Keisha's POV
Nagbihis na agad ako at pumunta muli sa Resto. Pagbaba ko ng taxi , Inayos ko kagad ang damit ko. Pagpasok ko nakita kong nakatingin sakin ang dalawang waitress.
Kumunot ang noo ko at di ko nalang pinansin. Pumasok nako ng Office room at nakita kong nakayuko ang ulo ni Sir at nakapatong ang mga kamay nya sa lamesa.
Dahan dahan akong lumakad papalapit sakanya. Unti unti nyang inangat ang ulo nya at napatigil ako sa paglapit sakanya. Tumayo sya at Lumapit sakin.
Nagulat ako ng yakapin nya ako ng mahigpit at Hinaplos ko ang likod nya.
"Bakit?" tanong ko habang yakap yakap parin ako.
"Sandali lang. 20 seconds nalang" Sabi nya. Nanatili kameng magkayakap. Hanggang sa bumitaw sya.
"So? Bakit po sir?" Tanong ko.
"Nagaway kame ni Dad e. As always naman" Sabi nya.
"Sanay kana pala e. Ok lang yun lilipas din yan!" Sabi ko . Ngumiti naman sya at kumunot bigla ang noo.
"Bakit po?" Takang tanong ko.
"Gusto kong uminom. Mamaya sa bahay , Samahan mokong uminom ha!" Sabi nya at nanlaki ang mata ko.
"Ay. Nako! Di po ako umiinom e." Sabi ko.
"So? Sasamahan mo lang ako." Aniya at tumango nalang ako. Isinara na ang resto agad naman kameng lumabas at sumakay na ng Kotse nya.
Nang makarating kame sa bahay nila. Nagtungo agad kame sa Kusina nila at may Mini Bar sa bahay nila.
"Wow. Ang cuuute!" Sabi ko at nagandahan talaga ako. Ang cool!
"Hahaha. Dami talagang nagagandahan dito sa Kusina ko." Sabi nya at kumuha na sya ng baso at Alak.
"Nasan ba daddy mo?" Tanong ko. At bigla naman nya akong inabutan ng Baso at sinalinan na ng alak. Sabi ko di ako umiinom e! Taragis.
"Wala. Sariling bahay ko to! pinagawan nako ng bahay ni Dad dahil di naman ako umuuwi don e. Kase Lagi akong nasa Party. Sa Friends ko nako nakikitulog. Kaso ngayon di nako makakapag Party kase nagmamanage nako ng Resto" Pagpapaliwanag nya. Sabay tungga sa baso nya.
Kinuha ko ang baso ko at inamoy ito. Naubo ako sa dahil ang tapang ng amoy.
"Oh? Ok kalang? Wag mong amuyin. Hahahaha" Sabi nya at panay ang tungga nya.
"Di naman kase ako talaga umiinom e." Sabi ko at binaba ko ulit ang baso ko.
"Just try it. I promise! Magugustuhan mo yung lasa!" Sabi nya at sinalinan na naman nya ang baso nya. Grabe!
Kinuha ko ulit ang baso at tinitigan muna. Napahinga ako ng malalim at pinisil ko ang ilong ko sabay inom. Dinire-diretso ko ang paginom para solid.
"Woooh. Putek! Saraaap pala" Sabi ko at tinanggal ko na ang pagpisil ko sa ilong.
"Sarap diba? Malakas nga lang tama nyan" Sabi nya sabay tawa. Nanlaki ang mata ko at parang wala lang sakin.
"Isa pa nga. Iinumin ko ng walang pisil pisil ng ilong. Hahahaha" Sabi ko at sinalinan nya naman agad ako. Ininom ko agad at nasarapan talaga ako.
"Diba sabi mo kanina nagpaparty ka? Edi Babaero ka?" Sabi ko at parang padalos dalos ang mga nasasabe ko.
"Hahaha. Dati? Tsaka Bata pako non. Kaya di ko pa alam magseryoso but now that i met you , Nakita ko na yung babaeng seseryosohin ko" Sabi nya at hinampas ko sya sa Braso.
"Gago ka! Hahaha. Ay sorry sir!" Sabi ko at inalog alog ko ang ulo ko dahil sa sinabe ko. Sa kagagahan ko nahilo naman ako bigla.
"Sir. Lagyan mo pa nga tong baso ko!" Sigaw ko at natawa sya. Di ko alam kung bakit. Pagsalin nya ininom ko kagad.