#26_The Duets

2.9K 158 16
                                    

#26_The Duets




July 26, Thursday

02:55 PM.

Katatapos lang namin magperform para sa group performance. Ang grupo namin ang huling sumabak sa kantahan.

Dahil lahat tapos ng magperform, ngayon ang susunod naman ay ang duets.

Ang bawat estudyante ay may tatlong performance na gagawin: group, duet at solo. Sa bawat gagawin namin ay may kaakibat na grado. Para sa group performance, 30 points ng grade mo ang makukuha mo dito samantalang tig-35 points naman sa duet at solo at kapag pinagsama-sama makakabuo ka ng 100 points.

Sa ngayon nakakuha ang grupo namin ng 30 points. Dalawang grupo lang ang nakakuha ng may pinakababa na puntos na 25 points samantalang ang iba naman ay perfect na ang nakuhang score.

Ngayon dadako na kami sa pangalawang pagtatanghal, ito ay ang duet. Dahil 2 ang iperperform ko sa duet, kami agad ni Ethan ang unang sasalang at panghuli naman kami ni Ferdy.

Simple lang naman ang kakantahin namin ni Ethan, ito ay ang Mahal ko o Mahal Ako ni KZ Tandingan. Ewan ko ba kung bakit yan ang napili niya, pero kung tutuusin parang naaangkop sa aming dalawa ang kantang napili niya.

Agad naming inayos ni Ethan ang stage, inihanda ang mga gagamitin at sumenyas na kami na simulan na ang tugtog.

Ako: "Dalawa kayo sa buhay ko
At ako ngayon ay kailangan nang mamili
Isa lang ang maaari..."

Nakatalikod kami pareho sa isa't isa at sa pagitan ng mga likod namin ay may nakaharang na isang malaking pinto.

Ethan: "Alam mong narito ako
Lagi para sa iyo
Mahal kita ng labis
Ngunit iba ang iyong nais.."

Kung papakinggan mo si Ethan, ramdam na ramdam mo ang emosyon sa bawat salita na binibigkas niya. At infairness sa kanya may ibubuga din naman pala ang boses niya.

Humarap ako sa kanya, sa pinto.

Ako: "At siya'y narito
Alay sa ki'y wagas na pag-ibig
Nalilito
Litong litong lito.."

Siya naman ang humarap sa akin.

Ethan: "Sino ang iibigin ko
Ikaw ba na pangarap ko
O siya bang kumakatok sa puso ko.."

Ako: "Oh anong paiiralin ko
Isip ba o ang puso ko
Nalilito litong litong lito.."

Ethan: "Sinong pipiliin ko
Mahal ko o mahal ako.."

Ngayon ay umakyat na sa stage si Sandoval. Yeah tama si Sandoval ang magiging kapartner ko ngayon dito, dapat kasi si James kaso ayaw niya kaya si Sandoval ang nirequest niya. Pumayag naman si loko.

Tumayo siya gitna ng natalikod sa akin habang ako naman ay unti-unting lumapit sa kanya at ipinulupot sa kanyang katawan ang kaliwang kamay habang ang isang kamay ko ay may hawak na mike at nakatingin sa mga manonood.

Ako: "Kahit di ako ang mahal mo
Kung mananatili ako sa yo
Ay baka matutunan mo rin
Na ako'y iyong ibigin.."

Sa kabila banda, umakyat naman si Pres.Jessica. Tama siya naman ang partner ni Ethan. Mabuti nga at pumayag din siya na sumali sa amin.

Pumunta si Ethan kay Jessica at hinawakan ang kamay.

Ethan: "At kung sadyang siya'y tapat
Baka sakaling pagdaan ng araw
Matutunan ko rin ang ibigin siya.."

Baklang MangkukulamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon