Keisha's POV
Di ko alam mararamdaman ko kung maiinis bako or iisipin ko na pano napunta ang bracelet na yan sa damitan ko.
"See? Magnanakaw talaga." Sabi ni Maria.
"Hindi ko nga alam kung pano napunta yan sa damitan ko e." sagot ko sakanila.
"Nako po. Huling huli na di pa aamin talaga." Sabat ni Imelda.
"Baka nga pinlano nyo pa yan e. Tsaka bakit ko kukunin yan? Kung tutuusin dati mas maganda at madami ang binibigay samin ni papa na ganyan." Sabi ko at lumapit sakin si Maria.
"Dati yon. Kaya siguro nagseselos ka kase hindi kana mabigyan ng mga ganito. Kase kami na ang mahal ni Papa. In short kame na rin ang Tinuturing nyang Pamilya talaga." Sabi ni maria at bigla naman sumabat si Papa.
"Tumigil nga kayo. Oh ayan ha! Tama na. Nahanap na!" Sabi ni papa.
"Wala ka man lang bang gagawin sa anak mo? Talagang hahayaan mo sya? Baka mamaya lang wala ng gamit dito sa bahay. Pagnanakaw ang kaso nya dito. Nagnakaw po ang anak mo!" Sabat ni Imelda.
"Bakit ba ang sama ng tingin nyo sa mga anak ko? Di ko sila pinalaking ganon. At mabubuting anak talaga sila! Teka nga imelda. Bakit mo ba ko pinipilit na paniwalain ako sainyo na ninakaw yan ng anak ko?" Duda ni papa at naalala ko yung kanina na parang masinsinan ang usap nila.
"Hindi ka namin pinipilit na mapaniwala ka. Ang akin lang gusto koooong .. mabigyan ng leksyon ang anak mo" Sabi ni Imelda.
"Di na kaylangan. May tiwala ako sa anak ko na di nya gagawin yan" sabi ni papa. Nagulat ako ng lumapit si Clarence kay papa.
"Papa. Kaninang natutulog si Ate nakita ko si Ate Maria sa kwarto namen." sabi ni Clarence. At pare pareho kameng napatingin kay Maria at gulat na gulat ang mukha nya.
"Anong ginawa?" Sabi ni papa.
"Naglala--" Napatigil sa pagsasalita si Clarence ng biglang sumabat si Imelda.
"Tigil na natin to. Wala naman na mangyayare. Hay nako! Sayang oras. Halika baba na tayo." Aya ni Imelda at bumaba na ang magina. Sumunod nadin si Papa naiwan kame nila ate at clarence sa Kwarto.
"Clarence. May nabanggit ka kanina! Anong ginawa ni Ate Maria?" tanong ko dahil nahiwagaan talaga ako.
"May nilalagay ata o kumukuha sa damitan mo." Sabi ni Clarence.
"Sinasabe ko na nga ba. Kanina yung magina naguusap! Parang may babalakin talaga ganon. Halika bumaba na tayo! Sabihin mo yan kay papa" Sabi ko
"Sure kaba jan? Baka naman iba pinaguusapan nila." Sabat ni ate pero di ko nalang pinansin. bumaba na kame at nadatnan ko silang kumakain parin.
"Pa. Sasabihin na ni Clarence sayo kung ano ba talaga ginawa ni Maria sa Kwarto namen" Sabi ko at napatingin samin ang magina.
Magsasalita na sana si Clarence ng Hampasin ni Imelda ang Lamesa kaya nagulat kame.
"Ano ba? Hindi pa ba kayo tapos? Tinigil na nga e. Dadagdag mo pang kapatid mo sa kahibangan nyo?" Sigaw ni Imelda.
"Bakit? Natatakot kaba na baka malaman ni papa mga kalokohan nyo pag wala sya dito?" Sabi ko at bigla naman nya akong nilapita at sinampal.
"Hoy!" Sigaw ni papa at hinatak nya ako.
"Wala kang karapatan na sampalin ang anak ko." Sigaw ni papa. Di ko akalain na ipagtatanggol ako ni Papa sa babae nya.
"Nabigla lang naman ako. Sinasagot ako ng anak mo" Sabi niya.
"Pwede mo naman pagsabihan. Di mo kaylangan saktan. Bakit? si maria ba nakita mong sinaktan ko? Kahit alam ko na anak mo yan sa customer mo dati?" Sigaw ni papa at nasampal din sya.
Nakita kong gulat na gulat din si Imelda sa ginawa nya kay papa.
"Hon. Im sorry di ko sinasadya! Please. Sorry" Pagmamakaawa ni Imelda at tinulak sya ni Papa. Panay parin ang hawak ni Imelda sa kamay ni papa.
"Halika na. Magimpake na kayo! Aalis tayo dito" Sabi ni Papa at unang umakyat si papa at sumunod naman si Imelda sakanya at umiiyak.
Napatingin ako kay Maria at nakita kong Galit na galit sya sakin at umiiyak na din sya.
Lumapit sya at agad naman pinigilan ni ate ang paglapit nya sakin.
"Simula nung dumating kayo dito. Nagkagulo na kame! Bakit ba kayo nandito? Ha? Hindi naman kayo welcome dito e." Sigaw ni Maria habang lumuluha na sya.
"Sinira nyo ang pangarap kong magkatatay. Narinig nyo naman siguro Papa nyo diba? Oo! Anak ako sa Malibog na customer ni Mama. Masaya na kayo ha? Kase hindi ko nakita ang tatay ko. At ngayon na meron nagmahal ulit kay Mama , Sobrang saya ko kase tinuring din akong anak ng papa nyo. Kahit sa maling paraan ako nabuo. Kaya Thankyou ha! Iiwan kame ng PAPA nyo dahil din sainyo" Sigaw ni Maria at umakyat na sya. Sumunod kame at nakita kong patuloy parin ang pagmamakaawa ni Aling Imelda kay Papa.
"Hooon. Sige na please! Wag mo naman kameng iwan." Pagmamakaawa ni Imelda. At nilapitan sya ni Maria at pinipigilan ang mama nya sa pagmamakaawa.
"Tama na. Wag mo ng pilitin ang ayaw!" Sabi ni Maria. Nang makapag impake na si papa at dala na ang mga bag nya , Bigla kameng nagulat ng sigawan din kame.
"sabing magimpake na kayo e! Ang kukulit nyo din eno? Bilisan nyo." Sigaw ni papa. Agad agad kameng pumasok sa Kwarto at hinanap agad ang mga bag namen. Bigla naman tumunog ang cellphone ko at nakita kong tumatawag si Geo. Sinagot ko agad at inipit ko ang phone ko sa balikat ko.
"Hello?" Sabi ko.
"Kamusta naman ang baby ko?" Sabi ni Geo.
"Teka lang. Aalis kase kami dito e! Nagiimpake na kame" Sabi ko sakanya
"Ha? Bakit? Wait punta ako jan" Magsasalita pa sana ako ng bigla nyang patayin ang tawag.
Nagpatuloy ako sa pagiimpake habang si papa sinisigawan na din kame na magmadali sa ginagawa namin. Nang matapos kameng makapag impake bumaba na kame at di parin tumitigil si Imelda sa kakaiyak at pagmamakaawa. Pati tuloy ako naaawa na.
Lumabas na kame at dumating na si Geo. Nagulat si Papa at napatingin sakin.
"Tito. Ano po nangyare?" Tanong ni Geo.
"Paandarin mo na kotse mo. Bilis" Sabi ni Papa at tumakbo na si Geo sa sasakyan nya. Sinakay na namin ang mga gamit namin sa likod at sumakay na kame.
Sa Harap sumakay si Papa at tatlo kame sa gitna. Nakita kong nalungkot si Papa at lumingon pa sa bahay.
"San po ba punta nyo?" Pagaalangan na sabi ni Geo.
"Kahit saan. Layo mo muna kame dito" sabi ni Papa at tumango nalang si Geo. Pinaandar naman nya agad at napasandal nalang ako at huminga ng malalim. Nakakastress tong nangyare!
Hello Guuuuys 💕 Please Dont forget to Vote/Comment 😍 Thankyouuu 😘 Lablab 😁
-Vii 🌻 xoxo