18

40.9K 255 37
                                    

Keisha's POV

Diko alam kung sasabihin ko ba talaga ang totoo pero wala naman sigurong masama kung sasabihin ko.

"geo. Ano kase! Ahm. Diba... Pumunta si Papa nung nakaraan sa bahay. ahm! Naano kase.." Nagulat ako ng bigla syang sumabat.

"Ano nga! takot na takot?" Aniya at bumuntong hininga ako.

"Napulot ko. pero kay papa to! Nagmamadali kase syang umalis non e , di nya namalayan na may nahulog sakanya." Pagpapaliwanag ko.

"Oh? Bakit di mo ibalik sakanya?" sabi nya at kumunot noo ko.

"Bakit? Kung tutuusin mas kaylangan ko na to ngayon. Wala akong pambayad dito kung sakaling dito parin ako titira." Sabi ko sakanya at nilapitan nya ako.

"Sige. Sa tingin ko mas kaylangan mo nga yan. Pero naisip mo ba na baka kaylangan din ng papa mo yan?" Aniya at napaisip din ako bigla.

"Hayaan mo na. Tutal ilang buwan din naman sya di nagbigay samin ng pera e." Sabi ko at napatahimik nalang sya.

Bumaba na ulit sya para bumili na ng pagkain namen. Bigla namang tumunog phone ko. Nakita kong si Meila ang tumawag.

"Hello?" Sagot ko.

"Te? Nasan ka? Tumawag mama mo sakin e. Naglayas ka daw?" nagulat ako ng sabihin nya iyon. alam na agad nila mama.

"Parang ganon na nga. Nandito ako sa hotel. Dito muna ako titira pansamantala" Sabi ko sakanya.

"Anoo? Naghotel kapa? San ka kumuha ng pera? Gaga ka. May sugar daddy kana baaa?" Natawa ako bigla sa sinabe nya. Naiimagine ko yung mukha nya.

"Hindi baliw. Adik kaba? Ilang araw lang tayong di nagkita. Kung ano ano na naiisip mo!" Sabi ko sakanya at tumawa naman sya.

"Ay teka te. Saan ba yan? Puntahan kita bukas. May balita ako sayo!" Mukhang excited si Meila sa sasabihin nya.

"Sigesige. basta magtext or tumawag ka. isesend ko nalang sayo kung saan location neto. Ok? Bye" Sabi ko at binaba ko din agad.

Humiga muna ako at nagpahinga. Habang Hinihintay kong bumalik si Geo , Di ko namalayan na nakatulog pala ako. Nagising nalang ako na wala parin sya.

Kinuha ko kagad ang phone at puro missed calls galing kay geo. pero nagtext din sya sakin.

"Kei? Sorry. Tumawag si mama e. Kaylangan nako sa bahay. basta bukas pupuntahan kita ok? Loveyou! Wag ka ng lalabas jan." -text ni geo.

Di ko na muna nireplyan dahil nadismaya ako. Di mo alam kung bakit.

"Hm? Ano kakainin ko dito? Kung di naman ako lalabas? bukas na nga lang" bulong ko sa sarili. At tinuloy ko nalang matulog at magpahinga.

Nagising ako sa Amoy ng sinangag na kanin ng biglang kumulo ang tyan ko. Dama ko na ngang gutom na gutom nako. Siguro nanjan na si geo.

Agad akong lumabas para makita sya. Nagulat ako sa nakita ko. Si meila pala nagluluto akala ko na si geo.

"Oh? Gising ka na pala te? Haha! Eto gagawan na kita ng breakfast mo. Sabi kase ni geo .." Natigil sya sa pagsasalita ng sumabat ako.

"San si geo?" Tanong ko sakanya.

"Nako bes. Wag mo na munang istorbohin yon. Binilin ka naman na nya sakin. tsaka sya din naghatid sakin dito." Aniya at kumunot bigla noo ko.

"Ano? Eh bakit di nya ako ginising?" Takang tanong ko sakanya.

"Malay ko sakanya. Tsaka sa tapat lang naman ng hotel mo ako binaba e" sabi nya at bumalik ako ng kwarto para kunin ang phone.

Fucking My Childhood Friend (SPG) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon