CHAPTER TWENTY-ONE: THE KING DREAM WEAVER

62 2 0
                                    

CHAPTER TWENTY-ONE

The King Dream Weaver

***

Sam

New month, new life. New life, new challenges. ‘Yan ang unang pumasok sa utak ko nang magising ako, sa bago kong kwarto at bahay. Hindi pa rin ako sanay na gumising dito, pero hindi rin naman ito magtatagal. Kung tutuusin, mas gugustuhin kong manatili dito, at I-enjoy ang katahimikan ng lugar, kesa sa dati naming bahay na gigisingin ka ng mga nagbabangayan at puamparadang mga sasakyan.

Mag-iisang linggo na rin kami rito pero pakiramdam ko, parang kahapon lang kami lumipat. Masyado kasi kaming abala sa pagtatayo ng mga “bagay-bagay”, na hindi namin nadala mula sa lumang bahay. Katulad nalang ng secret laboratory namin, na hanggang ngayon ay hindi pa tapos, pero malapit na. Kunting pukpok nalang at may secret laboratory na naman kami ni Lumi.

Bumangon na ako at saka nagligpit ang kama. Nang matapos, bumaba na ako para magluto ng almusal. Pero hindi pa man ako nakakatapak sa hagdan, bumati na sa ilong ko ang amoy ng isang mabangong ulam. Hindi na ako magugulat kung si Zack ang makikita ko.

Oo, Zack also joined us here. Hind ko alam kung bakit, eh mas maganda at yayamanin naman ‘yong bahay niya sa city. Mas marami siyang magagawa doon, dahil nandoon lahat ng mga panlibangan niya. Pero hindi. Mas pinili niyang samahan kami dito, at hindi na ako nagtanong pa.

Speaking of him, siya nga ang natagpuan ko sa kusina. He always had this usual outfit kapag nagluluto — sleeveless-shirt, pares ng shorts, at apron. And let me tell you, and this might sound gay, but he looked hot on those. Napaka-husband material niya kapag suot niya iyon. ‘Yong tipong, gagawin kang prinsesa, habang pinagsisilbihan ka niya. Whoever won this man's heart, ang suwerte niya.

"Ang aga-aga tulala ka,” biglang komento nito, dahilan para mapatalon ako sa gulat.

Hahakbang na sana ako nang gulatin ako sa sigaw ni Lumi. "Good morning!" Dahil dito, nawalan ako ng balanse, dahilan para matumba ako. I failed to grasped on the railings, kaya ramdam ko ang pabagsak kong katawan.

“Aray!” At bumagsak nga ako. Mabuti nalang at hindi siya masyadong mataas, dahil kung hindi, baka hindi na ako makakapasok ngayon.

“Sam!” sabay na sigaw ng dalawa. Unang nakalapit sa akin si Zack, na agad akong tinulungang makatayo. Si Lumi naman, imbis na sumimpatiya sa nangyari sa akin, ay tumawa na tila natuwa sa nangyari.

“Okay ka lang?” matamis at nag-aalalang tanong ni Zack. Nang lingonan ko siya, ay halos lumugwak ang mata ko sa gulat dahil sa lapit ng mukha namin. I was in a state of shock na hindi agad ako nakakilos. Mabuti nalang at nakita ko sa periphery ko si Lumi.

Agad akong lumayo, at saka kumilos na tila walang nakakahiyang nangyari. “Ayos lang!” napiyok ako. I cleared my throat, at saka inayos ang sarili. “That’s why I hate stairs,” pagbibiro ko, sabay ngisi.

Napangiti naman si Zack. “Mukhang sila din, Sam.”

“EHEM!” biglang singit ng isang boses. Sabay naming nilingon ni Zack ang pinto, at bumungad sa amin ang mukha ni Macy, na nakasuot na ng uniporme niya, bitbit ang isang plastic na supot. “Ang aga-aga na naglalandian na kayo!” puna niya, dahilan para magkatinginan kami ni Zack. Si hindi malaman na dahilan, bigla akong nakaramdam ng hiya, at mukhang siya rin dahil, sabay kaming napaiwas ng tingin.

Mabuti nalang at nagsalita si Lumi. “Ang aga mo naman, Macy.”

“Bumili pa kasi ako ng prutas,” tugon niya sabay lapag ng supot na bitbit niya sa counter table. Pansin kong bumalik na sa pagluluto si Zack, kaya nawala ang tensiyon sa katawan ko. Bwisit din kasi ‘tong si Macy. Kung ano-ano nalang sinasabi.

DELIVERANCE BOOK 3: Siege from the Ethereal [Revamped]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon