Keisha's POV
Nang makarating ako malapit sa bahay ni belle. Iniisip ko kung pano ako makakapasok sa bahay nila. Naghahanap ako ng pwede kong akyatan.
may lumabas sa bahay nila at nakakotse. di ko alam kung sino iyon nagtago muna ako sa likod ng nakaparadang kotse.
ilang minuto nakong nagiisip kung saan ako dadaan. patingin tingin ako sa paligid at baka may makakita sa akin.
Maya maya's nagring ang phone ko. kinuha ko agad sa bulsa ko. Si Ate pala ang tumawag kaya sinagot ko agad.
"Hello? Nasan kaba? Nandito kame sa prisinto ngayon. Nahuli na yung bumaril kay mama" Nanlaki ako ng sabihin ni ate iyon.
"Ano? May binili lang ako! Pabalik nako. Send mo nalang sakin kung saan yan! Sige na babye" Sabi ko at binulsa ko na ang phone ko.
"Babalikan kita. May araw ka rin sakin" Bulong ko sa sarili at tumakbo nako papuntang sakayan.
Nang makarating ako sa presinto nakita kong nakatayo sila ate at may lalaking nakaupo at pinalilibutan nila.
"Sino yan?" Takang tanong ko sakanila.
"Oh? Nandito kana pala. Sya nakakita kung sino at paano napatay si mama" sabi ni ate.
"May Nagbayad don no? Sino? Si Belle? Yung mayaman?" Inis kong sabi sa lalaki.
"Ay hindi po. Pasensya na po! Nag iinuman po kase sila ng hapon non. Napadaan po mama ninyo dala po ata mga pinalengke nya ata. Eh yung kakilala ko po , Nagandahan po sa nanay nyo." Sabi ng lalaki at yumuko sya.
"Gago pala kayo. Eh kung di naman pala sya kalahating tanga , Papatayin nya yung taong dumaan lang sakanila. tapos nagandahan lang pala sya?" sigaw ko sakanya.
"Sorry po. Hinabol po ng kakilala ko yung nanay ninyo. tapos hinawakan nya po sa braso. Ahm. Tapos po pumipiglas nanay nyo. Tapos hinugot po nung kakilala ko yung baril nya. Kaya ayun" Aniya at kumunot bigla noo namen ni ate.
"Kamanyakan nya. Dapat sya tong binabaril e." Inis na sabi ni ate.
"Teka. Wala ba talagang nagutos sainyo na sabihin to samin ngayon?" sabi ko sa lalaki.
"Nako hindi po. Sa katunayan po! Naawa po kase ako sa nanay ninyo. Alam ko pong di taga samin yon kaya nabastos." Sabi ng lalaki. Pero di parin ako masyadong naniniwala sa mga sinasabe nya. feeling ko inutusan sya.
"Teka. Bakit may baril yung lalaki?" Takang tanong ni ate.
"Pulis po kase yun." Aniya at nagulat kame sa sinabe nya.
"Ang gago nya no? Pulis sya? Tapos hapon palang umiinom na? Hahaha. ang dami daming problema ngayon sa lipunan tapos sya iinum lang sa kanto? Papatay pa?" Sigaw ko. Natahimik nalang yung lalaki at nanatiling nakayuko.
Hinila ko si ate at lumayo muna sa kanila.
"Nasan yung pumatay?" tanong ko kay ate.
"Humihimas na ng rehas. wag mo ng balakin na tignan. Nakita ko na! At mukhang totoo sinasabe nung lalaki. Mukha kaseng adik yung pulis kuno" sagot ni ate sakin.
"Pero kase ate may sinabe --" Napatigil ako ng bigla syang sumabat.
"Hay nako kei. Wag mong isipin yon! Tinatakot ka lang non! Teka. Nakapag paalam ka ba sa boss mo?" sabat ni ate. Naalala ko bigla si Sir Nathan di ko pa pala nasasabe sakanya.
"Oonga pala. Shet! Sandali tawagan ko lang" sabi ko at kinuha ko na ang phone ko sa bulsa ko. Tinawagan ko kagad si Sir Nathan. Agad naman sinagot .