CHAPTER TWENTY-FOUR
Blamed
***
Sam
Two days had passed simula n’ong umatake si Zhircon. Though, we didn’t have enough proofs to support our claim, pero walang duda na si Zhircon ang may gawa n’on. Siya lang naman ang may gustong sakupin ang mundo namin.
Kahit na dalawang araw na ang nakakalipas, pakiramdaman namin parang kanina lang ito nangyari. The damage it caused, the terror and trauma it brought, still present in the minds of every people on Earth. Akala nga namin ‘yon na ‘yong katapusan ng mundo. Luckily, we managed to eradicate them.
Felerick also told us that the alien that attack us was actually a baby. Kaya ‘di ko lubos maisip kung gaano kalaki ang mama nito. If the babies were as big as an elephante, ano nalang kaya ang mama nito? Baka singlaki na ito ng building. At ‘pag nagkataon na umatake ito sa Earth, it will be definitely our doom.
We’re right now sa isang street malapit lang sa Shopping District. We’re wearing our volunteer t-shirt, kasama sila Macy, Zack and Deros. Nag-volunteer kami na tumulong sa pag-aayos ng mga nasirang mga shops na napinsala ng alien. Pangalawang araw na din namin ngayon, na lumiban sa klase dahil sa pag-volunteer namin. Well, no worries kasi sabi ng Head na excused naman daw ‘yong mga nagvolunteer. Kaya marami-rami kami dito ng mga kaklase ko. Tansya ko nga kunti nalang ‘yong naiwan sa school.
Using our abilities, mas napapadali ang mga trabaho namin. Macy was assigned to paint the finished shops, si Zack naman ay tumutulong sa pagkabit ng mga electrical wirings since siya ang “master of electricity”. Si Deros naman, gamit ang magic niya ay tinutulungan ang mga ibang trooper sa pagkabit ng mga kahoy, pag-install ng mga bintana at mga glasses, at kung ano-ano pa. While me, well, tumutulong lang ako sa pagbaba ng mga materyales mula sa sasakyan at saka ginagather ito. Of course, using my telekinesis. Hindi kasi ako sanay sa pagbubuhat ng mga kung anong mabibigat kasi mas nasanay ako sa loob ng kwarto na gumagawa ng mga bagong gizmo.
I was busy on transferring three sacks of cement nang sumigaw si Sir Tim. Siya ang in-charge sa amin dito at saka namamahala at nag-uutos kung ano ang dapat na gawin. He's more like an engineer. "Break Time!"
Salitang kanina ko pang gustong marinig. Break time doesn't mean na magpapahinga lang, we also have our snacks kaya ganoon nalang ‘yong saya ko nang isigaw niya ito. Nilagay ko muna ang mga semento sa nilalagyan nila at saka ko hinahanap ang mga kasama ko. Unang lumapit sa akin si Deros na pinagpapawisan. Halos basa na ang damit at buhok niya dahil sa sobrang pawis.
Napatingin siya sa akin habang tinutuyo ang buhok niya gamit ang towel niya. "Nanibago ka ba?" tanong ko nang makalapit siya sa akin.
"Oo eh. Mukha nga akong tanga kanina kasi hindi ko alam kung anong gagawin ko. Buti nalang may nakakilala sa akin at tinuruan ako."
Napatawa ako nang bahagya sa sinabi niya at saka siya nagpatuloy sa pagpapatuyo ng buhok niya. Napansin kong papunta na sa amin si Macy at may mga pintura na siya sa iba't-ibang parte ng katawan niya. Kahit mukha niya, ‘di nakaligtas.
"Malinaw naman siguro ang sinabi sa’yo ni Sir Tim ‘di ba na yung bahay ang pipinturahan?" tanong ko.
"Oo,” sagot nito habang suot ang nagtatakang mukha.
"Bakit sinali mo sarili mo?” asar na tanong ko dahilan para mapatingin siya sa akin na may galit na mukha.
Pero nagulat nalang ako nang bigla siyang mapatawa."Sam, Sam, Sam." Napakunot ang noo ko nang banggitin niya ang pangalan ko ng tatlong beses, habang tumatawa. "Kailan mo pa ginawang pulbo ang semento?" tanong nito at saka napatawa nang husto.
BINABASA MO ANG
DELIVERANCE BOOK 3: Siege from the Ethereal [Revamped]
Science FictionBOOK 3 of the DELIVERANCE SERIES About the book [Siege from the Ethereal, 3rd Edition] Earth was threatened once again for the third time. And it's up to Sam to stop it. Kahit masakit pa rin para sa kanya ang pagkawala ni Margaux, kailangan niyang m...