CHAPTER THIRTY: GOREAN

35 3 0
                                    

CHAPTER THIRTY

Gorean

***

Sam

Nagising ako sa tunog ng isang alarm. Not a wake up alarm but an emergency alarm. I slowly opened my eyes at agad akong napabalikwas ng tayo nang makita ko ang pulang ilaw mula sa mga emergency alarm. Pansin din ito nina Zack at Deros na kakabangon lang.

"What is happening?" nag-aalalang tanong ni Deros habang ina-activate ang suit namin. I also activated my suit at pati na rin si Zack.

"Lumi, Come in!"

"Yes, Sam?"

“Anong nangyayari?”

“I don’t know, Sam.”

"Okay. Prepare yourself."

"Copy."

Nagpatuloy kami sa paghahanda. Para kaming naka-fast forward ngayon sa bilis ng kilos namin. I used my ability to grab the things na malayo sa akin para hindi na ako mag-abala pang puntahan at kunin ito. Nang matapos ako, agad akong napatingin sa dalawa na kakatapos lang din.

"Done?" tanong ko at saka sila tumango. Agad kaming lumabas sa kwarto at saka tinungo ang living room. We reached the girls na nakabihis na din at handang-handa na. "Let's go."

Agad naming tinungo ang pinto at binuksan ito. Pagkabukas nito ay sumalubong sa amin ang mga nagtatakbuhang mga paa ng mga Troopers. Rinig din namin ang mga sigaw nila tila inuutusan ang iba.

"Let's go and see Madame Blair."

Tumango sila at saka namin tinahak ang daan patungong opisina ng Director. After a few minutes of running and avoiding, narating nga namin ito. Ella was here, too, along with Chris. Nandito na pala siya. Napatingin sila sa amin nang pumasok kami.

"What is happening Madame?" agarang tanong ko.

"We detected an underwater earthquake across the world. There's a high possibility na magkakaroon ng tsunami. Luckily, nabalaan kami ni Chris kaya nagsasagawa kami ngayon ng evacuation."

"Kasya ba ang lahat ng tao sa dito?" tanong naman ni Lumi.

"We will use the portal to send them in the Flatonyx again,” sagot ni Chris.

"How about the other countries?" tanong ni Deros.

"They're already doing an evacuation, as well."

Bigla nalang naglabas ng warning sign ang screen na nasa likod ni Madame Blair, na siyang kumuha sa atensiyon naming lahat. Ngayon ko lang napansin na may naka-project na mapa pala dito. Lahat kami nakatingin sa screen. Madame Blair clicked the warning sign at saka lumabas ang isang countdown clock.

00:29:59

"We have thirty minutes before the tsunami hits the city,” babala ni Madame Blair. Agad tinungo ni Madame ang telephone niya at saka pinindot ito. "How's it going?"

"We successfully evacuated the people, Madame. Pero hindi pa sila nakakapasok sa portal. Medyo matatagalan pa Madame bago sila makatawid lahat." Narinig kong napamura si Madame Blair, tanda na hindi niya ito nagustuhan.

Agad siyang naglakad palabas ng office na sinundan namin.  "Sam, you need to leave now. You have to stop this."

Hindi na ako pumalag pa at tumango nalang bilang sagot. Agad naming tinahak ang daan papuntang Engineering Department kung saan nakaparada ang jet. Nang marating namin ito, nakita namin ang ilang mga engineers na nagsasagawa ng last check up sa jet.

DELIVERANCE BOOK 3: Siege from the Ethereal [Revamped]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon