37

22.3K 188 44
                                    

Keisha's POV

Nang pagtapos naming kumain. Nagulat ako ng bigla akong sitsitan ng Babae ni Papa.

"Hoy! Baka naman. Maghugas ka ng pinggan. tutal dito ka naman na nakatira diba?" Sabi nya at bigla naman sumabat si papa

"Imelda. Ano kaba? Bakit hindi si Maria ang paghugasin mo? Eh puro cellphone lang naman inaatupag ng anak mo e" Sabi ni papa at inirapan sya ng babae nya.

"Ok lang po pa. Ako na po!" Sabi ko at tinulungan nalang ako ni Geo na magligpit at ilagay lahat sa lababo.

Inumpisahan ko ng maghugas. Nakatingin lang sakin si Geo at sya na ang naglalagay ng mga nahugasan ko na Pinggan at baso sa lalagyanan.

Pagtapos kong maghugas nagtungo kame sa Sala at umupo muna sa sofa. Hinawakan nya ang kamay ko at hinalikan ito.

Napatigil naman sa ginagawa niya si Geo ng Bigla naman dumating si Papa at nakatingin samin dalawa. Binitawan ko ang kamay nya at umayos ako ng upo.

"Mukhang di na magbestfriend turingan nyo ah" Pagbibiro ni papa.

"Ay. Sorry po!" Sabi ni geo.

"Ok lang. Alam ko naman na marami na rin kayong napagsamahan ni Kei e" Sabi ni papa.

"May gusto kaba talaga sa anak ko?" Dagdag ni papa. Bigla Tumingin sakin si Geo.

"Sobra po. Mahal ko po anak nyo" Sagot nya at kinilig naman ako pero di ko pinahalata.

"Basta. Wag mong sasaktan anak ko! Alam kong marami nakong naging kasalanan sakanila. Una na yung pagiwan sakanila. Kaya ngayon bumabawi ako bilang ama sakanila ngayon" Sabi ni papa.

"Di ko po sasaktan ang anak nyo. Nako po! Kung alam nyo lang po kung gaano ko kamahal ang anak nyo" Sabi ni Geo.

"Basta. Pag kayo ang nakatadhana para sa isat isa. May hiling lang ako sayo." Kumunot naman bigla ang noo ko ng banggitin ni papa iyon.

Bigla naman bumaba si Maria at nilapitan si papa. Yumakap kay papa at may balak pa atang makinig sa usapan namen.

"Maging Mabuti kang tatay sa magiging anak nyo ni Kei. Na Hindi ko nagawa sa pamilya ko" Napahanga naman ako sa sinabe ni papa at tumango naman si Geo at nginitian si Papa.

"Pano naman ako? Baby naman e." Sabat ni Maria.

"Ahm. Uwi na po pala ako! Dadalaw nalang po ako. Salamat po!" Pagpapaalam ni Geo. Tumayo na kame at kinamayan na sya ni Papa.

Hinatid ko na sya sa Labas. Nang makarating na kame sa tapat ng kotse nya bigla nya akong niyakap.

"Hoy. Bakit?" Pagtataka ko habang nakayakap parin sya sakin.

"Sobrang saya ko lang." Sabi nya. Pumiglas na sya sa yakap ko at hinalikan nya ako.

"Ngayon na medyo ok na ang lahat. Ms.Keisha Villegas? Will you be my Girlfriend and soon to be Wife?" Sabi nya at di ko alam kung anong ekspresyon ng mukha ko ang ipapakita ko.

"Teka. Ang bilis naman ata" Pagkukunwari ko.

"Anong mabilis don? Tagal tagal na kaya nateng magkakilala tsaka marami na nangyare satin. Tulad ng --" At tinakpan ko ang bibig nya dahil alam ko ang sasabihin nya.

"Opo. Alam ko po! Hahahaha" Sabi ko at tinanggal ko na ang kamay ko sa bibig nya.

"So Ano?" Sabi nya.

"Pagiisipan ko. Hmmmmmm? Sige" Sabi ko at nagulat sya.

"Sige? Payag ka ganon? Tayo na? Talaga?" Pagtataranta nya.

Fucking My Childhood Friend (SPG) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon