Keisha's POV
Nang pagkatapos nameng kainin ni kiko ang mga dinala nya , Nagpaalam agad sya dahil may lakad daw syang kaylangan puntahan. Hinatid ko sya sa labas ng bahay.
"Wag ka ng lalabas ng bahay nyo kung di naman kaylangan ha. Iloveyou" Paalala ni Kiko sabay halik sa noo ko. Kahit feeling ko parang hindi ako komportable.
"Opo. Tsaka di talaga lumabas ng bahay! Hehe iloveyou--- ahm. Ilove- Iloveyou too?!" Pag aalangan kong sabi na bigla nalang kinakunot ng noo nya.
"Bakit? Anong problema?" takang tanong nya.
"Ahm. syempre naninibago ako kase alam mo na." Sabi ko at napangiti sya biglang hawak sa balikat ko.
"Baby. Kahit alam nateng dalawa na biglaan ang nangyare. I will make sure na magiging masaya ka sakin" Aniya at napangiti naman ako sakanya. Niyakap nya ako at napayakap din ako sakanya na walang pag aalinlangan.
Pinikit ko ang mga mata ko habang yakap nya. Hanggang sa pangdilat ko , Nakita ko si geo na nakatingin samin dalawa. nakakunot ang noo at bigla nalang umalis. Napapiglas tuloy ako ng yakap kay kiko.
"Ahm. Ingat ka ha. Dalaw dalaw ka nalang dito" Sabi ko at sumakay na sya ng kotse at umalis na. Tumingin ulit ako sa daan kung saan ko nakita si Geo pero hindi na sya nagpakita.
Hanggang sa may humawak ng balikat ko na sanhi ng pagkagulat ko.
"Ano ba ma! Nakakagulat ka!" Sabi ko at napahawak ako sa dibdib ko.
"OA ha. Sino ba yon? Nagulat nalang ako bigla biglaang umaakyat sa kwarto mo" sabi ni mama.
"Ha? Ibig sabihin di nyo sya pinapasok sa bahay?" Gulat kong sabi kay mama.
"Pinapasok kaso nabigla ako ng bigla syang nawala sa sala. Nasa kwarto mo na pala!" Aniya. Tumango nalang ako at pumasok na kame ng bahay. Umakyat nako ng kwarto ko para humiga ulit ng bigla akong makaramdam ng pagkahilo.
humiga agad ako. Di ko alam kung anong nararamdaman ko. Pakiramdam ko babagsak katawan ko , Nasusuka , Inaantok. Di ko maintindihan.
Nang mawala ang hilo ko , Bumaba ako sa kusina para kumain. Dahil nagugutom na naman ako. Sumalubong naman si mama na kakatapos lang maghugas ng pinggan .
"Maaa! Anong ulam?" tanong ko.
" Ulam? Tignan mo jan sa lamesa!" Aniya at lumabas na sya at Ako nalang magisa sa kusina. Kumuha ako ng kutsara at pinggan.
"Uy. Bagong saing!" Bulong ko sa sarili at hinati ko sa gitna ang kain at kalahating kaldero ng kanin ang hinain ko sakin. Nang makita ko ang ulam sinigang pa! Kaya naman naganahan ako. Kumuha ako ng ulam at inilagay agad sa pinggan ko.
Umupo agad ako at sinumulan ng kumain. Biglang dumating si ate at nagulat sa kakainin ko.
"Jusko kei. Ano yan? Kakatayin kana ba?daig mo pa mataba sa kakainin mo e." Takang taka sya ng makita nya ang pagkain ko.
"Ate. Normal lang yan! Kase namen feeling ko gutom na gutom ako!" Takang sabi ko sakanya.
"Hay nako daig mo pa buntis kung kumain. Hinay hinay lang baka mabigla tiyan mo!" Paalala nya at kumuha sya ng tubig . Lumabas din agad ng kusina. Napatigil ako sa pagkain ng sabihin nyang ...
"Daig mo pa buntis kung kumain"
Pinikit ko ang mata ko at inalog ko ang ulo ko.
"Chill. Di ka buntis kei. Hindi ok?" Bulong ko sa sarili at tinuloy ko ng kumain. Pagtapos kong kumain ay di parin maalis ang mga salitang yon sa isipan ko. Umakyat agad ako ng kwarto at hinanap ang cellphone. Tinawagan ko si Meila baka sakaling nandito na sya sa manila.