17

46.1K 317 73
                                    

Keisa's POV

Nang maayos na nila mama ang mga bayarin sa ospital ay agad naman kameng umuwi sa bahay. Kasama namen si Geo para tulungan kame sa mga gamit.

Inihatid nya ako sa kwarto. Nakaalalay sya saakin at inihiga ako sa kama.

"Ok lang ba? Di ba masyadong mababa yung unan mo?" tanong ni geo.

"Ok lang. Salamat!" Sabi ko sakanya at tumango lang sya. Dumating si mama at nagpasalamat sa kanya. Lumabas din agad si mama at umupo naman si Geo sa tabi . Hinawakan ang kamay ko at hinaplos haplos.

"Kei? Ahm. Gusto ko lang malaman kung bakit nangyare yung nakita namen?" Nagulat ako ng tanungin nya iyon.

"Natakot kase ako na baka sabihin nya kila belle na may nangyayare satin. Pinagbantaan ako ni Kiko." sabi ko sakanya at napayuko naman sya.

"Ano naman? Hindi magsusumbong yon! Isipin mo, Pag sinabe nya yon may panglaban ka naman sakanya. Pwede mong sabihin sakanila na nilalandi ka din ni Kiko" aniya. At napaisip ako sa sinabe nya.

Natahimik ako ng sabihin nya iyon. Kahit naman siguro sabihin ko yon di maniniwala na nilalandi din ako ni kiko.

Habang nagkekwentuhan kame tumunog ang phone ni geo at tinignan lang nya ito.

"Oh? Di mo ba sasagutin? Baka importante?" pag aalala ko.

"Hm? Walang mas iimportante pa sayo." Lakas makaganda ng sinabe ni geo.

"Pero kaylangan mong sagutin yan. Sige na" Sabi ko at sinagot din nya.

"Hello.. Sige papunta nako?" aniya. bigla syang tumitig sakin na tila matutunaw ako sa titig nya.

"I love you too" sabi nya at di ko alam kung matutuwa ako dahil mukhang sakin sinasabe o sa kausap nya talaga e.

Binaba nya rin agad ang phone nya at nagpaalam na sakin na pinapapunta daw sya ni Belle sa bahay nila.

"Dadalawin kita ok? Pagaling ka." Paalala nya sakin. Hinalikan ako ni Geo sa labi at niyakap ako.

Paglingon ko ng pinto nakatayo si mama at nakasandal sa pinto. Nagulat din si Geo ng makita si mama.

"Tita. Ahm! Aalis na po ako. Salamat po" At ngumiti lang si mama. At Umalis na si geo. biglang tumingin sakin si mama at nilapitan ako.

"Sino ba talaga kay kiko at geo ang nilalandi mo? Parehas ba?" Malumanay na tinanong sakin ni mama pero ramdam kong galit na si mama sakin. Napayuko nalang ako at hinihintay na pagalitan nalang.

"Kala ko ba maghahanap ka ng trabaho? Tila sila Geo at kiko tinatrabaho mo? Di ka ba nahihiya sa mga ginagawa mo? Nakakasira ka ng relasyon. Gusto mo bang maging kabit?" Naluha ako sa sinabe ni mama. Pinunasan ko agad at tumingin sa gilid at pinipigilang hindi umiyak.

"Buti nga yan lang nakuha mo dun sa magiging asawa ni kiko e. Kundi baka pinaglalamayan kana ngayon. Sa pananalita lang nung babae tila di ka bubuhayin. Alam mo ba yon?" Patuloy parin syang pinapagalitan ako.

"Di ko naman gusto si kiko e" Pabulong kong sabi. Di ko inaasahan na ang talas pala ng pandinig ni mama kaya narinig nya ang sinabe ko.

"Ay! Sino gusto mo? Si geo? Tila nangangarap ka nalang talagang gising kei. Si Geo may Girlfriend din yon! Invisible ba si Belle sayo? At hindi mo makitang may girlfriend na yung tao? Nauubusan ka na ba ng lalaki kei? Magisip isip ka nga!" inis na sinabe ni mama at lumabas na ng kwarto ko.

Dun lang ako nakaiyak. Sumakit na ulo ko pero hindi ko iniinda. Mas masakit at puso ko kesa sa ulo ko.

Kinuha ko ang phone ko at agad tinawagan si geo. Agad naman din nyang sinagot ito.

Fucking My Childhood Friend (SPG) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon