Keisha's POV
Muli kong binasa ang Libro na Pagkakasunod sunod ng buhay ko na kasama si Geo. At Oo , Nabuhay ako. Dahil agad akong naagapan. Ikaw ba naman mabundol sa Harap ng Ospital.
Pumunta ako sa Kwarto ko at kumuha ng Posporo para sindihan ang kandila. Katabi nito ay ang Picture ni Geo.
"Happy 50th Anniversary Mahal ko. Pasensya na mahal ko ha. Di kita madalaw jan dahil alam mo naman napilayan ako. Teka Kamusta ka naman jan? Alam mo , Miss na miss na kita. Pero hayaan mo. Malapit na tayong magkasama. Napaka aga mong lumisan. Napaka aga mong umakyat sa Langit. Akala ko nga katapusan ko na yon! Akala ko din magkakasama na tayo nung araw na iyon. Konting tiis nalang Mahal ko! Sasama na ako sayo. Mahal na mahal kita Geo." Sabi ko at tanging larawan nya nalang ang nakakausap ko.
Maya maya'y dumating na si Clarence.
"Ate? Halika na. Nanjan na yung Magulang ng mapapangasawa ko" Sabi ni Clarence at nilapitan nya ako para tulungan makatayo.
"Di mo na naman ginamit ang wheelchair mo?" Inis na sabi ni Clarence.
"Hayaan mo na! Kaya mo naman" Sabi ko at napakamot nalang sa ulo si Clarence. Pagdating namin sa Sala nandon ang pamilya ni Lauren. Ang mapapangasawa ni Clarence.
Nagmano si Lauren at niyaya ko na silang pumunta ng kusina. Nakahanda naman na ang mga pagkain sa Kusina . Salo salo kameng kumain at nagusap usap sa gagawing kasal ni Clarence.
Di ko akalain na ikakasal na ang bunso kong kapatid. Di ko napigilan na magisip na Sana Kinasal din ako. Napatingin ako bigla sa Promise Ring na ibinigay sakin ni Geo noon.
Kahit masikip na at hindi na matanggal , Hindi ko pinilit na alisin ito sa kamay ko. Dahil mahal na mahal ko ang nagbigay nito. Mahal na mahal ko ang CHILDHOOD FRIEND ko.
--END--
Eto po ang REAL ending. 💕MARAMING MARAMING SALAMAT PO 😊 LABLAB 😘
-Vii 🌻 xoxo