CHAPTER TWENTY-SEVEN: GLOBAL CATACLYSM

37 2 0
                                    

CHAPTER TWENTY-SEVEN

Global Cataclysm

***

Macy

Isang buwan na ang nakalipas nang mangyari ang outbreak. And I'm really grateful na napigilan ito nila Sam. I never thought na si Lumi mismo ang makakagawa ng gamot sa sakit na ‘yon.

Nakarecover na din si Kuya sa nangyari. Akala ko nga iiwan na niya ako, kaya halos araw-araw akong umiiyak sa tuwing nakikita ko ang kalagayan sa mga oras na ‘yon. Sa tuwing nagsusuka siya ng dugo, napapahagulhol ako sa takot. Si Kuya nalang ang natitirang pamilya ko. If I lose him, hindi ko alam kung anong gagawin ko. Nakapagdesisiyon na nga ako sa mga oras na ‘yon na kapag nawala nga siya, sasama ako. But then, miracle came! Lumi saved him and the rest of the infected people around the world.

Thankful din ako kay Deros na sinamahan ako sa hospital for almost a month. I told him that I can handle myself but he insisted to stay. Hindi ko naman siya pwedeng pilitin n’ong oras na ‘yon kasi ramdam ko ‘yong sincerity and seriousness niya sa oras na ‘yon. Nagpalusot pa nga siya na inutusan daw siya ni Madame Blair para lang hindi ko siya paalisin. I never expected that he's that nice. ‘Yong mga ginawa niya na muntik nang ikamatay ng milyon-milyong tao ay tila naglaho. Hindi naman kasi siya ang may gawa n’on. It was the demon's doing.

Speaking of demon, kakatapos lang ng Exorcism Exercise namin kahapon sa school. From Rank D, ay naging Rank C kami, nang mapagtagumpayan namin na ma-exorcise ang isang tao. It was a paired exorcism, kaya expected na kami ni Sam ang magkasama. With his offensive magic and my defense magic, nagawa naming ma-exorcise ang tao sa loob lang ng limang minuto. Mahina naman kasi ‘yong demon na sumanib sa kanya. Kung baga, first timer.

Nasa classroom kami ngayon ni Sam at ine-enjoy ang pagliban ni Prof. We didn't know kung bakit siya absent. I'm reading a book tungkol sa Exorcism, while Sam was busy typing in his laptop. I asked him earlier kung ano ito. He just said that he's creating a new program for Felerick, para daw matransfer nito sa database ang mga information na natutunan niya. Sam was indeed a smart guy.

"Natapos rin.” sambit nito saka nag-stretching. Rinig na rinig ko ang pagtunog ng mga buto niya.

"Akala ko naging istatuwa ka na dyan,” asar ko na nagpangiti naman siya. He closed his laptop at saka nilagay ito sa bag. Napatingin naman kami kay Deros nang bigla nalang itong napatayo mula sa pagkakatulog. His eyes were gaped na tila nagulat ng kung ano. Kunot-noo naming tinitigan ni Sam si Deros.

"Anyare sayo?" takang tanong ni Sam. Marahan itong lumingon sa direksiyon namin ni Sam dahilan para kilabutan ako. Geez, minsan creepy din ‘tong si Deros.

"Something bad will happen." Agad natahimik ang buong kwarto nang banggitin ito ni Deros. All of our classmates were staring at him na tila gustong malaman kung ano ang tinutukoy nito. At first, akala ko nagbibiro lang siya. Pero nakikita ko sa mga mata niya na seryoso siya. Nasabi niya kasi sa amin na kapag may napapaginipan siya, nangyayari ito. Kaya hindi ko maiwasang kabahan sa sinabi niya.

"Stop joking dude. It's not fun!" galit na sigaw ng isang lalaki. Our classroom president. Kasali ang Papa niya sa nainfected sa sakit and unfortunately, kasali din sa mga namatay. Kaya ganoon na lamang ang galit niya.

Maya-maya lang bigla kong naramdaman ang mahinang paggalaw ng sahig.

"Lindol?" tanong ng isang babae na pinapakiramdaman din ang paggalaw ng sahig. We were all in total silence. Lahat kami pinapakiramdaman ang sahig. Mahina lang naman ito, na nasa 3-4 magnitude. Mas humina pa ito hanggang sa tuluyan na ngang nawala.

DELIVERANCE BOOK 3: Siege from the Ethereal [Revamped]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon