#27_My Performance

2.8K 161 24
                                    

#27_My Performance




July 27, Friday

02:30 PM.

Kaninang umaga ay nagbunutan na kami ng pagkakasunod-sunod ng mga magpeperform. Kaya pagkatapos ng klase ay agad na kaming naghanda ng mga gagamitin namin na props.

Kaninang lunch break naman, lahat kami ay naging busy na, meron ng nagsuot ng kanilang mga costume, meron na din nagmake-up tulad ko, pero meron ding iba na hindi pa. At tulad kahapon, si Pres.Jessica muli ang nagpaganda sa akin.

Panglima pa ako sa magpeperform kaya naman may oras pa ako para magprepare. Si Tristan naman ay pangsampu, si Ethan naman ay pang twenty at si Ferdy naman ay pang 40 at siya rin ang last na kakanta.

Nagsimula ng magpakanta si Sir Domingo, ako naman ay pumunta sa gate para sunduin ang magiging back-up dancers ko at tulad ng iniexpect ko, full of make up na sila at kulang na lang ay ang costumes namin. Tumungo kami sa office ng SSG para doon magpalit. After that, ay tumungo na kami sa court at tulad muli kahapon dumadami na uli ang tao.

Nalaman kong pang-apat na yung kumakanta kaya naman lahat kami ay tumungo sa stage. Matapos magsalita ni Sir Domingo ay narinig ko na tinawag niya na ang number ko kaya naman dali daling umakyat sina Jhanna para ayusin ang stage. Umakyat na rin ako para pumwesto.

Nagsimula na ang tugtog, nagsimula na rin sumayaw ang mga dancers. Nahaharangan kasi nila ako, pagkaalis nila sa harapan ko ay yun na ang hudyat para pumunta ako sa unahan, at simulan ang aking kanta.

"Baby, can't you see 
I'm calling
A guy like you should wear a warning
It's dangerous
I'm falling..."

Toxic with matching dance step, iyan ang napili kong gawin ngayon. Kita ko sa mga mukha nila ang pagkamangha at gulat sa suot ko. Nakasuot kasi ako ngayon ng damit na parang pang belly dancing na kulay skin tone. Naiilang nga ako noong sinuot ko ito kanina eh, parang ang daring kong tingnan. Pero sabi ni Jhanna mas perfect daw ito sa gagawin ko ngayon, kaya hinayaan ko na lang.

"There's no escape
I can't wait
I need a hit
Baby, give me it
You're dangerous
I'm loving it.."

Nahihiya na ako sa pinaggagawa ko! Kahit sa praktis pa lang! Pero para sa grades, laban lang! Actually si Jhanna ang nakaisip at pumili nitong kantang ito, siya rin ang nagpraktis sa akin. Nabanggit ko kasi ang tungkol dito ng minsan kaming magkita. Kaya naman sinabi niyang siya na bahala sa lahat at kinuntsaba niya rin ang mga kasamahan namin sa volleyball team.

"Too high
Can't come down
Losin' my head
Spinnin' 'round and 'round
Do you feel me now?..."

Then talikod, and pak! Shake my booty!

Pagkaharap ko napansin kong nasa unahan na ang SSG members at sina Ferdy at Ethan. Pansin kong nakatulala lahat sila.

Ang alam naman ni Ferdy at James ay Titibo Tibo lang ang kakantahin ko dahil iyon ang pinapraktis namin noon. Kaya kita sa kanila ang gulat ngayon.

"Oh, 
With the taste of your lips
I'm on a ride
You're toxic I'm slippin' under
With a taste of a poison paradise
I'm addicted to you
Don't you know that you're toxic?
And I love what you do
Don't you know that you're toxic?..."

Hiyawan na ang mga tao ngayon! Kita ko rin ang dami ng nagvivideo sa akin. My ghad! Baka magtrending ako nito! Hahaha charrot!

"Don't you know that you're toxic?..."

Baklang MangkukulamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon