Keisha's POV
Habang nasa byahe kame , Napansin ko ang Lugar na dinadaanan namin ngayon.
"Geo? Diba papunta sainyo to?" Pagtataka ko.
"Oo. Eh? Yun lang alam ko na may mapupuntahan kayo. Wag kayong magalala. Di naman magagalit si mama if ever na dun kayo nakitulog samin e" Sabi ni Geo.
"Tsaka alam na po ni Mama na umalis kayo sa tinitirhan nyo. Nasabe ko po kase sakanya e" Dagdag nito at napangiti nalang si Papa sakanya .
Nang makarating kame sa bahay nila Geo. Nakaabang pala ang mama nya sa sala nila. Bumeso naman kame agad kay Tita.
"Oh. Buti naman at nandito na kayo! Hinanda ko na yung matutulugan nyo" Sabi ng mama ni Geo.
"Thankyou po." Sabi ko at kinamayan ni Papa si Tita.
"Salamat. Hayaan mo babawi kame sainyo" sabi ni papa at natawa naman mama ni Geo.
"Nako. Hindi na! Ok lang. Eto naman para namang bago to. Hahahaha osha sige na! At ako'y matutulog na. inantay kolang kayo. May pagkain naman na sa kusina kumain kayo kung gusto nyo kumain" Sabi ni Tita at umakyat na sya.
Lumapit naman sakin si Geo na dala dala ang gamit namen. Naalala ko nga pala na may dala kameng gamit.
"Ay. Sorry nakalimutan ko may dala pala akong gamit" Sabi ko at napangisi si Geo sakin.
"Ano kaba? Ok lang. Lagay ko lang to sa Kwarto nyo." Sabi nya at dineretso na nya sa kwarto na tutulugan namen.
Maya maya'y niyaya na kame ni Geo na pumasok sa kwarto. May Double deck ito at aircon pa.
"Wow. Para tayong nasa Hotel ulit ate" Sabat ni Clarence. Natawa naman kame ni Ate sa sinabe ni Clarence.
"Salamat geo ah." Sabi ni papa at kinamayan nya si Geo.
"No problem po. Sige po pahinga na po kayo." Sabi ni Geo. Tumango lang si papa at aktong aalis na sana si Geo ng bigla kong tawagin.
"Geo." Tawag ko ng bigla naman akong sitsitan ni Papa.
"Ano pang gagawin nyo?" Pagtataka ni papa.
"Ahm. Kakain po ako! Di pa po ako kumakain diba?" Pagpapalusot ko. At tumango nalang si papa. Lumabas nako ng kwarto kasama si Geo at sinarado ko ang pinto.
Nagtungo kame sa Kusina at pinaghanda nya ako ng kakainin.
"Thankyou" Sabi ko at hinalikan nya ako sa noo.
"Kain na prinsesa ko" Sabi nya at kinilig ako sa sinabe nya. Sumubo nako pagkain at nakita kong nakatingin parin sya sakin. Bigla naman akong nakaramdam ng Init at akong pinagpawisan ako.
"Ang init ah" Sabi ko at kumunot bigla noo nya.
"Ha? Di naman ah. Medyo malamig nga e" Sabi nya at umiling ako.
"Hindi ah. Ang init kaya!" Sabi ko at humuha sya ng manipis at maliit na karton at pinaypayan ako. Natawa ako kaya muntik ko ng mabuga.
"Oh. Dahan dahan sa pagkain kase" Paalala ni Geo at tumango nalang ako. Habang kumakain ako bigla naman syang may napansin sa Braso ko.
"May Pasa ka? San galing yan?" Pagtataka nya.
"Sa Ayaw namin yan . Kinalaban ko nga yung magina diba?" Sabi ko at pinisil pisil nya.
"Masakit no?" Pang aasar nya. Kumunot noo ko at umiiling sakanya.
"Hindi masakit?" tanong nya at pinisil pisil nya pa ulit.
"Tibay mo naman. Kulay Violet na kaya! Masakit yan." Sabi nya at hinawakan ko ang mukha nya.
"hindi nga po masakit" Sabi ko at nagpatuloy nako kumain. Ang weird lang di talaga sya masakit. tsaka bakit ako magkakapasa sa braso? Di naman ako nahahampas sa braso.
Nang matapos kong kumain. tinulungan nya akong iligpit ang pinagkainan ko at nagtungo kame sa sala at umupo sa sofa.
"Anong feeling na nasa Father side kana?" Tanong nya .
"Ok naman. Masaya kase kahit na nakahanap sya ng iba , Di nya parin kame nakakalimutan ng mga kapatid ko" Sagot ko.
"Ako nga , Si Papa di pa din umuuwi ngayon e! Pero nagkakausap naman kame sa phone kaya nakakampante din kame" Sabi niya at ngumiti nalang ako.
Napatahimik kameng dalawa at bigla nyang hinawakan ang kamay ko. Sinandal ko ang ulo ko sa Balikat nya at nanatili lang kameng nakaupo sa sofa.
Di ko namalayan na nakatulog na pala ako sa balikat nya. Naalimpungatan ako at nagulat ako ng nakahiga nako sa sofa at may kumot na.
Bumangon ako at hinanap si Geo. Ilalapag ko sana ang paa ko sa sahig ng maramdaman kong malambon ang tatapakan ko.
Nakita ko si Geo na nakahiga sa sahig sa tabi ng sofa na hinihigaan ko. Napangiti ako at hinawakan ko ang mukha nya.
"Tulog na tulog ang baby ko." Pabulong kong sabi. Muli akong humiga at nakadungaw na sa sakanya at pinikit ko na ulit ang mga mata ko.
Nagising ako ng maramdaman kong hinahalikan ako sa pisngi.
"Wake up baby! Halika na kain na tayo" Pag aalok nya. Bumangon nako at hinawakan nya ang kamay ko. Meron na naman syang napansin sa kabilang braso ko.
"May pasa ka na naman ah. Ano kaya yan?" Pagtataka ni Geo. Nagtaka narin ako pero di ko nalang pinansin. Pagdating namin sa Kusina , Kumakain na sila Papa at Ate . Agad ko naman Binulungan si Geo.
"Wag mong sasabihin na nagkakapasa ako ha" Sabi ko at tinitigan nya ako bago sya tumango.
Binigyan nya ako ng tasa para sa kape ko. napayuko ako ng bigla akong manghina. Huminga ako ng malalim at unti unti kong inangat ang ulo ko.
Inabot na ni Geo ang thermos. Nakita ko sa mukha nya ang pagkagulat. Hinubad nya ang damit nya at pinunas sa ilong ko.
"Bakit?" Pagtataka ko.
"Nagdudugo ilong mo. Ano ba nangyayare sayo?" Sabi nya at nagtaka naman ako dahil ni minsan di nagdudugo ilong ko.
Maya maya'y Nanghina ako at umikot ang paningin ko hanggang sa Mahimatay ako.
Nagising nalang ako at nakahiga sa pamilyar na lugar. Nakita ko si Papa sa tabi ko at ang doktor na nakaharap saamin. Nakita ko naman si Geo na namumula ang mata at hawak ang kamay ko.
"Gising na po pala ang pasyente" Sabi ng doktor at napayakap sakin si Geo.
"Jusko Kei. Di namin alam kung anong gagawin namen sayo kanina" Sabi ni Geo at nakita kong alalang alala sya.
"Ayon po sa Test na isinagawa namin sa Anak ninyo. Meron po syang sakit na uri ng Cancer" Natahimik sila pati ako natatakot sa sasabihin ng doctor.
"May sakit pong Leukemia ang Anak ninyo. Stage 2 palang ito pero kaylangan nyo narin agapan para di na lumala" Parang magugunaw ang mundo ko ng marinig ko iyon.
"Mamamatay ako?" Sabat ko at napatingin silang lahat sakin. Naluha ako at pinilit kong lakasan ang loob ko. Hinalikan ako sa noo ni Geo at niyakap muli. Narinig kong umiiyak na sya at lalo akong napanghinaan ng loob. Bakit nangyare sakin to?!
Hello Guuuuuys 💕 Please Dont forget to Vote/Comment 😍 Thankyouuuu 😘 Lablab 😌
-Vii 🌻 xoxo