#06_Challenge Accepted

4K 224 14
                                    

#06_Challenge Accepted



June 13, Wednesday

11:45 AM.

"Nakausap ko na ang ating Principal at pumayag siya na magkaroon tayo ng assistant. Ngayon nasa sa atin daw kung sino ang gusto natin kunin bilang assistant ng SSG. And I recommend na si Archan ang gawin nating assistant." Panimula ni Pres.

Nasaan ako ngayon?

Well nandito na naman ako sa office nila. Pinaguusapan na naman namin ang about sa pagiging assistant ko.

Ewan ko ba sa babaeng ito, pinagpipilitan na maging assistant ako.

Pumunta pa nga siya kahapon sa bahay para lang pumayag ako na maging assistant. Kahit si Lola Guring kinausap niya at kinumbinsi na maging assistant ng SSG.

Tinanong ko kung bakit ako ang gusto niya maging assistant. Ang sagot niya, kasi gusto daw niyang makasama ako palagi at para mas maging close pa daw kami! Kaloka!

Sabi ko maghanap na lang siya ng iba kasi hindi ako interesado sa inaalok niya. Pero ayaw niyang maghanap ng iba dahil alam niya na kapag kumuha siya ng babae o bading na assistant, malamang sa alamang lalandiin lang daw ng mga ito ang mga lalaki sa SSG at ma-i-stress lang daw ang beauty niya kapag nagkataon.

"Okay, tell me Pres. bakit si Archan ang gusto mong maging assistant ng SSG?" Tanong ni James.

"Well simple lang, siya lang ang bukod tanging hindi naakit o nagkainterest sa isa inyo." Sagot ni Pres.

Well may point si Pres doon. Si Fafa Ferdy lang gusto ko noh!

"Pero alam mo naman siguro ang patakaran ng SSG natin? Ang bawat magiging member ng SSG na hindi dumaan sa botohan noong eleksyon ay kailangan magawa ang task ng bawat member na iaatas sa kanya." Sambit ni Alvin.

"Ano? May gagawin akong task? Anong task?" Tanong ko agad sa kanila.

"Depende sa amin, kung anong gusto naming ipagawa sayo." Sagot ni Mikko.

"Ganito kasi iyon Archan, bawat isa sa amin ay may ipapagawa sayo. Ngayon kailangan mong maipasa lahat ng iyon para tuluyan kang maging assistant namin. Pero dahil ako ang nagrecommend na maging assistant ka, hindi ako magbibigay ng task sayo. Mula sa Vice President hanggang sa Escort, sila ang magbibigay sayo ng mga gagawin. Please Archan, pumayag kana. I know na kaya mo namang gawin lahat ng ipapagawa nila sayo." Paliwanag ni Pres.

Eh??

"Ano kasi.. Pres.. Pwede bang huwag na lang ako?" Sambit ko.

"Ayaw mo ba talaga maging assistant namin?" Malungkot na tanong ni Pres.

Ano ba naman to?!! Bakit naman pinahihirapan ako ni Pres. Jessica?

"Haist! Pumayag ka na nga Archan! Tutal hindi ka naman basta basta magiging assistant ng SSG kapag hindi mo naipasa ang lahat ng task namin para sayo." Sambit ni Alvin.

"Yeah his right! Bakit hindi natin subukan kung ano nga ba ang kayang gawin ni Archan, diba?" Pagsang-ayon ni Mikko.

"What?! Don't tell me guys na gusto ninyong magkaroon tayo ng kasama na isang baklang mangkukulam?!" Sabat naman ni Sandoval.

"Hindi pa naman niya naipapasa lahat ng ipapagawa natin sa kanya diba? So ibig hindi pa sure na makakapasok siya bilang assistant natin." Saad naman ni Xander.

"Tss. Fine. Alam ko naman na hindi mo magagawang makapasa sa amin. At hindi ko hahayaan na mapasali ka sa SSG." Matigas nitong tugon.

"So, ibig sabihin payag na kayong lahat sa gagawin natin?" Tumango silang lahat. Tumingin sa akin si Pres at hinawakan ang dalawa kong kamay. "Pumayag kana please."

Baklang MangkukulamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon