Keisha's POV
Di ko matitigan sa mata si Kiko dahil di ko alam kung ano mararamdaman ko kapag tumitig ako sakanya.
"Bro. Anong ginagawa mo dito? Kala ko ba aalis kana?" Pag aalangan na tanong ni geo.
"really? Bro? Hahahaha! Kaya pala ang weird ninyo kung magtinginan no? Kaya ka lagi sigurong nandito geo." Sabi ni kiko. Natatakot akong magsalita baka madamay ako.
"Hindi. Bestfriend ko si Kei kaya nan--" Napatigil sa pagsasalita si Geo ng biglang tumawa si Kiko.
"Daaamn! Bestfriend? Ganyan ba ang ginagawa ng magbestfriend? Nakakatawang joke yan geo. Try mong ijoke kay Belle baka bumenta" Pang asar nya kay geo.
"At ikaw?" Napatingin ako bigla ng banggitin nya yon. alam kong isusunod ako e.
"Landi mo rin eno?" Kumunot ang noo ko ng sabihin nya ang mga salitang yon. Kaya di ko na napigilan ang di magsalita.
"Malandi? Tell me? Ako kiko? Malandi? Diba ikaw yon?" Inis kong sabi sakanya. hinawakan ako sa kamay ni geo pero hinawi ko.
"Wag ka ng sumabat. Lalaki patong away e." Pagawat sakin ni geo. Hinila ko si Kiko palabas at dun kame nagusap baka biglang marinig ni mama ang mga usapan namen.
"Wag ka ngang painusente Kiko! Alam naten na ikakasal kana diba? Pero ano? Nilalandi mo parin ako? Hahahaha. Kase Malandi karen! Now sino malandi satin dalawa?" Pag hahamon ko. Nanahimik sya at parang may gustong sabihin.
"And Fyi. Dumating si kiko dito sa pilipinas na hindi ko alam na may girlfriend si geo. Ano magagawa ko?" Dagdag ko. Maya mayay napangisi naman sya.
"Oh! Sayo na pala nanggaling yan ha! Ang tagal ng nandito si Geo. So hanggang ngayon Di mo parin alam? Ah Ok gets ko na. Hindi ka malandi pero Bobo ka!" Pangasar ni Kiko sakin ng biglang sapakin ni Geo sa Panga si kiko.
Inawat ko si Geo at bigla namang gumanti si Kiko. Sinapak naman nya ito sa may bandang cheekbone. Tinulak ko ng malakas si Kiko at tinignan ko ang mukha nya. Hahawakan ko sana yung pasa kung saan sya sinapak ng biglang may humawi ng kamay ko at tinulak ako.
"Whats happening? tell me?" Nanlaki ako ng makita kong si Belle pala yon.
Lumakad ako dahan dahan ng patalikod. Bigla akong may mabunggo.
"Aw. Watch your steps!" Napaharap ako sakanya at nagulat ako dahil di ko naman sya kilala pero familiar sya sakin. tumabi nalang ako at sa mga gantong nangyayare parang gusto ko ng magpalamon sa lupa.
"So ano? Wala talagang magsasalita?" Sigaw ni belle. Bigla naman kameng nagtinginan ni Geo.
"Yan kaseng boyfriend mo. Tibay ng mukha!" Kinabahan ako ng sabihin ni Kiko iyon.
"Why?" Takang tanong ni belle. bigla naman syang hawakan ni geo sa kamay at hinila.
"Oh? Natatakot ka bang malaman ng pinsan ko?" Di ako makatingin ng maayos sakanila. Natatakot ako sa mga susunod na babanggitin ni kiko.
"Shut up! Tara na belle." Hinila na ni Geo si Belle palabas at ang nakita ako , si Kiko at yung babae.
"Are you ok babe?" nanlaki ang mata ko ng sabihin iyon ng babae.
"Fey?" Pag aalangan kong banggit.
"Do you know me?" Takang tanong nya.
"Ah. Girlfriend ka ni Kiko diba? Hehe" Pagpapalusot ko.
"Oh yes! Fiance nya na ako." At pinakita nya sakin ang singsing na nakasuot sa daliri nya.
"Hehe. Congrats!" Sabi ko at ngumiti lang sya. Tinignan ko si Kiko at nakita kong tumingin sya sakin pero inirapan nya ako.