Keisha's POV
Di ko na inisip ang nangyare samin ni geo. Habang ginagawa ko na ang pinapagawa sakin. Nakadapang Tulog parin si Geo.
Tumingin ako sa oras kung anong oras na. Nagulat ako ng makita kong alas onse na ng gabe. Nanlaki ang mata ko at ginising si geo.
"Geoo? Geooo!?" kinalabit ko sya ng kinalabit ng magising sya.
"Oh. ano ba yon?" Tanong nya na tila yamot na yamot pa.
"Alas onse na pala ng gabi." Nagulat din sya sa sinabe kong yon kaya bumangon na sya sa higaan at nagbihis.
Bumaba kame at nagtungo agad sa kwarto ng mama nya.
"Ma. Alas onse na pala? Pano yan? Di pa tapos" Sabi ni geo.
"Nako. Hindi ko alam! Ang haba ng oras nyo kanina ah?" Takang taka mama nya. Pano ba naman kase umaga akong niyaya ni geo pumunta sa bahay nila tapos alas onse na wala padin kameng nagagawa.
"Nakatulog kase kame kakagawa e. kaya ayon di natapos agad" Sabi ni geo sa mama nya.
"Hm. Eh kung tawagan mo kaya mama mo kei? Sabihin mo matutulog ka dito. tsaka gabi na baka mapagdiskitahan pa kayo sa daan" sabi ni tita. nagtingin kame ni geo ng bigla syang ngumiti.
"Teka eto yung telepono. Tawagan mo mama mo para alam nyang nandito ka. or ako na kakausap" Tumango nalang ako at dinial ang number.
"san naman kaya ako matutulog neto?" pabulong kong sabi. di ko alam na narinig pala ni geo.
"Sa Kwarto ko bakit?" aniya.
"Hello? Ahm mare? Nako pasensya kana ha. Di nakauwi si Kei. nagpapatulong kase ako e. Pero wag kang mag alala. safe dito si kei. salamat mare ha." Natawa ako ng Parang di na pinagsalita si mama. binaba agad ni tita ang telepono.
"Ok na tapos na. Osige na ituloy nyo na." At aktong aalis na sana si tita ng bigla nya akong hawakan sa balikat.
"Kei sa kwarto ko ikaw matutulog. Alam mo na mahirap na. Baka mapagalitan ako ng mama mo ha. Sa kwarto ko ha." tumango nalang ako dahil di ko naman alam kung ano ba sasabihin ko. tumingin sakin si geo at bumulong.
"Sa kwarto ko ha!" Napatingin ako sakanya at bigla akong nahiya di ko alam kung bakit. umakyat na kame papunta sa kwarto ni geo para ipagpatuloy.
"di mo man lang bako tutulungan dito?" yamot kong pagkakasabe sakanya. Nakahiga na kase agad sya sa kama.
"Hindi. ikaw lang naman marunong magdesign jan baka mapapangit bigla pag tumulong ako." Aniya. Nakalusot pa dahilan nya.
Inirapan ko nalang sya at sinimulan ko na ulit gawin yung ginagawa ko. simple lang ang ginawa kong design dahil nga kulang sa oras.
"Malapit nakong matapos. Wooh!" sigaw ko habang nag uunat ng braso ng makita kong nakatingin si geo sa cellphone nya at pigil ang ngiti.
"Psst." Sitsit ko sakanya.
"Ano?" lumingon naman agad sya sa tawag ko.
"Ginagawa mue?" pang asar ko sakanya.
"Wala. Tapusin mo nalang yan" sabi nya at naiba ang itsura nya. kanina nakangiti ngayon parang galit na ewan. bahala na nga tatapusin ko nalang ito para makatulog nako sa kwarto ni tita.
Alas dos na ng madaling araw ng matapos ko iyon. nakatulog na pala si geo. niligpit ko ang mga pinagkalatan na pira pirasong papel. Inayos ko na din lahat ng kakailangan at ilalagay mamaya para sa birthday ni tita.
Aalis na sana ako ng biglang umilaw ang cellphone ni Geo. Lumapit ako sakanya at tinignan ito.
"Belle?" Bulong ko ng makita ang tumatawag sakanya. bigla naman dumilat si geo at natulog din ulit. lumabas nako ng kwarto ni geo at pumasok na sa kwarto ni tita. May nakalatag na pala sa baba. humiga nako at nagpahinga. ipinikit ko narin ang aking mata.
"kei? gising na. Uuwi kapa sa bahay nyo para magbihis" Sabi ni tita habang nagmamake up na.
"Happy birthday po tita" Bati ko at tila wala pako sa sarili.
"salamat. haha nako anong oras na pala" Aniya. sinimulan ko ng ligpitin ang pinaghigaan ko saka lamang ako nagpaalam na uuwi na.
"tita alis na po ako. thankyou po balik ako" pagpapaalam ko. di ko na kita si geo siguro tulog pa yun.
Nang makarating ako sa bahay. biglang sumalubong sakin ang mukha ng bestfriend kong si Meila.
"Beeeees! Namiss kitang hayup ka." Nagyakapan kame at tila miss na miss na namin ang isat isa well oo namiss ko rin naman sya.
"Oh. Kamusta sa bundok? Nakapag ani ka ba? Hahaha" Pabiro kong sabi sakanya.
"Gaga ka. Tumigil ka nga!" Aniya at niyakap nya ulit ako. nanibago at parang wala si mama sa bahay.
" Nakita mo ba si mama?" tanong ko kay meila.
"Oo. Namalengke lang daw sya. teka tara gala tayo libre ko na" Aniya.
"Nako dai di pwede. Sumama ka nalang sakin aattend akong birthday ng mama ni geo e." bigla syang nagulat sa sinabe ko
"Whuuut? Kainan yan sige sama ako!" Sabi nya
"Malamang kainan yon nakakita kana ba ng birthday na nagsusuka?" Sabi ko at pinalo nya ko sa braso.
"Loko ka ha." Aniya at nagpaalam muna akong maliligo para maaga kameng makarating doon. Nang matapos nakong maligo nagbihis agad ako at umalis na sa bahay.
Nagtricycle kame ni Meila para mabilis. sya naman daw magbabayad e. nang makarating kame sa bahay nila geo pinaupo ko muna sa sala si Meila at tunulong nako kila tita sa pag dedecor.
"Tita ako na jan." sabi ko.
"Nako wag na. kaya ko na to ayusin mo nalang yung mga baso sa kusina. tsaka mga pinggan." Aniya at pumasok nako ng kusina para ayusin ang mga ilalabas na pinggan at mga kutsara at tinidor.
tinawag ko si meila para tulungan ako. imbis na tulungan ako dinadaldal ako.
"Nako te. Hirap sa bundok kahit nasa bahay ka lang ..." Napahinto sya pagkekwento sakin. di ko alam kung bakit.
"Oh bakit para kang nakakita ng multo jan" pabiro kong sabi sakanya.
"Baliw. Teka yan ba yung gf ni Geo?" sabi ni meila at biglang nanlaki ang mata ko.
"ha? Walang girlfriend si geo" sabi ko at bigla akong nawalan ng gana mag ayos.
"hindi ba nya gf yung kiniss nya sa lips yung girl sa harap pa talaga ng mama nya?" pag aalangan na sabi ni meila.
lumabas ako nakita ko ang pag iwas ng mga mata ni geo sakin. Bigla naman akong tinawag ni tita at pinalapit sakanila.
Tinitignan ko parin si geo kung titingin ba sya sakin o hindi.
"Ay. Belle this is keisha. Bestfriend ni geo since birth hahaha" Sabi ni tita at inabot nung belle ang kamay nya.
"Hi im belle. Geo's Girlfriend" Aniya. Parang biglang sumabog yung dibdib ko sa narinig ko. parang gugunaw yung mundo ko. nabingi ata ako!!!
Hellooo guys. 😊 Please Vote/Comment 😍😘 Thankyouu 😘💕
Vii 🌻 xoxo