Keisha's POV
Pinagpatuloy ko ang pagligo ko at ng matapos ako nahbihis agad ako at lumabas na ng banyo. Nakita kong nakaupo sa kama si Geo habang naglalaro sa cellphone nya.
Nilapitan ko sya at hinalikan sa pisngi.
"Ang bango naman ng bestfriend ko" Sabay amoy sa leeg ko.
"Hahaha. Ako pa ba?" Ngumiti sya at sabay hinalikan ang noo ko.
"Geo? Anak nandyan kaba?" Tawag ng mama nya mula sa kusina.
"Nanjan na pala si mama. Tara puntahan naten si mama." Hinawakan nya ang kamay ko habang palabas ng kwarto nya. Nang lumingon ang mama nya bigla naman nya itong binitawan.
"Oh? Keisha. Andito ka pala di man lang kayo nagsabe" Sabi ng mama ni Geo.
"Ay. Pasensya na po. Hm? tita bakit parang andami mo atang binili? Parang maghahanda po kayo ah?" Pabiro kong sabi sa mama nya.
Ngumiti sya at bigla namang sumabat si geo.
"Birthday kase ni Mama sa Sabado . Punta ka pala ha!" Pagiimbita ni Geo.
"Teka? Anong araw ba ngayon?" Napaisip ako bigla. Nakalimutan ko kung anong araw ngayon.
"Bunaks. Thursday ngayon! Nako nako kinakalimutan ang araw ngayon. baka ikaw ang kalimutan nyan" Pabirong sabi ni geo.
"Teka teka. May ibibigay nga pala ako sa mama mo. Kunin ko lang sa Kwarto ko" Nagmamadaling umalis ang mma ni geo para kunin ang ibibigay kay mama. Ang sweet ha!
Di ko namalayan na nakatitig na pala sakin si Geo. Magsasalita palang ako ng bigla nya akong halikan. Hinawakan ko sya sa batok at nagpalakad lakad kame hanggang sa makarating kame ng lababo.
Binuhat nya ako at patuloy parin ang paghahalikan naming dalawa.
"Eto yung sa mama mo at eto yung sayo" Boses ng mama nya na papalapit na.
Agad akong ibinaba ni geo at sabay kameng nagpunas ng bibig ng maabutan kame ng mama nyang nakahawak sa bibig.
"Oh? Para kayong nakakita ng Dyosa jan" Pabiro ng mama nya. Natawa ako bigla At tumingin kay Geo.
"Nako tita. Syempre dyosa po kayo e. Nakakaloka ang ganda nyo" Pambobola ko sa mama nya.
"Nako maliit na bagay. Kei teka eto na. eto yung sa mama mo na kulay blue tsaka yellow. Eto naman yung sayo sunflower na damit" Sabay abot sakin.
"Salamat po tita pero matanong lang po wala po bang ibang design sa ibang bansa na medyo unique? Hahaha. Kase may issue tong damit na to sa pinas e." Natawa ako bigla ng maalala ko yung mga nagpopost sa facebook na puro nakasunflower ang damit.
"Nako. Uso yan don!" Sabi ng mama nya. bigla namang sumabat si geo.
"Yan ang isuot mo sa birthday ni mama. hahahaha" Sabay tawa ng malakas.
"Nakakatawa yon geo?" Pagmamasungit ko tinanggap ko parin naman kahit ganon. choosy pa ba.
Bigla naman ako napayaya na umuwi. Di ko alam kung bakit pero gusto ko ng umuwi.
"Ahm. Geo hatid mo nako sa bahay gusto kong magpahinga ewan ko kung bakit" Bigla namang nagtaka si geo.
"Jan sa kwarto pahinga ka muna" Alok nya sakin
"Hindi. sa bahay namen talaga gusto kong matulog e. Hehe sige na please! Pagpupumilit ko at napapayag naman agad sya.
"Ma. Uwi na daw sya" Pagpapaalam nya sakin.
"Oh di kaba muna kakain dito?" Sabi ng mama ni geo.
"Di na po tita. Busog pa po e. Pero salamat po una na po kame" Sabi ko at bumeso na. Habang naglalakad kame Nanlaki ang mata ko at hinawakan ang braso ni Geo kaya naman napahinto kame.
"Oh? Bakit ganyan mukha mo?" takang sabi ni geo.
"Nakalimutan ko yung damit ko sa bahay nyo baka makita ng mama mo yon" At napakagat labi ako bigla.
"Sus. Kala ko naman kung ano! Di yon ano naman kung makita" At nagpatuloy na maglakad si geo habang ako nakahinto parin. Nang makita nyang nakahinto parin ako hinatak nya ako.
Nang makarating kame sa bahay huminto kame sa tapat ng gate namen.
"So ano? Umuwi kana ha! Baka kung saan ka pa pumunta" Paalala ko.
"Kung magpaalala tila girlfriend ko ah. Haha joke!" Aniya at napangisi.
"Pasok nako. Babye!" Pag paalam ko hahalikan nya sana ang pisngi ko ng biglang lumabas si mama.
"Kita nalang tayo bukas" Diniretso nalang nya sa tenga ko at bumulong.
"Ma. Nakakagulat ka naman e! San kaba pupunta" tanong ko sakanya na tila naguguluhan pa sya sa nakita nya.
"Magtatapon sana ako ng basura e. Eh kayo san kayo pupunta?" Takang tingin samin ni mama.
"Hi tita. Ahm hinatid ko lang po si Keisha aalis na din po ako babye po" Aniya at naglakad na pauwi.
Tinignan ko si mama at ngumiti ako sakanya. Sabay kameng pumasok sa bahay. Nagtungo agad ako sa kwarto buti di napansin ni mama na bakit iba suot kong damit.
Humiga ako at parang napaisip. May gusto na ata ako sa Bestfriend ko. Ang tanong gusto nya rin kaya ako?
Hello guuuys 😊 Dont forget to Vote/Comment 😘💕 Thankyouuuu ❤
-Vii 🌻 xoxo