CHAPTER TWELVE
The Trooper Tournament
***
Macy
"Our first game for today,” hinintay ng host ang salitang lumabas sa screen. “OBSTACLE COURSE!" anunsiyon nang lumabas mula dito ang salita.
Napatingin ako sa dalawa, na siyang rin palang nakatingin sa akin. We exchanged motivating nods, tanda na kaya namin ito at mapapanalo namin.
"Players, press the button!" utos ng host na sinunod ko.
Pinindot ko ang buton na nasa dibdib ko, at bigla nalang akong napunta sa starting line ng obstacle course. Mula dito, kitang-kita ang pag-iiba ng Arena. Ang patag at hawan na sahig kanina ng Arena ay puno na ng mga obstacle, varying in forms and difficulty. Nakahati ito sa lima. Kunti lang pero mahahaba naman.
"Players here's the mechanics!” pagbibigay-alam ng host. “The obstacle course is divided into five stages. On the end, four buttons is waiting for the four lucky winners. However, using your ability is prohibited and if a player caught cheating, the whole team will be out of the tournament, completely." Bilin ng host.
"Good luck, losers!" mayabang na insulto ni Troy. Troy is one of the campus royalties dahil sa angking kagwapuhan niya. I’m one of the girls, na habol nang habol sa kanya, but knowing his true color, ayoko na. Hindi ko masikmura ang ugali niya.
"Awe~ how sweet, Troy,” sarkastikong tugon ko na ikinaseryoso niya. “Talking to yourself?" Bawing insulto ko, na siyang nagpainis sa kanya.
"On your mark," I made a stance at saka itinuon ang sarili sa obstacle course. “get set,” napabuntong-hininga ako. "Go!"
Agad akong tumakbo patungo sa first stage kung saan kailangan namin akyatin ang isang slope na hindi naman masyadong matirik, habang iniilagan ang mga paparating na mga bariles. I jumped and dodged every barrel na papunta sakin, habang pinapanatili ang balanse ng katawan. I can see that Troy is already ahead of us, kaya mas binilisan ko ang kilos ko. Mas naging determinado ako dahil gusto ko siyang talunin. Sa awa ng Diyos at nakalagpas rin ako. Next stop, stage two.
In this stage we have to cross the greasy oil below us by just jumping from pole to pole. But the most suspense part was, only one foot can fit in one pole. Sa kanila, mahirap ito, but for an acrobat like me, this will be a piece of cake.
"Time to do some acrobatics." bulalas ko, at saka tumalon papunta sa unang pole. I gracefully shifted from pole to pole, using my acrobatics move, hanggang sa makatawid ako.
"Woah! Looks like that girl is good in acrobatics!" Buti naman at napansin nila.
Hindi na ako nag-aksaya ng oras at saka tinungo na ang pangatlong stage. I can see Troy is catching up kaya binilasan ko pa ang pagtakbo. The third stage is we have to climb a wall with stones as supports. Nagulat nalang ako nang biglang umakyat si Troy at inunahan ako. He looked at me and give me a charming smile, but I just rolled my eyes.
Nagsimula na rin akong umakyat at maingat na hinawakan at tinapakan ang mga bato. It's kind of scary kasi walang kutson na sasalo sa amin at isa pa, walang safety harness para umalalay sa amin. But I have to win this. After a long and tiring climb, narating ko nga ang tuktok nito. Nang makatayo ako, I saw this narrow path na sa tingin ko ay ang fourth stage. We just have to cross it, but we had to dodge all the balls thrown to us. Nakita ko si Troy na dahan-dahang naglalakad habang iniilagan ang mga bolang papunta sa kanya.
"Will this girl use her acrobats again?" tanong ng host, which gave me a great idea.
This path was like a balancing beam, and fortunately, I'm a top-notcher when it comes to that sport. Tumalikod ako dito at saka huminga ng malalim. Based from its length, 6 back flips were enough to reach the end. However, I only managed to do five, dahil nahihilo na ako pagdating sa pang-anim. Pero hindi naman pwedeng magpatalo ako sa isang kunting hilo, ‘di ba?
BINABASA MO ANG
DELIVERANCE BOOK 3: Siege from the Ethereal [Revamped]
Science FictionBOOK 3 of the DELIVERANCE SERIES About the book [Siege from the Ethereal, 3rd Edition] Earth was threatened once again for the third time. And it's up to Sam to stop it. Kahit masakit pa rin para sa kanya ang pagkawala ni Margaux, kailangan niyang m...