Keisha's POV
Pagkatapos namin magusap ni Meila. Agad naman akong umuwi sa hotel para magpahinga na para bukas. Paglapag ko ng gamit bigla namang tumunog ang phone ko.
"Number lang? Sino kaya to!?" bulong ko sa sarili. Sinagot ko parin kahit hindi ko alam kung sino ito.
"Hello?" bati ko.
"Ahm? Kei? This is Nathan? Your boss. Nakalimutan kong kunin number mo kanina e. Buti nalang naalala ko friend mo si Meila kaya kinuha ko na number mo." Si Sir Nathan pala ito.
"Ah. Oo nga po pala sir. Ahm?pasensya na po. Nakalimutan ko rin ibigay. San po pala kita kikitain bukas?" Pag aalangan kong itanong.
"Since di kopa alam kung saan ka nakatira. so , Sa Resto nalang. agahan mo ha" Paalala nya.
"Opo sir. Thankyou! bye" sabi ko at nilapag ko na ang phone ko. nagbihis na muna ako. Pagtapos kong magbihis , nagtungo ako sa kusina para maghanap ng pagkain.
Bigla namang may kumatok sa pinto. binuksan ko agad at napangiti ako ng dumating si geo.
"Kumain kana ba? May dala ako!" Sabi nya. pinapasok ko na sya at nilapag na nya sa lamesa ang dala nyang pagkain.
"Wooow. Ang sarap! tinitignan ko palang nabubusog nako e" Sabi ko at napangisi sya bigla.
"Osige. wag ka ng kumain titigan mo nalang. Nakakabusog talaga yan" pagbibiro nya. hinampas ko sya sa braso at bigla nya akong hinalikan sa noo.
"Oh eto na. Kainan na! teka mukhang pagod ka ngayon ah? Umalis kaba?" Takang tanong nya habang nagsasandok na sya ng kanin sa mga plato namen.
"Oo. May trabaho na nga ako e" sabi ko at biglang nawala ngiti nya ng sabihin ko iyon.
"Ano? Bakit ka naghanap ng trabaho?" Diba sabi ko na wa--" natigilan sya ng sumabat ako.
"Pero nagpaalam nako sayo diba? Sabi ko samahan mokong kumuha ng mga requirements na kaylangan?" Pag aalangan kong sabihin sakanya.
"Kumain kana." Aniya at naging seryoso ang mukha nya. Sinimulan na nyang kumain at tila wala ng mood makipag usap sakin.
Sa sobrang tahimik namin na kumain at sa yamot ko. di ko napigilang magsalita.
"Ano bang problema mo? Nagpaalam ako sayo! Tapos ngayon aartihan mo ko ng ganyan?" inis kong sabi sakanya.
Nanatili syang tahimik at umiwas pa ng tingin. kita rin sa mata nya na nangiirap na sya.
"Ano ba! Makikipag usap kaba o hindi? Magsalita ka naman!" sigaw ko sakanya.
"Nananahimik na nga ako diba? Gusto mo pa ata ng away e."Sigaw nya sakin. napatayo sya at hinampas ang lamesa. sa gulat at takot ko bigla akong nanlambot at napayuko bigla.
Naglakad sya papunta na ng pinto pero pinigilan ko agad sya. bubuksan na nya sana ang pinto ng yakapin ko sya ng nakatalikod at napahinto naman agad sya.
"Sorry. Hindi ko sinasadya na galitin ka. Ayusin natin to please?" pag mamakaawa ko habang yakap parin sya.
Inalis nya ang pagkakayakap ko sakanya at humarap sya sakin. Niyakap nya ako ng mahigpit at hinalikan ang noo ko.
Nang pumiglas kame sa pagkakayakap namin sa isat isa. Hinawakan nya ang kamay ko at may dinukot sa likod nya.
Di ko alam kung bakit pero kinabahan ako. lalo ng makita ko ang hawak nyang maliit na box .
"Geo. Di pako ready" inunahan ko agad sya sa sasabihin nya.
"Relax. this is just a promise ring!" Binuksan nya ang box at nakita ko kung gaano kaganda ang singsing. kinuha nya ito at isinuot sa daliri ko.