Keisha's POV
Nakita ko ang pagaalala ni Ate at ni Geo saakin. Di ko parin maiwasan ang magalala sa ginawa ko. Umupo nalang ako at tinuloy ang pagkain. Umupo din naman sya sa tabi habang nakatitig sakin.
Nang matapos kong kumain , Hinugasan ko agad at pumunta na sa sofa. Nakasunod parin si Geo saakin. Umupo rin sya sa tabi ko at niyakap.
"Ok lang yan. Pakisamahan nalang" Sabi nya at napatingin naman ako sakanya.
"Nakikisama naman e. Kaya lang sila ang hindi nakikisama samin" Sabi ko.
Maya maya'y bumaba si Maria at ang sama ng tingin samin. Lumabas sya ng bahay at suot parin ang damit ko.
"Kapal talaga ng mukha! Bwisit" Bulong ko at di ko inaasahan na narinig pala ni Geo.
"Bakit? Ano ginawa nya sayo?" Pagtataka nya.
"Kagabe , Diba? Hinatid kita sa kotse mo? Eto naman tong loko lokong Maria na to , Nilock yung Gate. At Balak pa nya akong patulugin sa Labas. Tapos ngayong araw na to , Nagulat nalang ako ng makita kong Suot nya ang isa kong damit na suot nya ngayon! Napakakupal bwisit na nilalang" Pagpapaliwanag ko at nayamot na naman ako.
"Hayaan mo na. Baka wala lang masuot! Tignan mo yung suot nya kahapon. Ang iiksi! Tila kukulangin lagi sa Tela." Sabi nya at natawa ako bigla.
"Tama na nga yan! Hahaha" Sabi ko at bigla naman nagring ang phone ni Geo. Sinagot nya agad ito at pakiramdam ko si Tita Malou iyon.
"Hon , Kayla--" Napahinto sya ng bigla akong magreact sa sinabe nya.
"Hon? As in Honey?" Pagkukunwari kong di ko alam.
"Oo. Bakit? Ayaw mo ba? Pinagisipan ko yon ha!" Pagbibiro nya.
"Para naman kaseng magasawa na kapag hon?" Sabi ko at napahawak sya sa baba at kunwaring nagiisip.
"Edi Baby? 19 nako , 17 ka palang. Baby na baby ang datingan" Sabi nya at hinampas ko sya sa braso.
"Osige na. Kaylangan ko ng umalis! Nagtatampo si Mama. Ang aga aga daw umaalis nako! Pinagluto ako ng ulam e. Hehe" Sabi nya at aalis na sana sya ng bigla nya akong hinawakan sa pisngi.
"Gusto mo bang sumama sakin?" Tanong nya at umiling nalang ako.
"Hindi na muna. Baka nakawin na naman damit ko e" Pagbibiro ko at tumawa nalang sya.
Hinatid ko nalang sya sa Pinto at nagkasalubong pa sila ni Maria sa labas. Di naman ito pinansin ni Geo kaya naglakad nalang sya papasok dito sa bahay.
Nakasandal ako sa pinto ng bigla akong sagiin ni Maria.
"Ops. Laking harang!" Sabi nya.
"Ops. Laking magnanakaw" Sabi ko. Humarap sya sakin at tinignan ako mula ulo hanggang paa. Sarap tusukin mata neto!
"Pwede ba? Lumayas na kayo dito! Di naman kayo nababagay dito e. Masyado kayong pabigat dito" Sigaw nya.
"Ay. Ganon ba? Pasensya na ha! Ang laki mo din namang pabigat dito e. Nagreklamo ba tatay ko? Hays" Sabi ko at Nakahakbang na ko paakyat ng biglang hilahin ni Maria ang buhok.
Nalaglag ako at napaupo ako. tumama ang pwet ko sa hakbangan. hindi ko ininda ang sakit at tumayo ako. Sinabunutan ko sya at inuntog sa kanto ng hawakan ng hagdan.
Napabitaw sya sa pagkakasabunot sakin kaya binalibag ko talaga sya kaya napaupo sya. Bigla naman bumaba ang nanay nya at tinulungan syang makatayo.
Nang maitayo nya si Maria , Sinugod ako at sinabunutan ako. Pinaghahampas at pinagkakalmot ako sa braso. Bigla naman dumating si ate at nakigulo nadin samin.