CHAPTER NINE: THE WRATH OF THE FATHER

68 4 0
                                    

CHAPTER NINE

The Wrath of the Father

***

Macy

I was walking right now on the sidewalk, para puntahan ang malapit na bus stop. It's almost 6:39 in the evening at mukhang hindi maganda ang panahon. Pansin ko kasi ang kulog at kidlat na tila binabalaan kami na malapit nang umulan. Mabuti nalang at palagi akong may dalang payong.

Nagpatuloy ako sa paglalakad hanggang sa marating ko ang bus stop. Umupo ako sa upuan na nandito, habang hinihintay ang sasakyan. Dahil walang magawa, napagdesisyonan kong magbasa muna ng wattpad, pero hindi ako mabagot. Ang boring kayang maghintay.

Kinuha ko ang phone ko at saka pinindot ang Wattpad app kasunod ang paglabas ng listahan ng mga libro na nasa library ko. Pinindot ko ang pinakaunang libro na pinamagatang The Twist. Ang kuwento nito ay tungkol sa binata na si Polie, na na-inlove sa isang campus royalty na si Ricko. Yes, it’s a boylove story, o sa manga pa ay yaoi.

Kakasimula ko palang na bumasa na ganitong genre. Masyado na kasing cliche yung mga normal and ordinary love story ngayon, kaya naisip ko na magbasa ng bago. At first, hindi ko siya agad nagustuhan, kasi hindi ako fan ng homosexual relationship. Pero nang masimulan ko ang istorya na ‘to, kinikilig na ako, at doon ko na nabuo ang kagustuhan ko sa mga ganitong genre.

I don’t know why, pero mas nabibilib ako sa mga ganitong context. As of now, hindi pa rin kasi tanggap ang ganitong relasiyon, at habol-habol pa rin ng pangungutya at panghuhusga ang mga taong katulad ni Polie. Kaya bumilib ako sa kwento kasi kahit na ayaw ng sosyedad sa kanila, pinaglaban pa rin nila ang pag-ibig nila sa isa’t-isa. I’m not saying that what they did is right, but they never did wrong, either. Wala naman silang ginawang mali, kaya bakit hindi nalang sila hayaan.

Napatigil ako sa pagbabasa nang gulatin ako ng busina ng bus. Dali-dali akong pumasok dito, at saka inilapat ang black card sa card scanner ng bus para magbayad. Nang matapos ay agad akong naghanap ng upuan. Pagkaupo ko, napabuntong-hininga ako sa saya nang saktong bumuhos ang ulan. Buti nalang at nakasakay na ako.

Maluwag ang bus, dahil mabilang lang kami na nakasakay dito. Pero hindi na ako nag-abala pang bilangin kung ilan kaming lahat dito, dahil wala naman akong pakialam. Kaya napatingin nalang ako sa labas, habang binabasa ng ulan ang bintana. Hindi na ako nagpatuloy sa pagbabasa dahil nahihilo ako kapag nagbabasa ako sa loob ng naka-andar na sasakyan. My eyes were too sensitive, na pati sikmura ko ay nakiki-epal din.

Napahinto naman ako sa panonood, nang maramdaman ko ang pag-vibrate ng phone ko. Si Kuya siguro. Kaya agad ko itong kinuha at binuksan.

Si Kuya nga. “It's almost seven. Sa’n ka na?” Yeah. Yanyan ang tawag ko sa kanya, pero ako lang ang pwedeng tumawag sa kanya nang ganyan, dahil nagagalit siya kapag ibang tao na.

Pauwi na. Ano’ng ulam?” tugon ko.

Only egg. Nakalimutan ko kasing mag-grocery. Uutusan sana kita pero hindi ko na nagawa dahil nagka-urgency sa trabaho.” Paliwanag niya.

Okay lang, bibili nalang ako ng ulam. Anong gusto mo?

Kahit ano. Salamat.”

Okay. Sabay nalang tayong kumain, malapit na ako.” Mungkahi ko.

Okay. Be careful.”

Muli akong napatingin sa labas at nalaman kong malapit na nga ako. When we stopped at the nearest bus stop, ay bumaba na ako at saka tinungo ang isang restaurant. I ordered a whole garlic chicken for take out at saka hinintay ito. After a couple of minutes, dumating na nga ang order ko.

DELIVERANCE BOOK 3: Siege from the Ethereal [Revamped]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon