CHAPTER FORTY-FOUR: THE CHOICE TAKEN

31 2 0
                                    

CHAPTER FORTY-FOUR

The Choice Taken

***

Sam

Mas binilisan ni Zack ang pagpapatakbo sa sasakyan nang makita namin ang dalawang motherships na kakarating lang. Kitang-kita na din namin ang camp na tinutukoy ng trooper dahil sa mga tent na nakatayo dito. Nagkalat sa daan ang mga nagbagsakang mga aviators at mga walang buhay na mga fighters. Napatingin ako kay Ma-al na hindi makapaniwala sa nakikita niya. Tinatakpan niya ang mata na Lehki para hindi nito makita kung gaano kawasak at kasira ang Earth.

Napatigil kami nang biglang sumabog ang daan sa harapan namin. Hindi namin alam kung ano ang sumabog pero alam namin kung saan ito galing. Ahead of us, were dozens of fighters na tinututukan kami ng mga baril. Lumabas kami sa likurang bahagi ng sasakyan para hindi nila mapansin. Nang makalabas kaming lahat ay agad ko nang sinummon ang baril ko. Zack's hands started to release electricity habang si Lumi ay nagliliwanag na ang kamay. Felerick activated his fighting mode habang si Macy naman ay nakahanda ring protektahan ang mag-ina.

"On three. One." A symbol appeared at the muzzle of my gun as I silently utter a chant.

"Two." Two light orbs appeared on Lumi's hand and Felerick’s gun recharged.

"Three!" Pagkasigaw ko ay agad kaming lumabas sa pinatataguan namin. I pulled the trigger at isa-isang pinaputukan ang mga fighters gamit ang Bullet Burst. Si Lumi naman ay mabilis na pinatatamaan ang light orbs ang ulo ng mga ito kasabay ang pagsabog. It's kind of brutal. Habang si Zack ay napakabilis na pinakuryente ang mga fighters. I never thought na maging kasing bilis niya ang kuryente. Hindi ko na nga siya makita sa sobrang bilis niya. Pero mas bilib ako kay Felerick na matapang na pinapuputukan at pinatatamaan ang mga fighters. Ang cute nga niyang tingnan.

Walang ni isang fighters ang umatake dahil naunahan na namin sila. At hindi nagtagal ay naubos nga namin sila. Pero nagulat kami nang biglang yumanig ang lupa. Napatingin kami sa dalawang motherships na may binagsak na tig-tatatlong Ilkrom.

"Let's go! We need to help them!" sigaw ko at saka kami tumakbo patungo sa kinaroroonan nina Madame Blair. Hindi na namin magamit ang sasakyan dahil sa mga katawan ng fighters na nakaharang sa daan.  Ilang minutong pagtakbo at narating nga namin ang camp. Wala itong katao-tao dahil abala silang kinakalaban ang bagong dati na mga fighters at aviators. Idagdag mo pa ang anim na Ilkrom na walang awang sinisira ang mga buildings.

"Macy! Felerick! Go to Madame Blair! Bring Ma-al and Lehki with you!" Tumango ang dalawa at saka tumungo sa isa sa mga tent, habang kaming tatlo ni Lumi at Zack ay tumungo na sa battlefield. Nakikita ko si Ella sa may kaliwa kasama si Toby na kinakalaban ang isang Ilkrom. Si Chris naman ay mag-isang nilalaban ang isa pang ilkrom.

But something new caught my eyes. A girl was fighting along with Deros. She's wearing an elegant dress pero kung umatake daig pa si Deros. Kinakalaban din nila ang isa pang Ilkrom. Hindi lang ‘yon ang nakita namin. Nakita ko ang isang lumilipad na—

"A dragon?" takang tanong ni Lumi. Dragon nga! Hindi ako nagkakamali dahil sa pakpak nito at sa laki nito. Hindi lang siya dragon, but a fire breathing dragon. Kinakalaban niya ang mga aviators.

"Hindi siya nag-iisa!" sigaw ni Zack habang nakatingin sa unahan namin. A gigantic bird covered in flames were soaring the sky, attacking one of the Ilkrom.

"A phoenix!" tili ni Lumi at bakas sa mukha niya ang amazement and surprised. Napalingon naman kami sa kanan namin when a humungous wolf howled, releasing a destructive sonic waves to one of the Ilkrom. And the last was a lion. Mas malaki siya ng kunti sa lobo at inaatake niya din ang Ilkrom kasama ang lobo.

DELIVERANCE BOOK 3: Siege from the Ethereal [Revamped]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon