26

30.7K 223 90
                                    

Keisha's POV

Nagising ako bigla at nakaramdam ng gutom. Nakita ko namang tulog si Ate kaya di ko na muna inistorbo. Paggising ko wala narin sa tabi ko si Geo.

Pinilit kong tumayo para maghanap ng makakain. Dahil gutom na gutom talaga ako. Nagulat ako ng magising si Ate bigla at inalalayan ako.

"Ano kaba! Magsabi ka nga. Di yung para kang daga jan na naghahalungkat. Nagugutom kaba?" Tanong ni ate at tumango lang ako.

Pinaupo nya ako sa kama at naghanda na sya ng makakain ko.

"Bukas pala. Pwede na tayong umuwi! Nako lagot ka kay Mama. Muntik ka ng sumunod sakanya." Pagbibiro ni Ate at inabot na nya sakin ang kanin na may ulam na caldereta.

"Oo nga e. Buti niligtas ako ni mama! Talagang masasabe kong Love ako ni mama. Hahahaha" Sabi ko at ngumisi nalang sya.

Sinimulan ko ng kumain at patuloy parin ang kwentuhan namen. Natapos nadin akong kumain at pinagpahinga na ako ni Ate. Hanggang sa naalala ko si Geo.

"Ate? Si Geo pala? Di pa ba dumadalaw dito?" Takang tanong ko.

"Kanina diba? Katabi mo pa nga matulog. Bakit?" Sabi nya.

"Wala lang. Bigla ko lang sya naalala!" Sabi ko at natahimik ako bigla. Nakatingin lang sa singsing na bigay nya.

Inabot ko ang cellphone ko na nakapatong sa lamesa sa tabi ng kama ko. Agad kong tinawag si Geo para kamustahin.

"Bakit cannot be reach?" bulong ko. Tinext ko nalang sya at ipapaalam ko sakanya na makakauwi nako bukas.

"Geo? uuwi na kame bukas! Susunduin mo bako? Reply ka naman. Love you!" Text ko sakanya. Nagpahinga nalang ako para may lakas ako bukas.

Paggising ko kausap na ni Ate ang doctor.

"Gising na pala ang pasyente. Makakauwi na kayo" Sabi ng doctor.

"Thankyou po" Sabi ko.

"Ay. Osige na marami pakong aasikasuhin. Ingat kayo sa paguwi.  Ingat na sa susunod ha. Haha bye" Pag papaalam ni doc saamin. Bumangon ako at nakatitig lang ako sa pinto.

"Hinihintay mo si Geo?" Takang tanong ni ate habang nag aasikaso na.

"Oo. Eh tinext ko sya na uuwi na tayo ngayon e. Parang wala parin. Narecieve nya kaya yung message ko? Or baka busy lang siguro no?" Pag aalangan ko.

"Malay ko sainyong dalawa. Nako! Kaya ayoko munang mag lovelife dahil mababaliw at magiging tanga lang ako jan!" Sabi ni ate. Di ko alam pero nalulungkot ako.

"Teka. Nanjan na daw yung Cab na binook ko. Baba na tayo dai!" Bumaba na kame at sumakay na sa cab.

Habang nasa byahe kame , Nakatingin lang ako sa Bintana. Di ko alam ang emo ko ngayon! Feeling ko may kulang.

Nang makarating kame sa Bahay ng tita ko. Agad kong pinuntahan ang kabaong ni mama.

"Ma? Sorry ha. Di ko naman alam na sign pala yung ginawa mo sakin na itapon sa damit ko yung Juice. May mangyayare palang masama! Pero syempre thankyou sayo mama. Kase nandon ka para isave ako. Di ako napuruhan. Bukas naman ililibing kana mama. Huling kita na natin to. Nakakalungkot ma." Bulong ko sa sarili. Maya maya'y lumapit sakin si Tita at may inabot na papel.

"Tita ano po to?" Takang tanong ko sakanya.

"Eh. Kanina kase nandito ang Nanay ni Geo. Ewan ko dapat sya magbibigay nyan kaso ang tagal nyong dumating kaya umuwi na" Sabi nya at tumango nalang ako. Pumasok ako sa kwarto namen at binuksan ito.

"Galing kay Geo? Bakit?" Nagtataka ako kung bakit nagbigay sya ng Sulat. Bigla akong kinabahan at napapalunok. At sinimulan ko ng basahin.

"Hi kei? Magsosorry ako dahil mas pinili kong sumama kay Belle kesa makasama ka. Pero wag mong isipin na kaya ko pinili si Belle ay dahil mas mahal ko sya. hindi ah! Ikaw ang pinakamamahal ko. Susulusyunan ko lang tong problema natin tapos pag ok na , Babalik ako. Patawarin mo sana ako sa ginawa kong desisyon. Diba nga may promise ring? Nagpromise ako diba? Kaya please? Sana maintindihan mo! Mahal na mahal kita Keisha. Mamamaalam muna ako sa panandalian. Babalik ako! Pinapangako ko yan sayo. Corny man pero sana Ako parin nilalaman ng puso mo. -Geo"

Di ko alam kung maiintindihan ko ba sya o uunahin ko ang galit. Naluha ako at nilukot ko ang papel na iyon. Nagsimula nakong magwala at umiyak ng malakas.

Bigla namang dumating si Ate at tita para patahanin ako.

"Ano nangyare ha? Bakit?" Pag aalala ni Ate.

"Iniwan na nya ako! Sabi nya di nya ako iiwan e! Pero bakit ganto. Punyetang buhay to!" Sigaw ko habang umiiyak nako sa sobrang inis.

"Tama na yan kei. Jusko! Kagagaling mo lang sa Ospital. Magpahinga ka muna" Sabi ni Tita habang pinupunasan ang mukha ko na puro ng pawis at luha.

"Ate please! Sabihin mo sakin. Bakit di ako ang pinili ni Geo! Ateeeee!" Sigaw ko at nagwawala nako. Hanggang sa humihikbi nako.

Niyakap ako ni Ate at hinahagot nya ang likod ko. Habang ako , Di parin matigil tigil sa pagiyak.

"Sabi nya di nya ako iiwan e. Sabi nya ako lang! Sabi nya mahal nya ako! Pero bakit ganto! Sobra nya akong sinaktan. Bakit? Di ko maisip kung bakit!" Nilalabas ko lahat ngayon ang sakit. Maya maya'y di ko namalayan na nakatulog pala ako.

Nang magising ako , Nanatili akong nakahiga at tumagilid ng higa. Bigla ko na naman naisip ang sulat nya sakin. Naluha at nasasaktan na naman ako.

Sobrang nanikip dibdib ko sa ginawa nyang letter para sakin.

"Bakit hindi ako ang pinili mo? Problema nga ba talaga yan? Bakit hindi nalang ako ang pinili mong tulungan ka sa Problema mo?" Bulong ko sa sarili. Di ko parin mapigilan ang luha ko.

Maya maya'y dumating si Ate at niyaya akong kumain. Pinunasan ko ang mga luha ko at humarap ako sakanya.

"Di na muna. Busog pa naman ako!" sabi ko at tumalikod ako ulit.

"Kei. Babalik yon! Diba nga? Mahal ka nya? Oh. Di kaba naniniwala sakanya na babalik sya?" Sabi niya at nanahimik nalang ako.

"Oh basta. Kung nagugutom ka , Kumain ka lang don ha. paghihiwalay nalang kita ng ulam." Dagdag nya at lumabas na sya.

Pinipilit kong tanggalin sya sa isip ko pero parang di ko kaya. Nahihirapan akong kalimutan sya.

"Kei?" Nanlaki ang mata ko at nilingon ko agad? Agad naman akong bumangon ng bigla akong mahilo. Inilalayan nya ako at pinahiga nalang ulit. at umupo naman sya sa gilid ng kama ko.

"Sir? Ano ginagawa nyo dito?" Takang tanong ko sakanya.

"Nabalitaan ko kase na nakauwi kana. Teka. There is something in your eyes! Umiyak ka no?" sabi nya at napatakip tuloy ako ng mata.

"Dont be shy. Lahat naman tayo ganyan ang mata pag umiiyak diba? You are still beautiful" Nanlaki ang mata ko ng sabihin nya iyon.

"Sir? Kung di nyo po mamasamain. May tanong lang po ako" pag aalangan kong sabi sakanya.

Kumunot ang noo nya at pinaliit ang mga mata. Umupo ako sa kama at huminga ng malalim.

"Diba po? Boss ko kayo? Pero bakit parang ikaw pa nagiging alipin ko?" pag aalangan ko.

"Coz .. Ahm!" Sabi nya at parang may gusto syang sabihin na di nya masabi .

"Coz i like you. I really like you keisha. Nung una palang kita makita , Nagandahan agad ako sayo e. Dagdag mo pa yung personality mo. But im not saying this because gusto kong gustohin mo rin ako. I want you to know na i like you." Sabi nya at natulala nalang ako. napayuko ako at magsasalita sana ng bigla nyang hawakan ang baba ko at hinalikan ako sa labi. Nanlaki ang mata ko sa ginawa nya.

Why sir? Whhhhyyy?













Hello Guuuuys. PaFollow naman neto - ImKevinAbaja7 - Thankyou guuuys 💕 Please Dont forget to Vote/Comment. ❤ Thankyouuu ulit💕 Lablab 😘

-Vii 🌻 xoxo

Fucking My Childhood Friend (SPG) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon