22

31K 224 39
                                    

Keisha's POV

Nang makarating ako sa tapat ng room ko. Pumikit ako at huminga ng malalim. Unti unti kong Binuksan ang pinto.

Nagulat ako ng biglang tumakbo papunta sakin si Ate at niyakap ng mahigpit.

"Anong nangyare? Teka. bakit nyo bako pinauwi?" Takang taka ako sa mga nangyayare. Bumitaw na si ate sa pagkakayakap nya saakin. Hanggang sa umiiyak na si ate sa harap ko.

"Wala na si mama. May pumatay sakanya! Tinadtad sya ng bal ng baril sa katawan" Aniya. At lalo syang umiyak. Napaupo pa sya sa sahig at iyak parin ng iyak.

Di ko alam kung anong mararamdaman ko. Natulala nalang ako at di ko namalayan na tumulo na pala luha ko.

"Hindi. Hindi totoo yan! Bakit nyo ginagawa sakin to! Hindi totoo yan ate! Nasan sya? Gusto ko syang makita." pasigaw kong sabi sakanya. Dahil naninikip na ang dibdib ko sa sinabe nya.

Nagtaranta na akong pumunta ng kwarto at nakita ko ang mga dugong damit. Nanghina ang buong katawan ko ng makita iyon.

Kinuha ko ang damit na puno ng dugo. Unti unti kong niyakap ang damit na iyon.

"Mamaaaaaaa! Bakit? Maaaa!" Inis at galit ang nararamdaman ko. Walang tigil ang luha ko sa pagpatak.

Nilapitan nako ni Ate at niyakap ko sya ng mahigpit.

"Halika na. Kaylangan na natin pumunta sa bahay nila tita. Dun pinaburol si mama" Tumango lang ako at nagimpake na.

Dali dali akong kumilos. Kinuha ko ang pera at nilagay agad sa bag. Umalis na kame ni ate papunta sa bahay ng tita ko. Nauna ng hinatid ni ate ang bunso kong kapatid na si clarence.

Habang nasa taxi kame , Di ako mapakali . Gusto ko ng makita si mama. Gusto ko na syang mayakap.

"Tatagan mo loob mo ha. Alam kong mahirap pero kaya natin to" Sabi ni ate at napaluha na naman ako.

Nang makarating kame sa bahay ng tita ko , Wala pa ang kabaong ni mama. Agad kameng nagbeso sa tita ko.

"Gusto ng mama nyo , Matatag ha." Sabi ni tita at nginitian nya ako. tumango lang ako at umupo sa sofa nila.

Nagulat ako ng magring ang phone ko. Tumatawag sakin ngayon si Geo. Binalewala ko lang at nilagay ulit ang cellphone sa bulsa ko.

Hanggang sa dumating na ang mga nagaayos ng pagbuburulan ni mama. Pumikit ako at panay ang lunok ko. Di ko pa man nakikita si mama pero naiiyak nako.

Bigla namang nagiyakan silang lahat kaya napadilat ako ng mata. Nakita ko ang hawak hawak ng dalawang lalaki ang isang kabaong. Hanggang sa buksan na ang kalahati ng kabaong.

Nilapitan agad nila at iniyakan. Habang ako , Nakatayo lang sa likod nila. Bigla naman akong nilapitan ni Clarence at hinawakan ang kamay ko. At inilalapit kay mama. Umiiyak na din sya pero napakastrong netong kapatid ko.

Habang papalapit ako sa kabaong ni mama. Pinikit ko ang mga mata ko at dahan dahan binuksan. Nakita ko ang nakangiting mukha ni mama.

"Mama. Nakangiti ka parin kahit wala kana! Mamimiss kita." Gusto ko syang hawakan , Gusto ko syang yakapin. May hikbi na ang iyak ko at kanina pa hawak ng hawak sa salamin ng kabaong nya.

Nanghihina na tuhod ko kaya umupo nalang muna ako at tuloy parin ang iyak. Nilapitan naman ako ni Ate at niyakap ako.

"Pansin mo? Nakangiti si mama? Ang ganda no? Kaya lang di na natin makikita ang mga ngiti nya. Kaya nga nilulubos ko na e. Kase ilang araw nalang natin sya makakasama" Sabi ni ate at naluha na naman ako. Pinupunasan ko agad ang mga luhang papatak sa mata ko.

Nanatili akong tulala at nakatingin lang sa kabaong ni mama. Binibigyan nila ako ng pagkain pero di ko sila kinikibo. Gusto ko lang makita si mama buong araw.

Nagulat ako ng paglingon ko sa pinto nakita ko si Geo at nginitian ako. Nilapitan nya ako at tumabi saakin.

"Ahm. Condolence" Aniya. at nanatili akong tahimik.

"Ok ka lang ba? Kumain kana ba? Gusto mo kuha kita ng palabok? May dala ako" Alok nya. Naririnig ko sya pero wala ako sa mood makipag usap ngayon.

"Kilala nyo na ba kung sino pumatay sa mama mo?" Nainis ako ng banggitin nya iyon. Dahil bigla kong naalala ang sinabe ni Belle saakin nung mag away kame.

Saka lamang ako napalingon sakanya at kinausap sya.

"hindi. Pero may kilala ako kung sino ang pwedeng gumawa nito." Sabi ko sakanya at kumunot ang noo nya.

"Ha? Sino? Bat di nyo ireport sa pulis?" Sabi nya.

"Gusto mong malaman kung sino? Si Belle. Sya lang naman kayang gumawa neto diba? Mamamatay tayo yung gagong yon!" Inis kong sabi sakanya.

"Ano bang pinagsasabe mo? Di nya magagawa yon. Baka naman may kaaway lang mama mo?" Pag aalangan nyang sabihin sakin.

Napangisi naman ako sa sinabe nyang iyon.

"Haha! Talaga? Naalala mo nung nagaway kame ni belle. Binalaan nya ako! Sabi nya sya daw ang magiging bangungot sa buhay ko! Di lang to bangungot ang ginawa sakin ni Belle. Sumpa! Alam mo ba yon? Halos araw araw ko tong dadalhin sa buhay ko. At ngayon wala na sya , Sinisisi ko ang sarili ko sa sinapit ni mama dahil sakin." Nagsimula na naman akong umiyak at pinagsasaktan ang sarili.

Pilit nya akong pinipigilan hanggang sa pati si tita umawat na rin sa ginagawa ko.

"Dahil sakin nawala si mama. Dahil sakin napatay sya! Nang dahil sakin Di na namin sya makakasama!" Sigaw ko at natigil ako ng bigla akong mahilo at mahimatay.

Nagising nalang ako bigla at nakita kong Hawak nya pala ang kamay ko habang nakatulog sya sa upuan. Binitawan ko ang kamay niya. Bumangon ako at pumunta sa kusina. Naghanap ako ng matulis na pwedeng isaksak kay Belle.

Wala nakong paki kung makulong ako. Papatayin ko sya gaya ng pagpatay nya kay mama. Sa paghahanap ko may nakita akong kutsilyo na medyo maliit.

Binulsa ko agad at lumabas na ng kusina. Napatigil ako ng bigla akong tignan ni ate at tita.

"Oh? Gising kana pala. Kain kana muna kaya? Baka nagugutom ka lang?" Pag aalala ni ate. Nginitian ko lang at dinaanan ko lang sila.

Nang makalabas nako sa bahay nila tita. Nag abang agad ako ng taxi papunta kila belle. Ilang minuto rin bago ako makahanap ng masasakyan.

Habang nasa byahe ako , Iniisip ko na gagawin ko sakanya. Wala nakong takot na nararamdaman. Puro galit at inis na umiiral sakin ngayon.

Kinuha ko kutsilyo na nasa bulsa ko. tinitigan kong mabuti ito at hinimas himas. at hinahawakan ang dulong matalas ng kutsilyo at iniisip kung ilang beses kong mababaon to sa katawan ni belle.

"Humanda ka sakin Belle. Eto na ang mga araw na makakasama mo ang mga taong mahal mo. Papatayin kita!" Bulong ko sa sarili. Hanggang sa naluha nalang ako dahil sa galit. 
















Hello Guuuuuys ❤ Sorry kung bitiiiiin! 😭 But Please dont forget to Vote/Comment 💕 Thankyouuuu!😍 Lablab 💕

-Vii 🌻 xoxo

Fucking My Childhood Friend (SPG) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon