Keisha's POV
Hindi ko nalang pinansin at Pumasok nalang ako ng Room ko at nakita ako ni Clarence na may dalang chocolate.
"Wow. Chocolate! Dumating ulit sya?" Masayang sinabe sakin ni Clarence.
"Oo? Di ko alam e. Nakita ko nalang na may chocolate nalang sa tapat ng room naten. Kilala mo ba?" Sabi ko at umiiwas sya ng tingin.
"Opo nga. Si Kuyang Guard nga!" Pag aalangan nya.
"Meron kase akong nakita kahapon tsaka kanina. Lalaki na nakahood familiar nga e" Sabi ko at tumingin agad sya sakin.
"Ah? Baka yun yung Kuyang guard?" Sabi nya at kumunot noo ko. Binigay ko nalang ang box ng chocolate kay clarence. Tuwang tuwa naman sya at binuksan agad.
Pumasok ako ng kwarto at nakita kong nagtitiklop ng damit si Ate.
"Oh? Bakit umaga ka na umuwi?" Takang tanong sakin ni ate.
"Ah. Naginuman kase kame kahapon . Eh , Di ko kinayang umuwi" Sabi ko at tumango nalang sya.
"Kumain kana ba? Meron jan itlog tsaka hotdog sa ref. Luto ka nalang. Inubos ni clarence yung niluto ko e" Sabi nya at natawa nalang ako. Pumunta ako ng kusina at napansin kong nawawala si Clarence.
Nilibot ko ang room namen at wala sya. Lumabas ako at nakita ko sya sa tapat ng elevator. medyo malayo sa room ko pero tanaw ko.
Parang may kinakausap sya. Pero di ko makita. Unti unti akong lumalapit at sinisilip kung sino iyon. Napahinto ako ng makita kong yung nakahood yung kinakausap nya at nakasakay sa elevator. Pinipigilan nya ang pagsara ng elevator para makapagusap sila.
"Hooooy!" Sigaw ko at lumingon si Clarence. Tumakbo ako papunta sakanya at pagdating ko nagsarado na ang elevator.
Hinatak ko si Clarence papunta sa room namen. Pagdating namin sa loob. Umiiyak na sya lumabas si ate sa kwarto at pinapatahan si clarence.
"Kilala mo ba yon ha? Bakit ka nakikipag usap don? Mamaya kidnappin ka non e." Inis na sabi ko sakanya.
"Di naman sya kidnapper e!" sigaw nya sakin habang umiiyak sya.
"Bakit? So kilala mo nga? Bakit ba hindi mo masabe sakin kung sino ba talaga yon?" Sigaw ko.
"Ayaw nya nga. Kausapin mo para malaman mo kung sino sya!" Sigaw nya at tumakbo sya papasok ng kwarto.
Nilapitan ako ni Ate ang hinagod ang likod ko. Napaisip ako bigla na baka nga yung lalaking iyon ang nagbibigay ng flowers at chocolate samin ni Clarence.
Nagluto nalang ako ng kakainin ko at di ko parin maalis sa isip ko kung sino yon. Hanggang sa kumakain nako , Napapatulala ako.
Kinuha ko ang phone at nagpaalam na kay Sir Nathan na di ako papasok ngayon. Pumunta ako sa sala at nilibang ang sarili. Binuksan ko ang tv .
Pinatay ko din agad dahil nawalan ako ng gana. Napalingon ako sa box ng chocolate. Tumayo ako at kinuha iyon. Kinuha ko ang phone ko at susubukan kong tawagan.
Nang madial ko ang number nya. Kinabahan ako bigla habang nagaantay sa pagsagot nya.
"Hello? Sino kaba talaga?" Sabi ko ng agad nya itong sinagot. Nataranta ako bigla.
"Ako si.." Sabi nya pero pabulong kaya di ko alam kung sino to.
"Sino nga?" Sabi ko.
"Kung gusto mo , Kitain mo nalang ako! Malapit sa Playground sa hotel nyo. Nabaso mo naman siguro yung sulat diba?" Sabi nya at pabulong parin. Kinakabahan ako di ko alam pero feeling ko ako kikidnappin neto.