya ay nakatayong tinitingnan lang ako. Nang itulak ko ang pintuan ng infirmary, sumalubong sa akin ang mga sigaw ng mga pasyente, ang amoy ng mga sariwang dugo at mga chemicals na ginamit para ma-sanitize ang sugat, at mga dasal at iyak na tila humihingi ng pangawalang buhay.
Medyo nasusuka ako n’ong una pero hindi nagtagal ay nakayanan ko naman. Dumiretso na ako sa puwesto ni Zack habang iniiwasan ang mga healers, mages, at nurses na humaharang sa daan. Nang marating ko ito, bumulaga sa akin ang dalawang pares ng mga mata. Kay Macy at kay Zack. Nang makita nila ako, they let out a smile telling me that everything was now fine.
"Nandito na pala yung boyfriend mo, Zack,” asar ni Macy dahilan para mapatawa si Zack. Napayuko nalang ako habang pinapakiramdaman ang init ng pisngi ko.
"Stop it, Macy. You're making him blushed,” asar din ni Zack.
"Maiwan ko muna kayo,” paalam ng dalaga at saka tumayo.
Tinungo ko siya at saka niyakap. "Thank you, Macy."
"You're always welcome."
Pagkaalis ni Macy ay agad akong tumungo sa pinanggalingan nito. Ang side ng bed na may upuan, pero hindi ako umupo. Masyadong maikli ‘yong upuan, kaya tumayo nalang ako para pantayan siya.
Nakatitig lang siya sa akin while smiling. Nakangiti lang din ako habang tinititigan siya. It's kind of awkward but funny at the same time, kaya parehas kaming napatawa. Napansin kong wala na ang bag ng dugo, palatandaan tapos na siyang masalinan.
"Kumusta ang pakiramdam mo?" medyo nahihiya kong tanong sa kanya.
"I'm fine. Now that I see you,” pambobola niya na nagpangiti sa akin. Bumubanat na naman ‘tong gagong ‘to. Hindi ba siya nandidiri?
BINABASA MO ANG
DELIVERANCE BOOK 3: Siege from the Ethereal [Revamped]
Science FictionBOOK 3 of the DELIVERANCE SERIES About the book [Siege from the Ethereal, 3rd Edition] Earth was threatened once again for the third time. And it's up to Sam to stop it. Kahit masakit pa rin para sa kanya ang pagkawala ni Margaux, kailangan niyang m...