#58_Maling Akala

2.4K 112 8
                                    

#58_Maling Akala

October 24, Wednesday

08:44 PM.

[ARCHAN'S POV]

"Sandoval? Sandoval." Ang aking tawag.

Ang alam ko kasama ko lang siya kanina, pero nawala siyang bigla.

"Sandoval nasaan ka ba?! Magpakita ka na hindi na ako natutuwa!" Ang sigaw ko.

Bigla naman sumulpot si Sandoval mula sa isang sulok na madilim. Mukha siyang kumikinang na bagay dahil sa kanyang kasuotan na puro puti.

"Sandoval!" Nagmamadali akong lumapit sa kanya at niyakap siya.

"Saan ka ba galing?" Ang tanong ko sa kanya.

Tiningnan ko ang mukha niya. Napakagwapo niya habang nakangiti siya. Hindi akong nagkamali na siya ang pinili ko, na siya ang minahal ko.

"Nagpaalam lang ako sa kanila baby ko. Kinausap ko lang sila saglit kaya nawala ako sandali. Nainip ka ba sa paghihintay sa akin, baby ko?" Ang balik nitong tanong.

"Hindi naman po. Ano naman pong pinag-usapan ninyo?"

"Wala naman. Mga simpleng bagay lang. Tsaka inihabilin na rin kita kay Ethan at kay James, sinabi ko na huwag na huwag ka nilang papabayaan. Nakausap ko na rin si Augustino at siya na daw bahala sayo. Siya nga pala, si Tristan naman balak ka yatang ligawan ulit.."

Kumalas ako sa pagkakayakap sa kanya.

"Teka nga lang! Balak mo ba akong ibigay sa iba Sandoval?" Pagpuputol ko sa kanyang sinasabi.

Bakit liligawan ulit ako ni Tristan? Hindi ba magkasintahan na kami ni Sandoval?

Mula sa nakangiting mukha napalitan ito ng seryoso.

"Hindi naman kita pinamimigay baby ko. Ang akin lang ayaw lang kitang iwan ng mag-isa."

"Bakit mo ako iiwan? Aalis ka? Saan ka naman pupunta? Pwede naman akong sumama sayo ah! Magpapaalam lang ako kina Lola at Tita, sasabihin kong sasama ako sayo. Hindi mo naman ako kailangan iwan eh!"

"Hindi kasi maaari baby ko. Malayo yung pupuntahan ko at hindi ko alam kung kailan ako makakabalik. Kaya naman hinabilin na kita sa mga kaibigan natin. Tsaka gusto kong maging masaya ka. Masaya sa taong bago mong pipiliin."

"Masaya naman ako sayo ah! At hindi ko kailangan ng bago! Ikaw lang sapat na, sobra-sobra pa nga eh!" Hindi ko na napigilan ang hindi mapaluha.

Bakit kailangan niyang magpaalam? Saan ba talaga siya pupunta?!

"Alam ko naman iyon. Ramdam ko nga eh. Kasi ipinaramdam mo sa akin ang kakaibang pag-ibig na hindi ko naramdaman sa iba. Ipinaramdam mo sa akin ang tunay mong pagmamahal at pagpapahalaga mo sa akin, kaya naman hinding hindi ako nagsisisi na nakilala ko ang isang tulad mo na minahal ko ng lubusan." Huminto siya sa pagsasalita at pinahid niya ang mga luha sa aking mga pisnge.

Maya-maya ay may lumapit na isang lalaki sa tabi namin. Base sa mukha niya ay may pagkakahawig siya kay Sandoval. Nakasuot rin siya ng kulay puting pantalon at puting polo shirt.

"Anak tara na, oras na para umalis tayo."

"Susunod na po ako, Pa. Magpapaalam lang po ako sa aking mahal. Archan si Papa nga pala, Pa si Archan po ang taong pinakamamahal ko." Sambit niya sa lalaki.

Ngumiti lang ang Papa ni Sandoval at kinamayan ako.

"Nice to meet you po Tito." Sambit ko.

Muli ay hinarap ako ni Sandoval.

Baklang MangkukulamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon