#51_Ang Paghaharap ng Apat

2.2K 131 19
                                    

#51_Ang Paghaharap ng Apat


October 2, Tuesday

11:38 AM.

Oh my ghad!

Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala sa mga nangyayari ngayon sa buhay ko. Sa loob ng dalawang araw, ang daming mga naganap at ang dami ng nagbago sa buhay ko!

Isa na rito yung paglipat namin ng bahay! Doon na din kami sa subdivision nina Tita Janice nakatira ngayon. Kumuha na kasi ito ng bahay na malilipatan namin ni Lola at malapit lang ito sa kanilang bahay.

My ghad! Nakakalula sa laki at lawak ang bagong bahay na lilipatan namin! Mayroon itong dalawang palapag na may anim na kwarto, 3 sa baba at 3 naman sa taas! Meron din itong maids room, malawak na garden at malaking swimming pool sa likod ng bahay. Ten times ang laki nito kumpara sa dati naming bahay!

Dahil sanay na kami ni Lola na matulog sa magkahiwalay na kwarto, doon siya sa baba namili ng kwarto samantalang ako naman ay sa taas sa may pinakadulo ng pasilyo. Si james naman ay kinuha ang katabing kwarto para kapag bibisita daw siya sa akin ay may sarili siyang kwarto. Yung isang kwarto naman sa ibaba ay ginawang mini library or office ko daw sabi ni Tita Janice, kakailanganin ko daw iyon sa mga susunod na kabanata ng buhay ko bilang tagapagmana ng mga Salazar.

Actually si Tita ang bumili ng bahay na yun para sa amin ni Lola Guring, para daw mas malapit lang ako sa kanila. Tapos bumili rin siya ng dalawang kotse para sa amin ni Lola! Hindi ko na nga alam kung anong gagawin ko sa mga yun eh hindi naman ako marunong magdrive!

Marami pa si Tita Janice na pinaliwanag sa akin, nagkandahilo-hilo na nga ako sa mga sinasabi niya! Dinala na rin niya ako sa restaurant na pinagtatrabahuhan ko para pormal na ipakilala bilang bagong may-ari ng restaurant. Ang daming nagulat, syempre hindi nila inaasahan na ang dating waiter lang noon, may-ari na ng restaurant ngayon! Bongga diba?

Nagkita na rin kami noong Linggo ni Tino, ayun nakatikim siya sa akin ng sermon. Sinabi niya lang na nakitulog daw siya sa isang kakilala niya ngunit hindi nito sinabi kung sino. Nalaman ko rin na babalik na pala siya ng Baguio noong araw na iyon at magpapaalam lang daw ito talaga sa akin.

Bago siya umalis sinabi ko sa kanya ang balak ko. Matagal ko itong pinag-isipan at kinausap ko rin sina Tita at Lola sa gusto kong mangyari at pumayag naman sila. Ang gusto ko kasi ay tulungan ang pamilya nina Augustino, balak kong sa amin na lang sila tumira at ako na ang bahalang magpaaral kay Angelito at kay Tino. Para kasing pamilya na ang turing ko sa kanilang tatlo. Ang sabi ni Tino ay kakausapin daw muna niya ang kanyang Inang kung papayag ito sa nais kong mangyari.

Kahapon, nakareceived ako ng tawag kay Tino at sinabi nito na pumapayag na ang kanyang kapatid at ina sa hiling ko. Kagabi din ay dumating na rin sila.

Sa ngayon, nandito ako sa school at balak ng umuwi. May meeting daw kasi ngayon ang mga teachers kaya ayun half-day lang kami ngayon. Sina James, Tristan at Xander ay naiwan pa kasi kasali sila sa meeting.

*Rinnnggg!

"Hello Archan? Ano, break ninyo na ba?" Ang tanong agad ni Tino matapos kong sagutin ang kanyang tawag.

"Yep! Pero wala na daw kaming pasok mamaya, may meeting daw ang mga teachers eh. Nandito kami sa may gate ng school kasama ko na si Angelito." Sagot ko.

"Ganun ba? Sige hintayin ninyo ako ni utol diyan sunduin ko na kayo."

"Naku wag na! Magje---*tootttt* Aba! Binabaan ako?!"

"Hahaha pagpasensyahan mo na iyon si Kuya Augustino, Kuya Archan." Ang sambit ni Angelito.

Kinausap ko nga pala ang Principal namin, syempre kasama ko si Tita Janice, na tanggapin pa rin si Angelito kahit nasa kalagitnaan na ng school year at pumayag naman si Ma'am Principal. Nagulat nga ako sa sinabi niya eh, Si Tita Janice daw pala ang major sponsor ng school namin at si Tita rin daw ang nagtulong sa pagpapagawa ng bagong building noon! Kaloka! Si Tino naman ay sa susunod na pasukan na lang daw siya babalik sa eskwelahan.

Baklang MangkukulamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon