Keisha's POV
Nang Matapos kameng kumain , Dumaan muna kame sa Convenience store. Para ibili ng Chocolate si Clarence. Dahil pinangako ko sakanya yan.
Ako nalang bumaba at bumili. Limang chocolate na iba ibang brand ang binili ko. Pumunta nako sa counter para bayaran na. Bigla naman may naglapag ng 1k at nilingon ko, si Nathan pala.
"Oh? Bakit kapa lumabas ng kotse? Mabilis lang naman to." Sabi ko at ngumisi lang sya.
"Hayaan mona. Tsaka gusto ko lang na ako magbayad." Sabi nya sabay kindat sakin. Nang mabayaran na , Nang makarating na kame sa Hotel di na sya bumaba at hinatid nalang nya ako sa Tapat.
Nagpaalam nako at papasok na sa hotel ng bigla kong mapansin na may Lalaking Nakahood at naglalakad ng mabilis. Nakayuko sya at nakalagay ang kamay nya sa bulsa. Baka si Geo ito.
Kaya tumakbo ako palapit sakanya. Tinatawag ko ang pangalan nya pero hindi sya lumilingon.
"Geeeoo! Geo?!" Sigaw ko. Nang malapitan ko na sya. Hinawakan sya sa balikat at pinaharap sakin. Napalayo ako ng Ibang tao pala iyon.
"Di po ako si Geo" Sabi nya at umalis na ulit. Napakamot nalang ako ng noo at sumakay nako ng Elevator. Pagdating ko ng Room ko , Tuwang tuwa si Clarence ng iabot ko ang mga chocolates na binili ko.
"Woooow. Ate! Kanino galing to? Kay Kuya bang nakahood?" Sabi nya at napangiti nalang ako.
"Hindi. Diba sabi ko ako na ang bibili ng gustong chocolates? Oh ayan na. Binilan na kita." Sabi ko .
"Ah. Kala ko sya na e. Pero bakit di na pumupunta yon? Ano kaya nangyare sakanya" Sabi nya at kita ko sa kanya ang pagaalala nya kay Geo.
"Hoy. Basta magtoothbrush ka lagi tsaka uminom ka ng tubig para di masira ngipin mo. Tsaka di kaba magtatae nyan?" Pagiiba ko ng topic.
"Hindi. Medyo lang pero di naman. Sige na ate kainin ko na to. Thankyou ate!" Sabi nya at niyakap nya ako.
Pumasok nako ng kwarto at nakita kong nakahiga si Ate habang nagcecellphone. Tumabi ako sakanya para makipag chismisan.
"Hoy!" bati ko.
"Ay. Kei oo nga pala! 1week nalang tayo dito sa Hotel." Nanlaki ang mata ko sa sinabe nya. Oo nga pala.
"Umupa nalang kaya tayo." Sabi ko.
"San naman? Tsaka may gamit ba tayong naisalba sa bahay naten?" Sabi nya at napaisip ako na magcondo.
"Condo nalang" Sabi ko at tumawa sya.
"Gaga kaba! May pang condo ka? Tsaka Wala akong trabaho ngayon." Sabi nya at kumunot noo ko. at Hinampas ko sya sa braso.
"Bakit wala kang trabaho? Ako din wala na. Anong mangyayare satin?" Inis na sabi ko.
"Hindi ko nga alam. Sandali! Iisip ako ah." sabi nya at inantay ko syang muli magsalita.
"Kay Papa nalang kaya tayo" Sabi nya at umiling ako.
"No way! Ano? Makikipagsiksikan tayo don? Tsaka yung bago nyang asawa halatang di ko na kasundo" Sabi ko at binatukan ako.
"Edi makisama nalang. Kesa naman wala tayong tirahan te! Edi dun nalang tayo. Tsaka Nandon naman si Papa e" Aniya at napaisip ako kung dun nalang kame o maghahanap pa ng ibang titirhan.
Kinuha ko ang phone ko at tinawagan si Papa. Ilang ring lang ay sinagot agad.
"Pa?" Bati ko.
"Sino ito?" Sabi nya.