31

25.9K 199 45
                                    

Keisha's POV

Tulala ako at tinitignan sya mula ulo hanggang paa. Aktong aalis na sana ako ng hawakan nya kamay ko. Tinaboy ko ito at bigla naman nya akong niyakap.

"Kei. Please! Let me explain!" Sabi nya habang nakaback hug sya sakin. Ilang segundo ko rin sya pinayakap sa katawan ko. Humarap ako sakanya at tinulak sya. Kaya Napaupo naman sya sa sahig.

Tumayo agad sya at naglakad ulit papalayo sakanya. Hinawakan nya muli ang kamay ko. Napahinto ako sa paglalakad at humarap agad sakanya sabay sampal sakanya ng malakas.

Ang bilis ng tibok ng puso ko ng gawin ko sakanya yon. Hanggang sa naiiyak nako pero pilit kong pinipigilan.

"Ano bang sasabihin mo? Na mas pinili mo sya? Wag mo ng ipaglandakan pa sakin dahil tanggap ko na!" Sigaw ko at napayuko naman sya.

"Hindi mo naiintindihan." Sabi nya at napakunot naman ang noo ko sa sinabe nya.

"Ipaintindi mo kase. Tangina! Di ko maintindihan. Bakit mo pako pinangakuhan kung iiwan mo lang pala ako ng hindi ko man lang nalaman ang dahilan!" Gigil na sabi ko sakanya. Sobra na ang pagiyak ko sa part na yon. Nakita ko rin sa mga mata nya na naiiyak na sya.

"Para kay mama. ako nalang kasama nya dito sa pilipinas at alam mong nagtatrabaho si papa sa ibang bansa. Nangako din akong aalagaan ko si Mama!" Sabi nya at naluha na sya.

"Sana man lang sinabe ng personal . Di yung malalaman kong aalis ka pala ng di mo man lang ako kinausap. Inantay kita alam mo ba yon? Sa Ospital akala ko dadating ka. Inisip ko nalang na busy ka! Pero iba pala. Nagbabalak ka palang umalis non kasama si Belle" Sigaw ko . Nilalabas ko talaga ang sakit ng nararamdaman ko.

Bigla namang umulan ng malakas at nagkatingin pa kame. Tumakbo nako ng pigilan nya ako. Napahinto ako at nilingon sya.

"Kei. Please! Di naman ako umalis diba? Nandito nga ako kasama mo ngayon e. Mas pinili parin kita diba? Intindihan oh." Pag mamakaawa nya. Lumuhod pa sya sa harap ko.

"Wag mo nakong guluhin. Mas mabuti na sigurong di na tayo magkita at magusap pa. Magiging masaya siguro tayong dalawa" Sabi ko at sabay sa pagbuhos ng malakas na ulan ang luha ko.

napayuko sya at alam kong masakit. Umupo ako sa harap nya at hinalikan sya sa pisngi.

"Goodbye Geo" Malumanay na sabi ko at niyakap ko sya ng mahigpit at ganun din sya sakin. Di ko rin maintindihan sa sarili ko kung bakit Galit ako sakanya pero nagawa ko parin syang halikan at yakapin. 

Pumiglas nako sa pagkakayakap nya at tumayo nako at tumakbo. Nanghihina ako habang palayo ako ng palayo sakanya.

Sobrang lakas parin ng ulan at umiiyak parin ako. Para nakong baliw! Nang makarating ako ng Hotel , Sumakay agad ako ng elevator at inayos ko na ang sarili ko.

Pagpasok ko ng Room ko. Tulala akong naglalakad papuntang kwarto. Kumuha agad ako ng towel at pampalit ng damit. Umupo ako sa sala at nanatiling tulala.

Di ko napansin na nagising pala si Ate at nakaupo na sa tabi ko.

"Ok ka lang? San kaba galing? Bakit basang basa ka?" Pagtataka nya. Humarap ako sakanya at tinignan si ate.

"Nagkita kame ni geo" sabi ko.

"Oh? Anong nangyare? Nagusap ba kayo?" tanong nya at tumango lang ako.

"Anong pinagusapan nyo?" sabi nya at napayuko naman ako.

"Na Hanggang dito nalang ang pagkakaibigan namen" Sabi ko at nagulat si ate sa sinabe ko.

"Bakit? Dahil ba sa ginawa nyang pagiwan sayo?" Takang tanong nya .

"Nasaktan ako. Kahit ba di sya tumuloy don nauna yung hinala ko na mas pinili nya si Belle kesa sakin." Sabi ko.

Fucking My Childhood Friend (SPG) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon