Keisha's POV
Nanatili akong umiiyak habang nakikita kong unti unting papalayo si geo. Di ko inisip na magiging malas ako ng ganto.
Nakita ako ni mama na umiiyak kaya dali dali nya akong pinuntahan.
"Kei? Ano nangyayare sayo ha?" Pag aalala ni mama. at di parin ako tumitigil umiyak. Mas naiiyak pako lalo sa concern ni mama.
"Maaa! Sorry! Ikakasal na yung tatay netong anak ko!" sabi ko at niyakap ako ni mama ng mahigpit.
"Tahan na anak. Nandito lang ako para sayo! Bubuhayin naten yang anak mo. Tahan na!" Aniya at niyakap ko si mama ng mahigpit.
Pumasok na kame ng bahay at dumiretso na agad ako sa kwarto. Humiga agad ako at natutulala. Pinagpahinga ako ni mama dahil sa nangyare.
Nang biglang nagtumunog ang phone ko.
"Kiko?" Bulong ko. hindi ko sinagot at nagpahinga nalang ako. nagulat ako ng biglang may kumatok sa pinto.
"Kei?" aniya at binuksan nya ang pinto at sumilip muna sya.
"Oh. Bakit bes? May nakalimutan kaba?" Takang tanong ko sakanya.
"Hindi . Tumawag kase mama mo sakin e. Umiiyak kadaw! Bakit? Kwento mo naman" Aniya. Di ko alam kung ikekwento ko ba o hindi. pero dahil alam naman nya ang mga nangyayare. at para gumaan ang dinadamdam ko.
"Ikakasal na pala si Kiko next month" Sabi ko at nagulat sya sa sinabe ko.
"What theee! Ano? Paano? Tsaka. HA?" takang taka sya ng sabihin ko iyon.
"Nabingi lang te?" pagbibiro ko. masyado kase syang nagulantang sa sinabe ko. napahawak sya sa bibig at tila nagiisip.
"Gago yon ah. Eh diba nagsex kayo bago sya umalis para ipalabas na sya ang ama?" Sabi nya at nanlaki ang mata ko sakanya.
"Wag ka maingay. Bibig mo naman dai!" Sabi ko at inirapan ko sya.
"Teka nga. Matanong lang! Bakit kaba umiyak? Kase nalaman mong ikakasal na sya? O dahil mahal mo na sya? Pero sa tingin ko ha. Nasaktan ka lang kase nagexpect ka na may aako na sa anak mo. Pero sa tingin ko di mo naman talaga sya minahal. Nasaktan at nabigla ka lang" Sabi nya at napaisip ako bigla sa sinabe nya. Siguro nga nasaktan lang ako pero di ko naman talaga minahal.
"Ewan. Di ko alam! Naguguluhan pako!" Sabi ko sakanya. Nanahimik kameng bigla . Naisipan namin na bumaba at kumain nalang sa kusina. tumayo ako sa kinahihigaan ko nang bigla syang sumigaw.
"Beeees! Dinudugo ka" sigaw nya. At bumilis ang tibok ng puso ko. Nakita kong dinudugo nga ako. Nagpalit muna ako ng suot ko pambaba habang sumilip si meila sa baba para tawagin si mama pero di nya ito nakita. Kaya kaming dalawa nalang ang nagkusang pumunta ng ospital.
Pagdating namin sa ospital bigla akong nahilo at nahimatay. Nagising nalang ako na nakahiga na sa isang kwarto. Bigla naman may pumasok na doktor.
"Oh. Gising kana pala!" aniya at ngumiti sakin.
"Doc. Ahm kamusta naman po baby ko?" Pag aalangan kong itanong.
"Hindi ka buntis" Sabi nya at nanlako ang mata ko ng sabihin nya iyon.
"Po? Hindi po. Nag pregnancy test po ako and nagpositive po yon! Pano nangyare yon?" takang tanong ko sakanya.
"Yes. sinabe kanina ng kasama mo na buntis ka nga. but ayon sa test namen. Hindi normal ang pagreregla mo so pwede kang magskip ng period mo" Aniya at para akong natanggalan ng tinik sa dibdib. biglang gumaan pakiramdam ko.
Lalabas na sana si doc ng bigla akong napatanong.
"Doc? Tanong lang po. Bakit nga po nagpositive yung PT?" tanong ko at nginitian ako bigla.