#17_Selos?

4.3K 216 54
                                    

#17_Selos?

July 6, Friday

12:38 PM.

It's been what? Four days? Five days? Oh I almost forgot it's been one week!

Tama one week na ang nakakalipas simula ng mangyari yung paghaharap at pag-amin ng dalawa! Juicecolored! Naloloka ako sa dalawa kapag naaalala ko yun!

Sa loob rin ng isang linggo ang daming naganap! Kaya hindi ko na namalayan na isang linggo na pala ang nakakalipas. Tuluyan na akong naging official assistant ng SSG. Syempre naipasa ko ang huling task sa akin ni Sandoval. Ang task niya kasi sa akin ay kailangan matalo ko siya sa volleyball, at natalo ko naman siya pero ang masama lang nito, may nakakilala sa galaw ko bilang si Ardy. Kaya ang ending, ito naging instant celebrity ako. Hindi ko alam na marami pa lang umiidolo sa akin bilang si Ardy. Kapag may nakakakita nga sa akin, gusto nilang magpapicture. Meron din gustong magpaturo sa akin mg paglalaro ng volleyball. Kinukuha na rin pala ako ng team nina Sandoval para isali sa volleyball team nila.

Si Tristan naman, ayun lagi ng nasa office ng SSG. At in fairness sa kanya sinusuot na rin niya ang uniform ng SSG. Pero lagi naman nakabuntot sa akin! Akala mo mapupunta ako kay Ferdy! Oo Ferdy na lang simula ngayon.

And speaking of Ferdy, ayun lagi kaming magkasabay sa pag-uwi, kasi nga iisa lang dinadaanan namin sa pag-uwi diba? Tsaka lagi niya rin akong nililibre o kaya dinadalhan ng snacks. Ewan ko nga ba sa dalawang ito, kung bakit itinuloy talaga nila ang panliligaw sa akin. Parehas pa silang dalawa ni Tristan na nagpaalam kay lola na liligawan ako. Oo na! Ako na! Ako na si Rapunzel sa haba ng hair ko!

Si Jessica naman, ayun tuwang tuwa dahil assistant na nila ako. Kung siya masaya meron naman ding hindi! Tulad nina Mikko, Xander at Sandoval. Yeah hanggang ngayon  ayaw pa rin nila sa akin. Hindi ko na lang sila pinapansin. Bahala sila sa buhay nila! Hmmpp!

Ang kasama ko lang palagi sa nakalipas na linggo ay si James, ang bunso kong kapatid. Sa kanya lang lagi ako sumasama kasi pakiramdam ko mas safe ako sa kanya kaysa kina Sandoval at doon sa dalawa pa! Lalo naman kina Tristan at Ferdy, feeling ko pagkasama ko ang isa at nakita kami noong isa parang magkaka World War III palagi kapag nagsasama na sila.

Nasaan na nga ba ako? Oh well nandito lang naman ako sa Music Room kasama si James. Nagpapaturo ako sa kanya kung ano bang magandang kantahin para sa darating na project namin. Wala kasi kaming klase ngayon sa MAPEH, may nilakad kasi si Sir Domingo. Saktong wala ring klase sina James mamaya after ng lunch. Kaya heto kasama ko siya. Meron na nga lang akong three weeks para magpraktis.

"Kuya papunta dito ang suitor mo." Saad ni James habang may katext sa cellphone nito.

"Ha? Bakit mo sinabing nandito ako!?" Naku naman! Paano ako makakapagpraktis nito kung may epal na darating?

"Eh sorry naman! Nasabi ko na eh!"

"Ewan ko sayo!" Sino naman kaya ang darating?

Maya maya ay bumukas ang pintuan at pumasok si Ferdy.

"Hi!" Nakangiti nitong bati.

"Ahm hi? Ano nga pala ginagawa mo dito?" Ang tanong ko.

Simula talaga ng malaman kong magpapaligsahan silang dalawa ni Tristan para manalo sa puso ko, medyo nailang na ako sa kanya. Ewan ko nga din ba kung bakit ganoon eh! Parang hindi ako sanay na gusto na niya din ako. Parang mas gusto ko pang ako lang ang may gusto sa kanya. Ganurn!

"Tatanungin sana kita kung gusto mong magpraktis tayong dalawa para sa project natin." Oh shocks! Oo nga pala kami nga pala ang magpartner sa project namin!

Baklang MangkukulamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon