#12_Salo-Salo

3.7K 217 13
                                    

#12_Salo-Salo


June 24, Sunday

10:27 AM.

Tiningnan ko ang aking relo. Napaaga yata ako ng dating. Pero ang sabi kasi niya dapat bago magtanghalian nandito na ako sa bahay nila.

Bakit nga ba kasi ako nandito? Bakit ako nasa tapat ng bahay nina Sandoval?!!

"Baklang mangkukulam!" Sigaw nito.

"Bakit?" Patakbong lumapit sa akin si Sandoval.

Ano kayang kailangan ng lalaking ito?

Pasalamat siya at tumulong siya kanina kung hindi, hindi ako mag-aaksiya ng panahon na kausapin siya.

"Bakit mo ako tinawag? Anong kailangan mo?" Tanong ko agad sa kanya pagkalapit pa lang niya.

"Gusto ko lang sabihin sayo na hindi libre ang pagtulong ko sayo kanina."

"Oh ngayon?"

"Pumunta ka sa bahay sa linggo. Bago magtanghali."

"Hindi ko naman hiniling na tulungan mo ako kanina ah! So bakit kita pagbibigyan sa hinihiling mo?"

Tila napikon ito sa sinabi ko.

"Ang punto pa rin dito tinulungan kita! At may kapalit yung pagtulong ko!"

"Wow hiyang hiya naman ako sayo kasi pinilit kitang tulungan ako noh? Bakit ba ang kulit mo? Sinabing ayoko nga eh!"

"Sa ayaw at sa gusto mo pupunta ka! Huwag mong hintayin na puntahan pa kita sa bahay ninyo at kaladkarin papunta sa bahay namin. Akin na pati iyang cellphone mo." Sabay lahad ng kaliwa niyang kamay.

Cellphone ko??

Aanhin niya ang cellphone? Wala ba siyang cellphone?

"Ano na?!" Galit nitong turan.

"Wala akong cellphone!!"

"Huh?"

"Bungol lang ang peg? Sabi ko wala akong cellphone!" Paguulit ko.

Bigla naman itong tumawa.

Bakit may nakakatawa ba sa sinabi ko??

Anong magagawa ko kung wala akong cellphone?! Tsaka mas mabuti pang ibili ko na lang ng mga damit namin ni lola yung ipambibili ko ng cellphone.

Siguro napansin niyang hindi ako nagbibiro kaya bigla itong tumahimik.

"Seryoso ka talaga? Wala ka talagang cellphone?"

"Close ba tayo para magjoke ako sayo? Tsaka anong nakakatawa sa wala akong cellphone, ha?!" Bara ko sa kanya.

"Tsss.. Ang sungit mo talagang mangkukulam ka. Kaya walang gustong makipagkaibigan sayo eh."

"I don't care. Basta ang mahalaga maganda ako!"

"Maganda ka nga pero bakla ka naman, tapos mangkukulam pa."

Tiningnan ko siya ng masama at nginisian niya lang ako.

Hindi talaga magpapatalo ang lalaking ito sa asaran noh?

"Ewan ko sayo, uuwi na ako."

"Sorry."

Ano daw? Sorry?

Baklang MangkukulamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon